Caprice Terra Falcon
"Are you sure, Mom?" Muling tanong ni Aria sa kaniya.
Nasa harap kami ngayon sa office ng headmistress. Nakasara pa ang pinto, sinisiguro muna namin na hindi nagdadalawang isip si Mommy sa desisyon niyang 'to.
"It was long overdue." She gave us a small smile and let out a deep breath.
Matapos ang burning rites ni Dad kahapon, agad siyang nagdesisyon na kailangan na nilang malaman ang totoo. Kahit na hindi niya sabihin, alam namin na may mas malalim pa na dahilan kung bakit naisipan niyang siya mismo ang magsasabi sa kanila.
It was a lesser worry when only the headmistress knew, pero ngayon na nakita na siya ng mga tao kahapon, hindi maipagkaila na magtatanong sila sa pagkatao niya.
Lumingon ako kay Aithne at tinanguan niya ako. Bumaling naman ako kay Mom na mukhang handa na rin kaya binuksan ko na ang pinto at bumungad samin ang headmistress at ang buong faculty, kasama ang superiors.
Oo nandito rin ang lahat ng superiors pero nasa apat na tao ang mga mata ko ngayon.
Pinaintindi naman ni ate Raine sa amin na wala silang kasalanan, at alam ko rin naman 'yun, pero hindi madali para sa akin na kalimutan nalang ang lahat ng nangyari.
Agad yumuko si headmistress Genevieve nang makapasok kami. Nagtaka man sa kilos nito ay wala ni isang nagsalita sa kanila.
"Rise." Utos ni Mom na tinugunan naman ng headmistress. Mas lalo naman silang nagtaka dahil dito.
This was the woman with the king that day when Aithne woke up. Hindi ko sinadyang mabasa ang isip ni miss Fell.
Tama nandun nga pala si mom nun. Mabuti nalang at busy ang lahat kay Aithne kaya hindi siya masyadong napagtuonan ng pansin.
May couch sa harap ng table ni headmistress Genevive at doon kami umupo. Nakaharap kami sa kanila ngayon na puno ng pagtataka.
"Some of you are probably still wondering who I am." Panimula ni Mom.
Walang sumagot sa kanila pero kitang-kita sa mga mukha nila na gusto nilang dugtungan niya ito agad.
"I am Calista Ravensbruck Von Aldestine. Second born daughter of Giuseppe and Charlotte Von Aldestine, former King and Queen of the realm." Tila binuhusan ng malamig na tubig ang lahat sa gulat na nakaukit sa kanilang mga muhka. Parang malaglag pa nga ang panga ni Zion nang narinig niya ito.
Agaran silang nagsiyuko nang mapagtanto kung sino ang kaharap nila ngayon.
"B-but how? You were dead?" Lahat kami napatingin kay Amanda sa sinabi niya.
"Amanda!" Suway sa kaniya ng headmistress.
Huli na nang mapagtanto niya ang mali sa kaniyang sinabi, "That came out so wrong, forgive me your highness." Halata namang nahiya siya. Ha! Ayan kasi, bida-bida.
Caprice. Hala. Lumingon ako kay Aithne at nag-peace.
Bakit naman kasi sa lahat pa ng panahon kung saan pwede siyang pumasok sa isip ko, saka pa kung saan may binibuwisit ako. Ang galing talaga tumiming eh.
"I was assumed dead, it was the best choice at the moment. Para sa kaligtasan ko at ng mga anak ko." Laban kay Kairus. Pero saan nga ba nagsimula ang lahat?
Come to think of it, hindi inexplain ng detalyado nina Mom at Dad ang buong nangyari sa amin noon. They told us enough information for us to understand the gist of it all but never the tiny details.
BINABASA MO ANG
Mystic Academy: The Four Elements | ✓
Fantasy[Mystic Academy: Book I] 𝕱𝖎𝖗𝖊, 𝖂𝖆𝖙𝖊𝖗, 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝕬𝖎𝖗. 𝕿𝖍𝖊 𝖋𝖔𝖚𝖗 𝖒𝖆𝖎𝖓 𝖊𝖑𝖊𝖒𝖊𝖓𝖙𝖘 𝖙𝖍𝖆𝖙 𝖐𝖊𝖊𝖕 𝖙𝖍𝖊 𝖇𝖆𝖑𝖆𝖓𝖈𝖊 𝖔𝖋 𝖙𝖍𝖊 𝖜𝖔𝖗𝖑𝖉. In a world where anything is possible, a world where magic exists, the...