Chapter 4
Nagtulong-tulong silang isakay sa sasakyan ang mga gamit. Ngayon ang araw ng pagbisita nila sa orphanage.
"Bye Bessy. Enjoy *wink*" natawa nalang siya sa sinabi ni ana at sumakay na sa van.
sa first row ng van nakaupo si Shawn at Selena. Habang magkatabi naman sila ni Ed sa likod. Tahimik lang siya sa biyahe, gusto niyang matulog kaya sinalpak niya ang earphone sa kanyang tenga at nakinig ng music.
Pumipikit-pikit na siya nang biglang kunin ni Ed ang earphone sa isa niyang tenga.
Hinayaan niya nalang ito, Maya maya lang ay nakatulog nasiya."Hey, wake up" napadilat siya dahil sa mahihinang tapik sa pisngi niya.
"You're finally awake sleepyhead" bulong sa kanya ni Ed.
Napalayo siya dito nang ma-realize niya ang pwesto nila. Nakahilig kasi siya sa balikat nito.
"Pasensya na" nahihiyang sabi niya rito.
"Its ok. Nandito na tayo" sabi nito. Nagulat pa siya nang alalayan siya ng binata pababa ng sasakyan
"We're finally here. Inaasahan namin na gagawin niyo ng mabuti ang mga gawain na naka-assign sa inyo" sabi ng kasama nilang teacher.
"Yes ma'am" sagot nilang lahat.
Pagpasok nila sa loob ay binati sila ng mga tao doon. Pagpasok nila sa isang silid ay bumungad sa kanila ang mga bata hawak ang malaking banner, WELCOME VISITORS ang nakasulat dito.
Napangiti naman si hailey dahil sa nakita.
Nilapitan na nila ang mga bata.
"Hello kids. Ako si ate Selena"
"And I'm kuya Shawn. Tawagin niyo nalang akong kuya Pogi" Masayang pakilala nito.
Naghagik-gikan naman ang mga bata.
"Ako naman si ate Hailey" nakangiting bati niya rin.
"Ang ganda niyo naman po ate" sambit ng isang batang babae.
"Salamat. Ang ganda mo rin, mas gaganda kapa kapag lumaki kana. Anong pangalan mo?" Pagka-usap ni hailey sa bata.
"Alessia po ate"
"Ang gandang pangalan naman" nakangiting sabi niya pa rito.
"Ikaw po kuyang pogi ano pong pangalan mo?" Turo ng batang lalaki kay Ed
"Ah..I'm kuya Ed" nakangiting sagot nito.
Bigla namang kumabog ang puso ni Hailey dahil sa ngiti nito.
'Ganyan na Ganyan ang ngiti niya noong unang beses niya akong kausapin'
Flashback
"Ahm excuse me. Can I ask, where's the office of Mr.principal?" Tanong nito sa kanya.
Luminga muna si hailey sa paligid, baka kasi hindi siya ang kinaka-usap nito.
"Ako po?" Turo niya sa sarili.
Bahagya itong napangiti bago sumagot.
"Yes you"
"Ah..doon po" turo niya sa direksyon ng office ng principal.
"Thanks" nakangiting sabi pa nito sa kanya bago umalis.
"Shocks ang gwapo pati ng ngiti" wala sa sariling sambit niya.
"Uy crush ni ate Hailey si kuya Ed" tukso ng isa pang bata doon.
Doon lang niya napansin na nakatulala na pala siya kay Ed.
YOU ARE READING
Dahil Sa Chain Message(completed)
Teen FictionMatagal na niyang palihim na sinusulyapan ang lalaki, pero kahit kailan ay hindi siya napansin nito. Pero nagbago ang lahat at naging mabait sa kaniya ang tadhana. Naging magkaklase sila at napansin na siya sa wakas ng binata. Kaya lang may problem...