Chapter 5 - Vacant seat

41 1 0
                                    

Faith's POV

"Goodmorning sunshine!" bati ko sa sarili ko. Wala lang,maganda lang gising ko. Ang aga pa nga eh,7 pa lang. Bumangon na ko at nagpunta sa banyo para maghimalos at magtoothbrush.

Lumabas ako at nagpunta sa tindahan ni Alimg Amy para bumili ng almusal pero as usual,libre na lang. Buti di pa siya nalulugi saken? Hahaha

Pagkakain ko,naglinis muna ako ng bahay. Walis there,punas here at tapos na! Galing ko maglinis no? Hahaha.

Pagtingin ko sa orasan,8am pa lang kaya nanood muna ko,mayang 10 pa pasok ko,1pm pa class ko pero 10 ako nagrereport sa admin office.

'psst! may text ka!'

Nagulat naman daw ako sa cp ko. Muntanga lang,di pa ko nasanay eh ilang buwan ko na ring gamit ang alert tone na to. Hahaha

Pagtingin ko,gm lang pala ni Mich. My one and only bff. Naggoodmorning lang naman at papasok na daw siya sa work. Mareplyan nga.

To: Bf

Anong good sa morning kung wala kang pera?

Hahaha

Aasarin na naman ako niyan na mukhang pera. Psh. Talaga naman eh. Sa hirap ng buhay ngayon na konting kilos mo,gastos,hindi madali ang mabuhay. Lalo na saken na wala ng ibang susuporta at aasahan kundi ang sarili ko lang.

Ok tama na emote,baka bumaha pa dito ayoko na maglinis. Hahaha

'psst! May text ka!'

Ayan nagreply na..

From: Bf

Mukha ka talagang pera! Emonggoloid ka na naman jan,tigil tigilan mo yan. Di bagay! Balita?

Hahaha lul talaga tong babaeng to.

To: Bf

Baha sa cotta! Hahaha. Oo na. Oi text mo ko agad kapag may client ha. Naks. XD Kahit yung buena mano mo,saken mo na ibigay para sigurado na pagkaluge niyan! Hahaha

From: Bf

Tanga! Pag nalugi to,tingnan ko lang kung makatawa ka pa jan!

Ay oo nga noh. Edi ako din nawalan pag nalugi yun? Shunga talaga nito. Ahahaha

Ganyan kame magtext o kahit mag.usap,brutalan at asaran. Atleast totoo kame. Di gaya ng ibang magbabarkada jan,plastikan! Hmp. Kaya masaya na ko sa kanya kahit ganyan yan,ganyan din naman ako sa kanya eh. Hahaha.

Hindi kasi kame yung showy type. Di na kailangan na ipakita o iexpress mo pagpapahalaga mo sa isang tao by saying sweet words dahil kahit wala kang sabihin,if you really care about someone,lalabas at lalabas yun sa ibat ibang paraan.

Oh tama na,ayoko magpakaserious baka maiyak pa kayo. Hahaha

To: Bf

Oo nga pala. Haha. Punta na lang pala ko jan maya pampaswerte. :D

From: Bf

Swerte ka jan,baka malasin lalo! Wala ka bang pasok?

To:Bf

Meron! Speaking of,liligo na pala ko at baka ma-late pa ko. Mamaya na lang.

From:Bf

Cge.

Wow haba ng reply! Madalas kasi ok o k lang reply niyan eh. Hahaha

Tumayo na ko at naghanda para sa pagpasok. Baka matraffic,malate pa ko.

Pagkatapos ko magbihis at mag.ayos na madali lang naman dahil nagsuklay at polbo lang naman ako saka lipstick,eh umalis na ako. Sasakay muna ako ng tricycle then jeep bago makarating sa school ko. Mga 15 minutes lang naman yun,,wag lang traffic.

Pagsakay ko sa jeep,napasimangot na lang ako. Iisa pa lang ang sakay. Tsk. Mag.iintay pa tong mapuno bago umalis. Malas. Buti na lang di naman traffic.

Napatingin ako sa lalaking nasa kabilang aisle,nakayuko kasi tapos nakahawak sa noo. Masakit siguro ulo. Nakauniform din siya at iisa lang naman school na dadaanan ng jeep na to kaya Im sure schoolmate ko yan.

Infairness,ang kinis! Kakainsecure ha! Mukhang mayaman si kuya. Pero baka naman mukha lang,walang sasakyan eh.

Hindi naman private school namen eh,public siya pero nag.iisang university siya dito sa Lucena.

Aish baka may h.o. Tsk. Yae na nga siya,di naman ako yayaman sa pagtitig sa kanya.

