Musta buhay? Ako, eto! Nakaupo sa upuan. Nga pala! May ikwekwento ako sa inyo, isa sa mga ka-engotan ko noong Grade 3 palang ako. Oo, matagal na pero, 'di ko talaga makalimutan.
Ang engot kasi, tsk!
O sige, ikwewento ko na sa inyo...
*FLASHBACK*
Yes! PE na namin! Wooo!
Favorite subject ko to'!!
Pero syempre, joke lang!
Uwian ang fav kong subject, sino bang hindi diba?"Capernaum! (Pangalan ng section) Let's go na sa labas! Maglalaro na tayo!"
Ang ingay! nagsigawan kasi ang mga classmates ko, Syempre pati ako! Nagsigwan ng...
"Yes! Sa wakas!"
"Paunahan tayo sa labas!"
"Oy dala mo ba 'yung bola?"
"Hahaha! Nadulas! Aha buti nga!"
"Bakit ang bait ni cher ngayon?"
"Binigyan ko ng potchi kanina."
" Laro tayo ng Ice Ice Water!"
(Ako)Nagtakbuhan na kami sa quadrungle ng school ng SOBRANG BILIS!
"Oy! Dahan dahan! Baka madapa!" Sabi ni Teacher nakalimutan ko na pangalan.
Nang makarating kami, agad kaming naglaro ng kung ano-ano, tulad ng tagutaguan, iceice water, habul habulan, langit lupa, etc. Sobrang saya!
Daming nangyari, nadapa, nandaya, may umiyak, natalo at syempre nanalo!
At nang mapansin ni teacher na pawis na pawis na ako, pinuntahan nya ko nung naglalaro kami ng habul habulan. Anu bayan! Naglalaro eh.
"Uy! Basang basa ka na sa pawis! Magpalit ka ng damit muna, may dala ka bang pamalit?" Sabi ni teacher nakalimutan ko na pangalan.
"Opo" ako
"Magpalit ka muna! Magkakasakit ka bahala ka di' ka makakapasok bukas" Ano daw?
"Cher Friday po ngayon."
"Ay oo nga, basta mag palit ka muna! Jusko basang basa!"
Hay nako! Wala akong nagawa kundi magpalit, basang basa nga ang likod ko kaya pumayag na me! Ano bayan! Ako panaman yung taya!
Kinuha ko na yung damit ko at pumunta na sa banyo. At pumasok sa isang cubicle.
San ko ba pwedeng isampay tong damit ko? Hmm..
Ah! Ditoo!
*nilagay sa taas ng bowl*
Tapos habang pinapalitan ko yung damit ko, may narinig ako
*spluk*
Paglingon ko...
OHMAYGAHD!! NASHOOT YUNG DAMIT KO SA...
BOWL NA PURO IHI!!!
LAXISKAHDJAJD PANO NA TO'?!YUNG DAMIT KONG PANG PE NALANG SUSOTIN KO..
Teka... Asan yun?
Hanap hanap hanap...
ASAAN?!
ANONG GAGAWIN KOOO?!?
May narinig ako sa labas...
"Capernaum! matapos time nyo magplay, ha?"KAILANGANG KO NANG LUMABAS DITO!
Pero...
Hays...
No choice nako...
Kinuha ko yung damit kong..
Nasa bowl.
*pulot*
"putong ina yak yak yak.." di ako mapakali.
May part na basa, may part na tuyo, pinapatuyo ko yung part na basa.
Wooh! Ok nato! Di naman halata na basa eh!
Sinuot ko na..
Ohmaygad
Ang panghe...
Lalagyan ko nalang ng pabango! Yes! Talino ko talaga!
Lumabas nako at nakita yung damit kong pinaltan! Nasa sahig naman! Basang basa din!
Hay nako! Isasampay ko nalang to. Ay oo nga pala, yung pabango!Tumakbo nako papunta sa labas at saktong sakto nakita ko mga kaklase ko na nagsisipasukan na sa room.
"Oh! Ayan ka pala! Kanina pa kita hinahanap ah! Osige pasok na at malapit na ang next teacher nyo."
"Ok po"
Pinuntahan ko yung isa kong kaklase at nanghingi ng pabango, at yes! Meron sya!
Wow! Minnie mouse na pabango! Magpapabili ako ng ganto!*Spray sa damit*
*Spray sa damit*
*Spray sa damit*
*Spray sa damit ng marami*
*Amoy*
Ok na siguro to'
( pero ang panghi parin )
(BASED ON A TRUE STORY)
*PRESENT TIME*
Hay jusko! Tumataas balahibo ko kada naaalala ko yun.
Kasi naman, damit mo sinaw saw sa ihi ng iba. Diba ang galing :)Kaya kayo! Wag nyong tularan yung Grade 3 na ako ha!
Pahamak abot mo sige ka.Isa yon sa mga kaengotan na di ko talag makakalimutan...
At marami pa nga eh!
Hays! Sige bye na. Pavote nalang!
-Isda
BINABASA MO ANG
Walang Magawa
HumorIto ay walang kwenta at nagawa ko lang to dahil wala akong magawa. Pero kung babasahin mo nalang, dahil wala ka ding magawa, edi go!