James' POV
Eto na naman ako, POV na akala mo ako yung leading man. Tsk!
(Oi wag kang spoiler! At don't lose hope. You'll never know... XD)
Ay ganun ba,sorry naman. Ok wag daw spoiler pero nasabi ko na kaya wala ng bawian.
Hmm,pansin niyo medyo light na aura ko ngayon? Ewan ko nga ba,nahawa na ako sa nagtatype nito. Bipolar na,random pa!
(Walang basagan ng trip!)
Ok,di wag basagin trip ni Haikus Ganda.
Tsk. Di ako nagagandahan sa kanya pero sabi niya kapag di yan ang tinawag ko sa kanya eh aalisin na daw niya ako sa cast. Tsk. Sayang din ang exposure!
Well,pwede bang magbasag na lang ng bote? Badtrip eh!
Andito ako sa bar ngayon kasama tong mga walang buhay kong barkada. Gusto lang palang mag-inuman di na lang sinabi agad para sumunod na lang ako. Di ko tuloy nalaman kung san nakatira crush ko.
Oo tama,habang sinusundan ko si crush,tinext ako ng mga walang buhay na to at pinapunta agad agad sa pad ni Brandon. Akala ko kung anong importanteng mahalaga,tatambay lang pala hanggang magbukas ang bar na lagi nameng tinatambayan. Tsk. Sarap nila i-bikti. Ngayon na nga lang nagkacrush, nabulilyaso pa.
By the way, I decided na crush na lang itatawag ko sa kanya since hindi ko nakuha name niya. Potek talaga.
Tahimik lang ako dito. Ayoko magkwento sa kanila dahil aasarin lang ako ng mga yan. Mga wala talagang buhay.
"Oh,mukhang badtrip ka ah. Problem?" tawag pansin sakin ni Vince.
"Tsk!"yan lang sinabi ko. Nagtanong pa siya,eh sila nga dahilan ng pagkabadtrip ko. Sabagay,di nga nila alam kaya sila nagtatanong. Ayoko magsalita,baka maikwento ko lang.
"Oo nga,masyado kang tahimik. Why don't you enjoy huh?"sabi naman ni Harvey at tumingin sa dance floor.
By enjoy for them means chick hunting. Tsk. Mga playboy yan eh. Maliban samen ni Brandon.
"Oo nga naman 'pre. Woah! That's what you call hot!" si Toby sabay tayo at punta sa dance floor. Ang loko,pinartneran yung babaeng nagsasayaw na kita na halos lahat lalo na kaluluwa. Tsk. Playboy talaga.
Lima kame sa barkada,yang tatlo nina Vince,Harvey at Toby ang mga maituturing na certified playboy. Si Toby, natural born na yang ganyan,di pa kasi tinatamaan. Sina Vince at Harvey naman parehong nadala kaya naging ganyan.
Kame naman ni Brandon,wala kameng pakialam sa mga babae lalo na ako. Sabi ko naman sa inyo,snob ako pero yang si Brandon,medyo playboy din yan pero di masyado.
I mean,nakikipagflirt siya pero kapag ang babae lang ang lumapit sa kanya at kapag type lang din niya yung babae. Di gaya nina Toby na basta babae kahit ata posteng naka micro mini,papatulan.
Magkababata kameng lima. May tig-iisang condo kame na nasa iisang floor sa bagong tayong condo dito.
Umiling iling na lang ako at ininom ulit ang beer ko. Sarap magbikti, ngayon lang nagkacrush, fail pa. Lintek!
"Problem man?"ulit saken ni Brandon nung kame na lang naiwan sa table dahil sumunod yung dalawa at pinalibutan na nila yung babae sa gitna. Naghihiyawan na yung ibang nandito sa bar at yung babae naman tuwang tuwa. Tsk.
Napalingon ako sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya. Kapag sinabi ko,matutulungan ba ko niyan? Eh ubod ng suplado yan!
Iba kasi pagkasnob niyan,snob na harsh. Ako naman,snob lang na light. Kapag safe naman ang babae at kinakausap ako ng matino,kinakausap ko din.
By safe I mean,yung hindi flirt o walang gusto saken. Nadala na ako eh. Dati kasi di naman ako suplado,in fact napaka accomodating kong tao sa kahit sino kahit minsan eh nakakailang kapag may mga babaeng todo papansin at obvious ang pagpiflirt. Well anyway, ok lang yun sakin. Ngumingiti na lang ako at kinakausap din sila pag minsan discreet man o hindi ang pinapakita nilang pagpapapansin. Pero one time,may lumapit sakin na babae. Obvioius naman na flirt siya,since gentleman ako, I treated her nice kahit gusto ko na siyang paalisin sa harap ko. Para kasi saken ang babae ay babae kahit anong klase pa yan,dahil nirerespeto. Then namisinterpret ata niya yung pagiging friendly ko sa kanya,nung nag-offer ako na ihatid na siya dahil panay panay naman ang pahaging niya,aba pagkapasok na pagkapasok pa lang namen sa kotse eh hinarass na ako! Sa galit ko,tinulak ko siya palabas at sumibad. Tsk.
"Hey!" pagtawag saken ni Brandon na nagpabalik sakin sa kasalukuyan. Hooh! Lalim non. Haha.
Bago pa ako makaimik eh may lumapit na sa amin na dalawang malalanding babae. Kanina ko pa napapansin pagpapacute nila samen pero di ko pinapansin dahil wala akong pakialam sa kanila. Tsk.
"Hi boys,can we join you?"sabi ni ateng feeling close agad kay Brandon at humawak na agad sa hita. hindi pa nakontento,hinimas pa! Mga babae nga naman sa mga ganitong bar... Tsk!
"Sure babe."
Napatingin naman ako kay Brandon. Aba,ang loko at type din si ate. Kung hindi baka isinalya na niya yan.
Bago pa makaporma saken tong isang babae eh tumayo na ako. Uuwi na lang ako dahil panigurong kanya kanya na naman kame at may mga babae na sa kanya kanyang kandungan ang mga tinamaan ng magaling.
"Im outta here." Sabi ko kay Brandon. Umiling muna siya bago tumango at ngumiti ng nakakaloko. Tsk.
Lumabas na ako ng walang kwentang bar na yun. Walang kwenta dahil wala naman naitulong saken sa problema ko.
Sumakay na ko sa motor ko at nagdrive pauwi sa condo. In 15 minutes,andito na ko,nakahiga na sa kama at nakaligo na rin. Hanggang ngayon,iniisip ko pa rin ang crush ko kung pano ko siya makilala o mahahanap man lang. Malamang nito baka humingi na rin ako ng tulong sa apat na ugok. Tsk. Lakas tama talaga ako kay crush eh.
"Crush,we'll meet again,and if that happens,I won't let you go this time. That's a promise."
BINABASA MO ANG
Torn between FIVE LOVERS?!
HumorThis story is about death,tragedy and the likes. Choss! Hahaha Malamang about love. Di ko pa rin alam kung anong kahahantungan nito o kung may kahahantungan pa nga ba ito? Lol. Basahin niyo kung bet niyo. XD