Inayos ko na earphones ko na di ko pa nakakabit. Magsasoundtrip na lang ako habang nagbabasa sa wattpad dito sa cp ko. May bagong update si Haikus sa Torn between Five Lovers eh. Bago pa lang siya,wala pa ngang 10chaps,nakakacurius lang gawa ng title. Ano naman kaya eksena ng

gumawa nito?

Maya maya naramdaman kong umandar na yung jeep. Puno na pala. Sa wakas! Dumukot na ko ng barya sa bulsa ko at inabot ang bayad. Pagtingin ko,walang nag.aabot ng bayad ko? At puro pala kame babae! Yung isang lalaki lang na naabutan ko ang namumukod tangi! At lahat ng sakay nakatingin sa kanya! Well,yung iba mga panakaw at pasimple pero mayat maya naman,yung iba nakanganga pa! Banamanyan!

"Bayad po,makikisuyo!" Medyo nilakasan ko na boses dahil heler,nakakangawit kaya!

Napatingin yung lalake saken tapos ngumiti at siya na nag.abot kahit nasa kabila siya.

Well,kaya naman pala eh,muy gwapoooo! Parang gusto ko na din maglaway! Ahahaha. Pero di naman ako hayok sa gwapo kaya sige na,sa kanila na. Dami nila eh. At mukhang tuwang tuwa naman si kuya sa attention! Psh. So typical. Ayoko sa mga ganyang lalake. Gusto medyo suplado. Pero parang ayaw ko din?Ah ewan! Yae pa yang mga lalakeng yan!

Nagbasa na lang ulit ako. Malapit na kame sa school kaya inexit ko na si watty kasi tapos na rin naman eh five chaps lang eh! Mag.uupdate pa kaya yung gumawa nun?Baka hindi na,wala naman nagcocomment o vote eh! Kawawang nilalang. Hahaha

(oh,makaramdam naman kayo jan! wag kayong manhid,icecedric lee ko kayo! Ahahaha)

Pagdating sa school,muntanga lang! Walang bumababa! Kaya ayun,kahit nasa medyo gitna ako,umuna na ko sa pagbaba. Gusto atang sabayan si kuya. Ang lalandi! Tsk.

Derederecho na ko naglakad not minding my surroundings. Wala naman ako mapapala eh so why bother right?

Second sem na pero wala pa rin akong nagiging friends dito. Irregular student kasi ako dahil may ilang subjects na nacredit dun sa pinasukan ko dati na 2year course kahit naka 1year lang ako dun.

Ok lang naman saken. Di naman kawalan yun eh. Eh ano kung walang friends dito? As long as,maayos grades ko,ok lang kahit loner ako. It doesn't matter to me.

Saka di rin naman ako nagtatagal dito dahil naalis agad ako kapag tapos na mga klase ko at obligasyon ko sa admin office dahil nahada pa nga ako.

Oh,wag green!Di porket nahada sabi ko eh,kumakalapati na ako,yun lang term ko sa pagraket ko. Sagwa ba?

I don't care! I love it! Ahahaha

Dumerecho na ko sa admin at ginawa ang dapat gawin tapos pumunta na ko sa klase ko.

Aba ang dame na agad. Halos puno na nga eh,dalawang upuan na lang dun sa dulo ang bakante. Pumunta na ko dun at umupo. Sakto namang pasok ng prof namen.

Wala naman pinagawa,nag.attendance lang at pinaliwanag ang subject. Infairness ha,natuwa si prof kasi iisa lang ang absent. Di ko na narinig ang pangalan dahil pagkatawag saken eh binalik ko na earphones ko. May pahabol pa si peof,sana daw next meeting kumpleto na. Psh.Asa pa siya. Eh unang araw pa lang kasi kaya ganyan yang mga yan. Hahaha

Bumalik na ko sa admin. 4pm tapos ng duty ko kaya umalis na ko nung 4 na at pumunta na sa mall. Nagtext si Mich eh,may client ako. Hahaha. F n f ang client eh noh.

Hays,sana naman hindi kaliga ni Cory yun para bounce. Lels.

(waley ba? yAe na,maganda naman ako. anong konek? syempre wala! hahaha. Akala niyo hindi masyadong eventful ang chap? Pwes,tama kayo! Hahaha Choss! Syempre meron yan... Next chap pa nga lang! XD Kung kelan yun? Ewan. Dahil sa ngayon tama na muna at kanina pa ko tinetxt ng mga mahaderang tropa. So yan na muna sa ngaun at mimiming muna ako kahit di ako marunong! Hahaha. Tagay tayo mga kaibigan! Ahahaha. Ciao! :*)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torn between FIVE LOVERS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon