Third Person
Bago simulan ng magkakapatid ang kanilang plano, pumunta muna sila sa palasyo upang ipaalam ang kanilang mga nalalaman sa kanilang magulang.
"I can't believe the traitor was one of the academy's professors. How irresponsible of me to not notice such infiltration." Sentiene was frustrated to hear the news his daughters just dropped.
"The traitor was sly. Malinis ang pagtatago niya, pero tulad ng ibang dark enchanters, napakaikli ng pasensya niya kaya hindi niya naiwasang gumawa ng paraan upang maparusahan ang nakasala sa kaniya." Wika ni Kaeden.
"Pero kahit na. Kung nalaman lang natin ito nung una pa ay wala sanang patayang mangyayari."
"No matter how we delay it, the same story applies in the end." Wika ni Aithne na ikinatigil nilang lahat.
"I'm not saying that I'm not giving worth of their deaths, but denying it would just worsen the inevitable." Kahit tumanggi sila ay alam nila na sa huli ay hahantong parin ito sa pagbubuwis buhay ng mga tao.
"Hangga't maaari, pwede namang hindi tayo mandamay ng mga inosenteng tao." Sabi ng panganay. Hindi niya talaga gustong may madamay na ibang tao.
Kung kaya lang nila ay lulusubin na nila si Kairus ngayon at pigilan ito sa kung ano mang ninanais niyang gawing kapahamakan sa mundo nila. Pero hindi maaari. Alam nila na kung gagawin nila iyon ngayon, sila ang mamamatay at tuluyan silang mawawalan ng pag-asang mamuhay ng mapayapa.
"If we keep this from the people mas lalo lang silang mapapahamak dahil hindi sila magiging handa sa kung ano man ang darating. If they are oblivious to everything, it would harm them even more." At alam nilang tama ang pinaglalaban ng kanilang bunso.
"Pero hindi muna dapat nila itong malaman sa ngayon. Masyado pang maaga."
"Pero kailan pa magiging tama, Mom?" Napatingin sila kay Caprice. Alam nilang mababa ang pasensya ng kapatid nilang ito, pero kapag tungkol dito ang pinag-uusapan ay pare-pareho sila ng paninindigan.
"The right time will come whenever it's least expected." Napabuntong hininga naman ang magkakapatid sa sinabi ng kanilang ina.
Kung kinakailangan nilang maghintay, gagawin nila iyon. Kung ito ay nakatakda na, mangyayari't mangyayari ito sa panahong ibinigay.
Sa kabilang banda naman ay naghahanda ang mga binatang elementalists sa planong inilahad sa kanila ni Kaeden.
"What if this plan won't work? Ikaw ang mapapahamak." Wika ni Daze. Kahit na mayroon silang hindi pagkakaunawaan sa isa't isa, hindi maipagkakaila na nag-aalala parin ito sa kaibigan.
"I trust Kaeden." Ito lamang ang sinabi ng binata. Kahit na nanghihinala ito sa kinikilalang prinsepe ay hindi parin mawawala ang kaniyang tiwala dito. Alam niyang mapagkakatiwalaan si Kaeden sa anumang sitwasyon, kahit na may itinatago pa ito.
"Kung pwede lang ay bubugbugin ko na ang prof na 'yun. Walanghiyang may lakas loob pa talaga siyang magpakita satin araw-araw na nakangiti tapos kampon pala siya ng kadiliman." Hiyaw ni Zion. Di pa rin niya matanggap na ang traydor ay naging guro nilang araw-araw nilang nakakasalamuha.
"We couldn't do anything about it. What's done is done. The traitor was just too good at hiding and none of us could've known, not even you." Nasira naman agad ang mukha ni Zion nang kumontra si Vale sa kaniya.
"Aba't--"
"Let's just focus on the task at hand please." Pigil ni Daze sa akmang pagsagot ni Zion kay Vale.
BINABASA MO ANG
Mystic Academy: The Four Elements | ✓
Fantasy[Mystic Academy: Book I] 𝕱𝖎𝖗𝖊, 𝖂𝖆𝖙𝖊𝖗, 𝕰𝖆𝖗𝖙𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝕬𝖎𝖗. 𝕿𝖍𝖊 𝖋𝖔𝖚𝖗 𝖒𝖆𝖎𝖓 𝖊𝖑𝖊𝖒𝖊𝖓𝖙𝖘 𝖙𝖍𝖆𝖙 𝖐𝖊𝖊𝖕 𝖙𝖍𝖊 𝖇𝖆𝖑𝖆𝖓𝖈𝖊 𝖔𝖋 𝖙𝖍𝖊 𝖜𝖔𝖗𝖑𝖉. In a world where anything is possible, a world where magic exists, the...