2.3

4.3K 95 1
                                    

My Girl Friday.
2.3

#scared.

#yleenna.

Nakayuko ako habang nakatayo pa rin sa harap ni Boss X.
Hanggang ngayon diko pa pala alam ang pangalan niya.

Tanging boss X lang ang naririnig kong tawag sa kanya ng mga tauhan niya dito.

"Sir X."mahinang tawag ko sa kanya. Sa sobrang hina baka nga di niya ako narinig.

"Bakit!?"malakas na sagot niya. Nagulat ako sa sobrang lakas ng boses niya. Halos di na ako makahinga sa sobrang kaba. Isa lang ang nasisiguro ko,nanginginig na ako sa takot sa kanya.
Mas lalo akong napayuko dala ng matinding takot ko sa kanya.

"Ano!? Anong kailangan mo? Magsalita ka!"

"P-pwede na po ba akong magbihis ng disenteng damit. Nilalamig na po ako."nanginginig ang mga labing wika ko. Pakiramdam ko hihimatayin na ako dala ng matinding takot ko sa taong kaharap ko ngayon.

"Disenteng damit? Pero alam mo naman siguro na wala ka sa disenteng lugar,diba?"nakakatakot ang mukha niya. Kung tutuusin di naman talaga nakakatakot yong mukha niya. In fact,napagwapo nito,meron siyang singkit na mga mata na may medyo makapal na kilay,katamtaman lang din ang jawline niya. At may kissable lips siya. Teka kaharap ko ngayon ang isang napakadelikadong tao tapos ito yong mga pumapasok sa isip ko.
Umayos ka Yleena,nasa panganib ka!
Napahiya naman ako sa sinabi niya.
Tama siya nasa isang Club ako.

"Halika."saka walang kaabog-abog niya akong hinila papunta sa glass na dingding na naroon.

Glass ang dingding?
Napakunot ang noo ko,kanina pa ako dito pero diko napansin na Glass yong dingding . Sa sobrang pag-alala ko sa kalagayan ko kanina di ko na nakuhang pag-aralan ang paligid na kinaroroonan ko!Napansin niya yata na mas lalo akong nailang ng malaman ko na glass yong dingding. Pano na lang kung nakita ako ng mga tao mula sa labas,sa ganitong ayos? Lulubog na ata ako dala ng matinding kahihiyan!

"Wag kang mag-alala tayo lang ang nakakakita sa mga tao sa  labas pero di tayo nakikita dito sa loob. "malamig na wika niya.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag,ng marinig ang sinabi niya.
Mabuti na lang di ako nakikita dito sa loob kung hindi,ah basta nakakahiya talaga tong ayos ko!

"So balik tayo sa disenteng damit. Tingnan mo nga ang mga babae sa paligid may nakita ka bang nakadamit?"

Nilibot ko ang tingin sa buong paligid.
Ang daming babae,pero wala ni isa ang naka damit.

Kadalasan naka bra at panty lang.
Yong iba naman alam kong nakahubad na pero magaling ang pagtira ng body paint sa kanilang katawan.
Anong klaseng lugar ba to.
Bakit ganito dito?
Wala akong makapang salita para ilabas ang saloobin ko!
Kinain din ng takot ang sistema ko,baka anong gawin niya sa akin kapag patuloy ko siyang kinukulit..

"Ano?!"dumadagundong na naman ang boses nito. Sa muli napaiktad na naman ako dala ng matinding gulat.
Bat ba kasi ang hilig niyang manigaw,di naman ako bingi! Hay nako,ang tanga-tanga ko talaga! Yong mga babae na nakikita ko sa labas mukha naman silang masaya and contented sa ginagawa nila,parang wala lang sa kanila na halos nakahubad na sila sa harap ng ibang tao. Samantalang ako pakiramdam ko para na akong ninakawan ng dignidad dahil sa ayos ko sa harap ni Boss X.

"SoRry,hindi ko naman alam na hindi uso ang damit sa lugar na ito."mapagkumbabang wika ko. Grabe naman tong si Boss X,napa-ungetlemen,kasi naman ee dapat di ganito ang ayos naming mga babae dito,!

Kitang-kita kong napakamot siya sa batok niya. Halata din ang pagkairita sa mukha niya.

"So magdadamit ka pa ba? Ma-out of place ka lang pag-nagkataon,manang."

My girl friday(COMPLETED) #3rd_storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon