Message 3:His Family and his girlfriend

52 1 0
                                    

Chapter 3

Saturday ngayon at walang pasok. Ngayon nila napagkasunduan na magkita-kita sa bahay nila Ed para pag-usapan ang gagawin nila.

Naka rip jeans na black at white v-neck shirt na may tatak na MUSIC, naka sneakers na white din siya. Nagpulbo lang siya at nag spray ng konting pabango.

"Ma alis na po ako" paalam niya sa ina at humalik sa pisnge nito.

"Anong oras ka uuwi anak?"

"Baka mga hapon na po ma" sagot niya.

"Pwede bang dumiretso ka sa papa mo pagkatapos, hindi kasi ako makakapunta ngayon. Mag dedeliver ako ng mga orders ngayon eh." Aniya ng kanyang mama.

"Sige po ma, ako ng bahalang magbantay kay papa. Mag-ingat po kayo ma." Sagot niya.

"Salamat anak mag-iingat kadin." Pahabol pa nito bago siya tuluyang makalabas.

Nag taxi na siya papunta sa bahay nila Ed. Tinext nito kagabi ang address kaya hindi na siya mahihirapan.

Huminto ang taxi sa isang village. Nag bayad na siya at agad na Bumama.

"Saan po kayo maam?" Tanong sa Kanya ng guard.

"Dito po kasi nakatira yung classmate ko kuya. Si Ed po." Sagot niya.

"Ah si sir Ed. Kayo po ba si miss Hailey?" tanong pa nito.

"Opo"

"Oh sige ma'am pasok na po kayo."

Pagpasok niya sa gate ay naglalakihang mga bahay ang bumungad sa Kanya.

Huminto siya sa tapat ng bahay na kulay silver ang gate.

'Ito na ang bahay nila'

Nag doorbell siya ng dalawang beses, ilang saglit lang ay may nagbukas na nito.

"Come in" tipid na sabi sa kanya ng binata.

Pumasok naman siya. Namangha siya sa ganda ng bahay nila Ed.

"Haileyyy!" Sinalubong siya ni Selena ng yakap.

"Ang hyper mo ata ngayon haha" saad niya sa dalaga.

"Excited lang akong bumisita sa orphanage at magpasaya ng mga bata." Masayang sabi nito.

"Gusto mo gawa tayo ng bata lena para hindi--"

"Shut up! you perv." Putol nito sa sinasabi ni Shawn.

"Joke lang naman. High blood kanaman agad haha"

Napangiti nalang siya sa asaran ng dalawa.

Umupo sila sa magkatapat na sofa. Magkatabi sila ni Selena at katapat ni Hailey si Ed.

"So anong Plano?" Panimula ni Selena.

"Naisip ko lang dude, pwede kaya nating pintahan yung katawan ng mga bata. Body paint ba, halimbawa gusto nilang mag pa pinta ng ibon sa kamay." Suggest ni shawn.

"Yeah. Its fine with me." Sagot ni Ed.

"Marunong ba kayo?" Nakataas ang isang kilay na Tanong ni lena.

"Kami pa!" Proud na sabi naman ni Shawn.

"Do you have any suggestion?" Baling sa kanya ni Ed.

"Ha? Ah.. marunong gumawa ng mga bagay gamit ang lobo, gaya ng aso, sumbrero etc." Sagot niya.

"Good idea." Saad ng binata.

"Marunong din ako. Siguradong matutuwa ang mga bata!" Excited na sambit ni selena.

"Maganda rin kung mag i-story telling din tayo para mas malibang sila." Suggest pa ng dalaga.

Dahil Sa Chain Message(completed)Where stories live. Discover now