Nag text si Gerard sa tatlo.
"Gusto ni Joan ng cookies, chocolate cookies, yun yung favorite niya." text ni Gerard kay Josh.
"Mahilig siya sa rosas." text niya kay Dave.
"Ang pinakagusto niya sa buong mundo ay story ng Diary ng Panget." text ni Gerard kay Kevin.
Josh's POV
Bumili ako ng chocolate chip cookies sa Grocery, hindi ako marunong gumawa kaya bumili na lang ako. Nagpunta na ako sa school at nakita ko si Joan.
"Joan!" sinigaw ko.
Lumapit ako sa kanya habang tumatakbo.
"Oh? Anong kailangan mo?" tanong ni Joan.
"May ibibigay sana ako sa'yo." sabi ko at inabot ko yung cookies.
"Ah, salamat, ha. Paborito ko'to. Salamat." sabi ni Joan, kinuha niya yung cookies at binigyan ako ng ngiti.
Guguho na mundo ko.
Dave's POV
Pumunta ako sa Flower Shop. Bumili ako ng rosas para kay Joan. Sumakay na ako sa kotse namin at dumiretso na'ko sa school. Nakita ko si Joan na naglalakad at papunta sa Cafeteria. Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Joan!" sabi ko.
"Ano yon?" tanong niya.
Iniabot ko yung rosas na nasa likod ko.
"Para sa'yo." sabi ko.
"Thank you." Kinuha niya at inamoy niya ito. Binigyan niya ako ng ngiti. Dumiretso na siya sa Cafeteria.
"Yes!" sigaw ko.
Kevin's POV
Hinding-hindi ako magpapatalo sa mga kaibigan ko.
Pumunta ako sa National Bookstore at tinanong sa counter..
"May Diary ng Panget pa ba kayo?" tanong ko.
"Ano? Panget ako?" sabi ng Counter.
"Hindi! Kung may Diary ng Panget Book pa kayo?" tanong ko.
"Aba, ang sama ng ugali mo. Hindi ako panget." sabi ng counter.
"Hayy, nako." sabi ko.
Pumunta ako sa next counter at nagtanong..
"May Diary ng Panget pa ba kayo?" tanong ko.
"Ano? Gusto mo akong maging girlfriend?" tanong niya.
"Hindi." sabi ko.
"May problema ba, babe?" tanong ng lalake.
"Eto kasing batang to gusto akong maging girlfriend eh." sabi ng counter.
"Hindi, ah." sabi ko.
Tumakbo na'ko dahil hinabol-habol ako ng syota nung counter. Hingal na'ko ng hingal. Tumigil ako sa book sale at nagtanong ako sa counter..
"May Diary ng Panget ba kayo?" tanong ko.
"Meron po. Tignan ko lang po ha." sabi ng counter.
"Buti Sir. Nakaabot kayo, last book na po to eh." sbi ng counter.
"Sige magkano ba yan?" tanong ko.
"299 lang po." sabi nung counter.
"Ah, sige, sige, bibilhin ko na." sabi ko.
Binayaran ko na at sumakay na ko sa kotse namin. Bumaba na ako sa school at pumunta ako sa Cafeteria. Nakita ko si Joan at ang mga kaibigan niya. Nilapitan ko sila.
"Joan." sabi ko.
"May kailangan ka ba?" tanong ni Joan.
"May ibibigay nga pala ako sa'yo. Sigurado akong magugustuhan mo." sabi ko.
"Ano yon?" tanong niya.
Inabot ko yung supot sa kanya, laman ay yung libro.
"Thank you." sabi ni Joan. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Pumunta na ako sa labas at dumiretso na ako sa hall.
Joan's POV
"Nako, Joan, ang daming nagkakagusto sayo ah. Kanina binigyan ka ni Josh ng cookies. Tapos binigyan ka ni Dave ng rosas, tapos ngaun? Gift galing kay Kevin?" sabi ni Dean.
"Oo nga, Joan." sabi ni Arthur.
"Ano ba kayo? Kaibigan ko lang naman sila." sabi ko.
Binuksan ko yung supot na bigay sa'kin ni Kevin. Nakita ko na Diary ng Panget. Tuwang-tuwa ako at pumunta ako sa hall.
Kevin's POV
"Oh mga tol? Anong binigay nyo kay Joan?" sabi ko.
"Sa'kin cookies." sabi ni Josh.
"Sa'kin naman rosas." sabi ni Dave.
"Nasan nga pala si Gerard?" tanong ko.
Nakita namin si Joan na lumalapit sa'min.
"Salamat sa mga regalo nyo ha." sabi ni Joan.
"Walang anuman." sabay namin na sinabi.
"Sige. Salamat ulit. Alis na'ko." sabi ni Joan at binigyan niya kami ng ngiti. Umalis na siya at umuwi na.
"Hayy, ang ganda niya talaga." sabi ko.
"Sobra." sabi ni Josh at Dave.
Umuwi na din kaming tatlo sa mga bahay namin.
~
Yeah! Naman! Pogi ng mga lalakeng to ! XD