Tanungan 101

140 12 29
                                    

Hello, readers! Welcome dito sa...  Tanungan 101! I am your host, Kambing. And today we will watch(Read) the thrilling fight between Isda and Manok!

"Ready na ba ang ating mga contestants?" -Host (Kambing)

"Oo naman, ako pa ba?" Pagsagot ni Chooks to go. Tinignan ko ang katabi nito na si Isda, tulog. Siniko nya ito. "Huy! Kung ready ka na daw ba." Nagising agad ang bangus.

"H-Ha? Saan naman?" Nag-uunat ito.

"Sa tanungan 101!"

"Ano 'yun?"

"Di pa ba obvious? Tanungan!"

"Hoy hoy hoy! Nag-away pa kayo. Ikaw isda, di ba sinabi ko sayo na maglalaro tayo? Natulog ka naman." Saway ko sa dalawa.

"Hay! Oo na, oo na! Sarap matulog eh."

"Very good! Ngayon, manok, isda, dito kayo umupo sa magkabila ko. Tapos magkaharap kayo."

Nakasimangot na umupo sila sa magkabila ko. Magkaharap sila. Si Fish, sa kaliwa. Si Manok, sa kanan.

"Yan! Ngayon, uulitin ko, READY NA BA ANG MGA CONTESTANTS?!"

"Yes!" -Manok

"Heh. Yes na rin." -Fish

"Ok! May itatanong ako sa inyo! Simple lang! Ang unang humampas sa lamesa ang pauunahin kong sumagot! Pero dapat hintayin ang 'Go!' ko, ha?" Sabi ko at tumango naman sila.

"Osige sige, ako'y magtatanong na!" Umayos sila ng pagkakaupo. "Kamay sa bibig!" Sinunod nila. "First question!... "

"Ito ay madalas na iniinom ng matatanda! Go!"

Naunang hinampas ni manok ang lamesa. "Beer!"

Umiling ako. "Starts with the  letter C!"

Hinampas ni isda ang lamesa. "Cold beer!"

Humampas rin si Chicken. "Cocacola!"

"Hindi! Hindi! Hindi! Tuwing umaga madalas iniinom!"

Humampas si manok. "Taho!" Sagot nito. "Cold taho!"

Humagalpak ng tawa si Isda. "Uy walang ganon! Hahaha! Nag-iimbento ka naman e!"

"Hindi rin cold taho! Ano ba 'to unang tanong palang e!" Napakamot ako sa aking ulo. "Ikaw isda? Sumagot ka pa!" Nag-iisip pa sya. "Mapait ito!" Pagbigay ko ng clue.

Nagulat ako sa paghampas ni Isda at Manok na sabay.

"COLD EX-JOWANG BITTER!" Sabay nilang sabi.

"HAY NAKO! THE ANSWER IS COFFEE! INIINOM BA ANG COLD EX-JOWANG BITTER?!"

"Ay, oo nga 'no?" Napaisip si Isda.

"Edi cold ampalaya jui-- " Sasagot pa sana si manok nang putulin ko ang sasabihin niya.

"Coffee ang sagot, Manok. Next question! Maygas!" Nakaisip uli ako ng panibagong tanong. "Kamay sa bibig!"

Walang MagawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon