Short Story lang po ito. Mga 10-15 chapters? I don't know, haha basta short story lag po ito
- - - - - - - -
Faith's POV
Nag-bell na at salamat pwede na kaming makalabas sa detention room. Nagstretch naman ako ng muscles, nakakapagod kayang umupo doon sa loob for 2 hours. Ha.Ha.Ha.
Nagulat naman ako nung biglang hinawakan ni Sehun yung braso ko. Tiningnan niya ako ng sobrang seryoso.
"A-ah ano yun S-sehun?" Nauutal kong tanong. Promise nakakatakot yung mukha niya ngayon.
Bigla naman siyang tumawa ng malakas. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Anong nakakatawa?" tanong ko.
"You shouldve seen your face." tawa niya habang hinawakan yung tiyan niya.
Hinampas ko naman siya sa braso. "Youre so mean."
Tumigil naman siya sa pagtawa. "Sabay tayo kain ng lunch, tara." Hinila niya ako diretsong canteen. Tapos pinaupo niya kaso then sabi niya maghintay na lang daw ako kasi mag-oorder daw muna siya.
Kinuha ko na lang yung phone ko at naglaro ng kung anong games na nandun habang hinihintay si Sehun. Napa-isip naman ako. Bakit close na agad kami ni Sehun? Bakit sabay na kaming kumakain? Haaaay.
"FAIIIITH!!!" Medyo napatalon naman ako nung may biglang umakbay sa'kin. Holy macaroni pepperoni, sino ang gwapong nilalang na to? Nabuhay na ba si Adonis?
"Sino ka?"
"Ouch, ang sakit nun ha. Di mo na pala ako kilala ngayon?"
"Eh sino ka nga ba kase?" tanong ko ulet.
"Si Kai to, ano ka ba."
HUWAAAAAAT?!!! Kinaluskos ko yung mga mata ko. Bakit naging gwapo si Kai? Diba lagi yun nagsusuot ng glasses? Diyos ko po lord. Kung ano man po ang ginawa niyo sa mukha ni Kai, marami pong salamat. Pagpapantasyahan ko na po siya. Amen.
"Ows, di nga?" tanong ko.
"Oo nga." Sinuot niya yung glasses niya.
Someone please punch me hard in the face. Nananaginip lang ba ako? Jusko jusko jusko, i cant breathe properly. Si Kai na lang ang ipapalit ko kay L. Joke lang hahahahha.
"Sino kasama mo ngayon? Gusto mo sabay tayong mag-lunch?" nakangiti niyang tanong.
Jusko po lord, oigilan niyo pop akong halikan ang gwapong nilalang na to. XOXO, Muriel. Amen.
"Ah, kas----"
"Ako kasabay niya ngayon Jongin." bigla namang sumulpot ang isang gwapo a.k.a. Sehun. GOSH!!!
Nilapag niya yung tray na may pagkain, at nagtitigan sila ng masama ni Kai. Mgkaaway ba sila? May galit ba sila sa isa't-isa?
"Pwede naman akong sumabay sainyo, diba Faith?" nakangiting tanong sa'kin ni Kai.
"Jongin." Mdyo pasigaw na sabi ni Sehun.
"Wag mo akong tawaging Jongin, hahahaha. Ang cute mo talaga Sehunnie oag nagagalit."
Bakit ramdam ko ang dilim na aura nilang dalawa, jusko magbubugbugan na ba sila? Omg, kung mangyayare naman yun, sana di ako madamay. Sayang pag nabugbog ang precious face ko.
Tumayo naman nun si Kai at ningitian si Sehun. "See ya later.....bestfriend."
Wait, mag-bestfriend silang dalawa?!
Napatingin naman ako kay Sehun, nakakamao yung kamay niya. Di ko alam pero bigla ko na lang yung hinawakan yung kamay niya. Napatingin naman siya sa'kin at ningitian ko naman siya.
"Di mo pala sinabi sa'kin na bestfriend mo pala si Kai." sabi ko tapos kinagat yung burger na binili niya.
"Ex."
Napatingin naman ako sa kanya.
"Ex-bestfriend."
Napatigil naman ako sa pagkain. "Bakit? Anong nangyare sa inyong dalawa."
Huminga siya ng malalim at biglang ngumiti sa'kin. "Hehe, wala. Kain na lang tayo."
Tumango na lang ako at kumain na lang din.
BINABASA MO ANG
Sasaeng's Sasaeng
Mystery / ThrillerI'm a Sasaeng. But believe me or not, I have a Sasaeng. {November 2013}