Part 2

8 0 0
                                    

Joan's POV

"Hayy, ang gulo ng araw ko ngayon." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa kotse ko.

May sarili na'kong kotse dahil laging busy ang parents ko, puro job sila eh. Minsan feeling ko, mag isa na lang ako at wala akong kasama sa bahay dahil lagi silang work ng work.

Nag drive na'ko sa bahay namin. Nasa harapan na'ko ng bahay namin at lumabas na'ko ng kotse. Binuksan ko yung pinto sa bahay namin. Nakita ko sila mommy at daddy na nasa table kaharap ng mga laptop nila.

"Mommy, daddy, mataas yung mga exams ko lately." sabi ko sa kanila habang naglalakad patungo sa table.

"Ah ok, anak, mamaya na lang nating pag usapan, ha ?" sabi ni Daddy.

"Baba ka mamaya, anak, at nagprepare na si Jess ng pagkain natin." sabi ni mommy.

"Opo, magbibihis lang po ako." sagot ko.

Tumakbo ako patungo sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok na ako. Tumalon ako sa kama at tinignan ko yung cellphone ko. May miss call galing sa pinsan kong si Jhen. Tinawagan ko siya. Hinintay ko ang pagsagot niya at maya-maya ay sumagot na siya.

"Hello ? Jhen ? Bakit ka tumawag ?" sagot ko, bata pa lang si Jhen, 6 years old pa lang siya. Nararanasan niya yung nararanasan ko sa parents ko.

"Ate Joan, punta po kayo dito ha. Gusto ko po kayo kasama ko. Wala po sila mommy at daddy." sagot ni Joan na ang cute cute ng voice niya.

"Osige, sasabihin ko lang kayla mommy at daddy na dyan ako matutulog, ha?" sabi ko.

"Opo." sagot ni Jhen.

Pinatay ko na ang phone. Nagbihis ako at nag impake ng gamit ko. Pumunta na ako sa baba. Nakita ko sila mommy na nasa dinner table.

"Anak, umupo ka na." sabi ni mommy.

"Ma, kayla Jhen po muna ako." sabi ko.

"Bakit, anak?" tanong ni Daddy.

"Wala daw po siyang kasama eh. Pwede po bang doon na lang ako magpalipas ng gabi?" tanong ko.

"Osige, anak, ingat ka." sabi ni mommy.

Lumapit sa'kin si daddy at binigyan ako ng pera na malaki ang halaga.

"Salamat po. Alis na po ako." sagot ko.

"Osige, anak." sabi ni daddy.

Tumungo na'ko sa pinto at bago ko buksan ito ay tumingin muna ako kayla daddy at mommy. Binuksan ko na ang pinto at sumakay na ako sa kotse. Nagdrive na ako papunta kayla Jhen. Nakita ko si Jhen na hinihintay ako sa labas ng bahay nila.

"Ate Joan!" sigaw ni Jhen, sabay tumakbo siya patungo sa'kin at niyakap ako.

"Oh? Okay ka lang Jhen?" tanong ko.

"Opo, pasok po tayo. May ipapakilala po ako sa inyo." sagot ni Jhen.

"Okay?" sabi ko.

Pumasok kami sa bahay at may nakita akong lalake na familiar.

"Ate Joan, pasok ka po. Siya nga po pala si Kuya Kevin, kapitbahay at bestfriend ko. Kuya Kevin siya yung kinukwento ko sayo." sabi ni Jhen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Tumatanda talagaWhere stories live. Discover now