James' POV
"Whew!"yan na lang ang nasabi niya bago pumihit pabalik sa kanyang sasakyan ng makitang sumakay na ang babaeng binigyan niya ng tsinelas.
Susundan niya kung saan pupunta ang babae. Hindi siya papayag na ito na ang huling pagkikita nila. Ni hindi niya man lang nalaman ang pangalan nito. Nagulat kasi siya sa biglang pagsigaw nito at bago pa siya makahuma eh nakalabas na agad ito at naglalakad na palayo.
He was amazed with her. Di niya alam kung ano ang iisipin dito. Sa napakaikling sandali eh nakuha nito ang interes niya. And that girl should be thankful. For his 19 years of existence,wala pang babaeng nakakuha ng interes niya.
Noong una,natutuwa lang siyang pagmasdan ang pag-iiba iba ng facial expressions nito habang naglalakad at engrossed na engrossed sa pagkausap sa kanyang sarili. Hindi niya mahulaan kung badtrip ito o masaya dahil sisimangot ito pagkatapos ay tatawa naman. Kaya nga di niya napigilang matawa ng sabihin nitong baliw ito bagamat alam niyang hindi.
Nangunot ang noo niya paghagod niya ng tingin sa kabuuan nito. She almost looked cute in her Three fourths blouse and walking shorts. Almost kung hindi lang siya nakapaa! Napatagal ang titig niya sa paa nito. Hindi siya agad napansin nito dahil parang wala ito sa sarili.
Tinititigan pa rin niya ang paa nito ng bigla itong tumigil sa paglalakad. Pag-angat niya ng mukha eh nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Bigla itong umiwas ng tingin at parang naguluhan kung ano ang gagawin. Then,umupo siya sa gutter at yumuko. Nahiya siguro.
"Cute."napangiti siya ng di niya namamalayan at nagpasyang lapitan na ito.
Nagulat siya dahil napakataray pala nito! Ngayon pa nga lang siya lumapit sa isang babae natarayan pa siya! But that's not the big deal here kundi ang reaction niya dito. Imbes na lumayo na siya at umalis eh natuwa pa siya sa katarayang taglay nito. At nagpilit pang ihatid ito kahit halatang napipilitan lang ito. Alam niyang hindi ito tagaroon sa subdivision nila. Dahil tuwing may pamilyang bagong lipat dito ay nagkakaroon ng welcome party at wala pa naman siyang nababalitaan na bagong lipat at dahil kakaunti lang ang mga nakatira sa exclusive subdivision na ito eh magkakakilala ang lahat.
He's curius kung bakit wala itong suot sa paa,kung anong ginagawa nito sa loob ng subdivision nila,kung bakit di ito hinatid ng pinuntahan nito,at kung sino ang pinuntahan nito. But most of all,he's curius about her. There something inside him thats eager to know her more.
Bumaba ito sa city proper at naglakad patawid sa kabilang kalsada. Hindi niya napansin ang kotse ko na kasunod lang ng sinakyan niyang jeep dahil mukha siyang oblivious sa paligid niya. At mukhang masaya na ito dahil magaan ang paglalakad niya. Medyo tumatalon talon pa nga siya.
Nagpark ako ng kotse sa tabi ng 7eleven dahil hindi pwedeng dumeresto sa pinuntahan niya. Nagmamadali na siyang sumunod dito dahil baka di niya to maabutan.
Pagtingin niya sa unahan ay napangiti na siya dahil nakita na niya itong papasok sa isang fast food chain. Muntik na niya palang hindi ito maabutan.
Patawid na sana siya ng makita niyang palabas na ulit ito. Bumili lang pala ito ng coke float. Tumawid na rin siya at nakita niyang pumasok ito sa kasunod na establishment which is... UKAY - UKAY?!
Saglit lang ay lumabas din ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Mukhang nagwiwindow shopping ito...sa mga uky-ukay! Dahil puro sa mga ganoong shops ito pumapasok. At nagawa pa niyang mag-uli ng malaki ang tsinelas niya? Wala itong pakialam sa mga taong napapatingin sa kanya at pagkatapos ay sa paa niya.
She's really something. I wanna know her. I think I have found a crush for the first time in my life. Napangiti siya sa naisip...

BINABASA MO ANG
Torn between FIVE LOVERS?!
HumorThis story is about death,tragedy and the likes. Choss! Hahaha Malamang about love. Di ko pa rin alam kung anong kahahantungan nito o kung may kahahantungan pa nga ba ito? Lol. Basahin niyo kung bet niyo. XD