Raine Aqualine Falcon
"Ate Raine, pakikuha nga ng contacts ko sa banyo." Wika ni Caprice habang nagiimpake. Ewan ko ba dito bakit hindi niya 'to natapos kagabi.
"Caprice, may kamay ka at paa. Kunin mo mag-isa."
"Ate naman eh. Hindi pa ako tapos dito. Please."
"Hay, sige na nga. 'Tong batang 'to talaga oh."
Naghahanda na kami ngayon para sa pag-alis namin papunta sa academy. Sasama sa amin si mommy at aunt Minerva. Wala naman daw kasi sila gagawin dito, lalo na't wala kami, kaya napagpasiyahan nilang umuwi nalang 'din.
"Oh." Binigay ko na sa kanya ang contacts niya. Kami nalang ang naiwan dito sa kwarto dahil nasa baba na sina Aithne at Aria.
"Tapos ka na?" Tanong ko.
"Sa tingin mo?"
"Sabi ko nga. Hindi pa." Ang bagal talagang kumilos ng babaeng 'to.
"Mauna na ako sa baba. Okay?"
"Okay, fine."
Bumaba na ako at nadatnan kong nag-uusap sina mommy at Aithne. Hindi naman bago ang eksenang iyon.
Ako nga ang panganay ngunit si Aithne naman ang mas responsable. Wala namang isyu sakin iyon, bukod sa minuto lamang ang agwat namin, ayoko ring iwanang may responsibilidad sa mga kapatid ko. Not in a way that I'd neglect them, of course I'd never get to that point.
Mas gusto ko lang maging malaya at walang pinoproblema. Ngunit sa sitwasyon namin ngayon, alam kong mahirap iwasan ang mga problema, kaya 'mas maaasahan talaga si Aithne kaysa sakin. She is more responsible than me, and I admire her for that.
"Ate, your bags are already inside the car." Bungad sakin ni Aria. Tinanguan ko lang siya. Parehang-pareha talaga silang dalawa ni Aithne, ang pagkakaiba lang ay may mga panahong ngumingiti at tumatawa si Aria, si Aithne, mailap.
"Caprice, anak! Hindi ka pa ba tapos?" Sigaw ni mommy.
"Hindi pa 'yun tapos, mommy." Sagot ko.
"Mom, are you sure you're not coming with us?" Napatingin naman ako kay Aithne nang sabihin niya ito.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
"Delikado kapag nakita ako ng mga mamamayan, anak. Ang alam nila ay patay na ako. Didiretso na ako sa palasyo habang si Minerva naman ang maghahatid sa inyo." Ah, kaya pala.
Mahihirapan si mommy kapag nakita siya ng mga tao, dahil kapag nakita nila ito magtataka at manghinala sila, marahil ay ang pagkakaalam 'din nila ay kasama kaming mga anak niya sa pagpanaw niya.
"Mabuti at bumaba ka na." Nandito na si Caprice dala ang kaniyang mga bagahe, tinulungan naman siya ni Aria at pinalutang ito sa ere para mas mapadali ang paglipat nito sa sasakyan.
"We better get going." Ani Aithne.
"Okay, dear. Remember everything I said, are we clear?"
BINABASA MO ANG
Mystic Academy: The Four Elements | ✓
Fantasy[Mystic Academy: Book I] 𝕱𝖎𝖗𝖊, 𝖂𝖆𝖙𝖊𝖗, 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝕬𝖎𝖗. 𝕿𝖍𝖊 𝖋𝖔𝖚𝖗 𝖒𝖆𝖎𝖓 𝖊𝖑𝖊𝖒𝖊𝖓𝖙𝖘 𝖙𝖍𝖆𝖙 𝖐𝖊𝖊𝖕 𝖙𝖍𝖊 𝖇𝖆𝖑𝖆𝖓𝖈𝖊 𝖔𝖋 𝖙𝖍𝖊 𝖜𝖔𝖗𝖑𝖉. In a world where anything is possible, a world where magic exists, the...