Chapter 5
Lakad takbo ang ginawa niya para hindi ma-late. Anong oras na kasi siya nagising dahil nagbantay siya sa papa niya kagabi.
Malapit na sana siya sa room nila nang may humarang sa kanya.
"Hey. Diba Ikaw yung girl noon sa bahay nila Ed?" taas ang kilay na tanong nito.
"Oo. Bakit?" Nagtatakang tanong niya rito.
"Alam mo naman siguro na boyfriend ko si Ed. Any girlfriend would be mad kung may babaeng lumalandi sa boyfriend nila"
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan parin niyang tanong.
"Ang Sinasabi ko, layuan mo ang boyfriend ko kung Ayaw mong guluhin ko ang walang kwenta mong buhay" sabi nito at nilagpasan na siya.
Nasaktan siya sa sinabi nito pero Wala naman siyang magagawa. Tama naman na layuan niya si Ed dahil may girlfriend na ito.
Naalala niyang late na nga pala siya kaya tumakbo na siya papunta sa kanilang room.
pagpasok niya ay nag sorry siya sa pagiging late. Agad naman siyang pinaupo ng guro.
Nadaanan niya pa ang upuan ni Ed at nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Nginitian siya nito, ngingiti rin sana siya nang ma-alala niya ang sinabi ni ariana
'Layuan mo ang boyfriend ko kung Ayaw mong guluhin ko ang walang kwenta mong buhay'Imbis na gantihan ito ng ngiti ay nag-iwas nalang siya ng tingin at nilagpasan na ito.
Ganun ang lagi niyang ginagawa, tuwing makikita niyang nakatingin ito sa kanya ay umi-iwas siya ng tingin. Nakikita niya pang kumukunot ang noo ng binata tuwing umiiwas siya dito.
"May problema kaba? Parang ang tamlay mo ata" puna sa kanya ni ana.
"Wala. Puyat lang ako." maikling sagot niya.
Sa buong oras ng klase ay wala siya sa sarili..hanggang sa mag break time na sila.
"Lets go. Sabay-Sabay na tayong mag lunch" aya sa kanila ni Ed.
"Sure. Tara na Hailey" sagot ni ana.
"Ha..Ah eh may gagawin pa kasi ako. Kayo nalang, mauna nako" dali-dali naman siyang lumabas ng silid
Naiwan ang dalawa na nagtataka. Mas lalong napatunayan ni Ed ang hinala niya na iniiwasan nga siya ng dalaga.
Lumabas nadin sila ng silid at naglakad papunta sa cafeteria nang may babaeng umangkla sa braso ni Ed.
"Hi babe. Sabay ako sayong mag lunch" nakangiting sabi nito.
Napairap naman si ana,
"hindi nalang pala ako kakain Ed. Susundan ko nalang si hailey" paalam niya rito.
Tumango lang naman ang binata. Tinaasan siya ng kilay ng babaeng naka angkla ngayon dito, hindi naman nagpatalo si ana at inirapan ito bago tuluyang umalis.
Nakita niya ang kaibigan na nakaupo sa isang bench. Tumabi naman siya dito.
"May bumabagabag ba sayo?" Napa-angat ng tingin si hailey nang may magsalita sa tabi niya.
"Wala naman" sagot niya sa kaibigan.
"Kilala kita. Hindi mo ko maloloko" giit nito.
Kilang-kilala na talaga siya ni ana.
"Si Ed ba?" tanong ulit nito.
natahimik naman siya.
"Silence means yes"
"Gusto mo siya diba?"
Napabuntong hininga naman siya sa tanong nito. Siguro dapat na niyang aminin ang totoo dito.
"May gusto na ako sa kanya simula noong first year palang" pag-amin niya.
Kita ang pagkagulat sa muka ni ana.
"OMG. Kaya pala noon nahuhuli kitang nakatingin sa kanya" bulalas nito
"Noon kuntento na ako sa lihim na patingin-tingin sa kanya. Hindi ko naman akalain na bigla niya akong kakausapin, nitong mga nakaraang araw ay hindi ko din maintindihan ang mga kinililos niya..para kasing may pakialam siya sakin. Aaminin kong umasa ako ng konti pero nang malaman kong may girlfriend na pala siya.." medyo nakahinga siya ng konti ng aminin niya ito sa kaibigan.
"So girlfriend niya pala yung babae kanina na kung maka dikit akala mo linta" naiiritang sabi nito.
"Kanina hinarang ako ni ariana. Sinabi niyang layuan ko daw si Ed kung ayaw kong guluhin niya ang buhay ko. Napag pasyahan kong umiwas nalang talaga kay Ed dahil yun naman ang tama. Naging malapit lang naman kami dahil sa project ng school"
"Ang kapal ng muka ng babaeng yon. Sigurado kang girlfriend yon ni Ed? Kung titignan nga eh parang ayaw na ayaw ni Ed dun sa ariana'ng yun eh"
"Hayaan nalang natin sila"
Naiinis si ana sa ariana nayun at gusto niya itong sabunutan. Hindi siya papayag na basta nalang sumuko ang kaibigan niya. Biglang may ideang pumasok sa isip ni Ana.
'Sorry bessy. Kailangan kong gamitin ang kahinaan mo' Aniya sa kanyang isip.
***
Pagulong-gulong si Hailey sa kanyang kama. Gabi na pero hindi parin siya dinadalaw ng antok.
*Buzz* *buzz*
Nag vibrate ang cellphone niya kaya dinampot niya ito.
From:Ed<3
Hey
Napabuntong hininga nalang siya. Pinipigilan niyang replyan ito.
maya maya ay tumunog nanaman ang cp niya.
From:Ed
Good evening. Are you still up?
From:Ed
Iniiwasan mo ako kanina. Did I do something wrong?
Sunod-sunod na ang text nito.
*buzz* *buzz*
Akala niya ay galing uli kay Ed ang mensahe pero hindi pala.
From:Ana
~ako si Ysa nasagasaan ako ng truck habang papunta sa bahay ng taong mahal ko. Namatay akong hindi nasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Aminin mo na sa taong gusto o mahal mo ang tunay mong nararamdaman kung Ayaw mong matulad sa akin. Pupuntahan kita mamayang 12pm. Kapag hindi mo ito ginawa ay kukunin ko ang isa sa mga mahal mo sa buhay at kapah ginawa mo naman to ay may magandang mangyayari sa buhay mo~
Nahigit niya ang hininga ng mabasa ang chain message na galing kay Ana.
Sinulyapan niya ang orasan na nakapatong sa lamesa.
11:10pm
50 minutes nalang bago mag 12pm.
Hindi niya alam kung anong gagawin. Pabalik-balik siya sa kanyang silid at hindi mapakali..
11:30pm
'No. Hindi pwede!'
'Pero kapag hindi ko ginawa baka si mama naman ang mapahamak, or worst baka si papa'
Hindi niya na talaga alam ang gagawin. Lalo siyang kinabahan nang biglang lumakas ang hangin. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan.
Dali-dali siyang tumakbo palabas. May 30minutes pa siya para puntahan si Ed.
YOU ARE READING
Dahil Sa Chain Message(completed)
Fiksi RemajaMatagal na niyang palihim na sinusulyapan ang lalaki, pero kahit kailan ay hindi siya napansin nito. Pero nagbago ang lahat at naging mabait sa kaniya ang tadhana. Naging magkaklase sila at napansin na siya sa wakas ng binata. Kaya lang may problem...