Lahat ng tao nararanasan ang pagtanda, simula bata, teen at matanda talaga. Ito ay isang istorya tungkol sa isang Love Story ^_^
Sa Barangay Juan Dades, may mag asawang Jonas at Anna. Buntis si Anna at manganganak na siya. Kaibigan niya si Carmen, buntis din siya at sabay silang manganganak. Nanganak sila sa ospital ng Barangay Juan Dades, sabay silang nanganak, subalit may dumating na trahedya. Nagkaroon ng lindol at nagkapalit sila ng anak. Tulog sila Anna at Carmen, habang lumilindol. Naghihintay naman sa labas ang mga asawa nila na si Jonas at Lemuel. Sa pagkapalit ng kanilang anak, pinangalanan nila Jonas at Anna ang anak nila Carmen at Limuel ng Joan at pinangalanan nila Carmen at Limuel ang anak ni Jonas at Anna ng Carla.
Lumaki ang anak nila Jonas at Anna sa puder nila Carmen at Limuel, habang lumaki naman ang anak nila Carmen at Limuel kayla Jonas at Anna. Mahirap sila Jonas at Anna habang mayaman sila Carmen at Limuel. Hindi nila alam na nagkapalit ang kanilang mga anak.
Lumaki si Joan at Carla. Lumaking matalino, mabait, maganda, masunurin at mabuting puso si Joan. Lumaki naman si Carla na maganda pero maarte. Pinag-aral nila Carmen at Limuel si Carla sa mataas na paaralan ngayong highschool na siya, nakilala nya doon si Kevin. Naging matalik na kaibigan niya ito hanggang sa nagustuhan ni Carla si Kevin at gusto niya na higit pa sa magkaibigan. Dahil sa taglay na talino ni Joan nakakuha siya ng scholarship sa paaralan ng San Joaquin-Juan Edades College.
Nagkabunggo sila Kevin at Joan. "Miss okay ka lang ?" tanong ni Kevin kay Joan. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ?" sagot ni Joan. "Sorry naman" sagot ni Kevin. "Sa susunod kasi wag kang tingin ng tingin sa cellphone mo!" sabi ni Joan. "Sorry nga eh" sabi ni Kevin. "Mahuhuli na'ko sa klase ko, bahala ka nga dyan" sabi ni Joan. Sabay ngiti ni Kevin.
... ... ... ... ... ... ... ... ...
Na inlove ba si Kevin ?
Abangan sa Next Chapter :))