part 5

13.3K 233 19
                                    

Ilang sigundo ko syang pinagmasdan. Anung ginagawa nya dito? Bakit sya nandito? Did Daddy told him where we are living? If yes, bakit? Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko ng bigla na lamang nagbukas ang pinto at iniluwa nun si Yohan.

"Good afternoon, babe. I'm sorry I can't call you back may meeting kasi ako with the board members, biglaan eh. Hey where's Xander and baby Liam?" Derederetsong pagbati nito. Ni hindi manlang niya napansin ang bisitang kanina lang ay gumulantang sa nobya nito.

Agad namang ibinaling ng dalaga ang atensyon sa kararating lamang niyang nobyo. Inabot nito ang isang malaking birthday cake at dinala sa la mesa ng dinning area. Nilapitan naman nya ang nobyo at malambing na humawak sa beywang nito.

"It's ok, hon. I'm just worried. Baka kasi hindi ka makarating sa party ni Liam. Alam mo naman si Xander, he wants you to be here." Ani ng dalaga.

"Yeah. I know. That little boy. He's so smart and cute. But sometimes naughty." Tumatawang Ani ng kanyang nobyo habang nilalagay sa likod ng taenga ng dalaga ang ilang hibla ng buhok nito.

Agad namang napatigil ang tawanan ng dalawa ng bigla na lamang tumikhim ang bisitang kanina pa sila pinapanood. Nabaling ang atensyon ng kanyang nobyo sa taong iyon.

"I'm sorry to interrupt you both." Ani ng taong iyon.

"Hi." Magalang na pagbati ni Yohan. "Ahmm, Hon, may iba pa palang bisita hehhe. By the way, I'm Yohan Elizalde." Magalang niyang iniabot ang kamay sa taong iyon pero binalewala lamang siya nito.

"Nice to meet you." Ani nito ng walang kagana-ganang tumingin sa kamay ng binata. "I'm Tyrone."

"Tyrone? Tyrone Park?" Ani ni Yohan.

"Yes."

"Ohh, i see." Ngumiti ito pero hindi iyon nagpapakita ng kagalakan. Agad niyang hinapit sa beywang ang kanyang nobya. "Anung ginagawa mo dito? Anung kelangang mo kay Claire at sa mga anak nya?"

"Anak ko rin, Mr. Nandito ako para bawiin ang lahat ng akin." Matalim niyang tinitigan ang binata.

"Ang iyo?? Sa pagkakaalam ko wala kang bagay na iniwan dito. At kahit kelan wala kang pagmamay-ari dito." Sarkastikong ani ni Yohan.

"Hindi bagay ang pinunta ko dito kundi yang hinahawakan mo, akin yan. Buong-buo. Ultimo buhok nyan akin!" Pasugaw na saad nito.

"Dude, hiwalay na kayo isang taon na ang nakakalipas. At sa pagkakaalam ko, iniwan mo sila at sumama sa babae mo. Wala ka ng babalikan dito." Madiin nyang hinawakan ang babaeng nasa tabi nya nagyon. Alam nyang wala syang laban kung sakali mang balikan ng kanyang nobya ang dati nyang asawa. Kumpara sa kanya, minahal ito ng nobya nya at matgal din ang pinagsamahan ng dalawa. Kumpara sa kanya na halos isang taon pa lang magkakilala. But hell! Mahal na mahal nya talaga ang nobya niya. Tinanggap nya ang dalawang anak nito na parang kanya. Hindi niya kaya kung iiwan sya nito.

"Wala kang pakialam sa personal naming problema. At sino ka ba sa akala mo? Nobyo ka lang, ako asawa!"

Tumawa ang dalaga ng sarkastiko at maiging tinignan ang dating asawa. May pangdidiri sa mga mata nito at walang ganang tumingin dito.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo, Tyrone. Anung karapatan mong tawagin ang sarili mo na asawa? Kelan mo ipinaramdam sa akin na naging asawa ka?"

"Babe, pls. Pakinggan mo naman ako. I need to explain. We need to talk, just the two of us. Without him, or kahit na sino. Please." May pagmamakaawa sa boses nito. Ang mga mata nya ay nangungusap na sana'y pagbigyan sya ng asawa.

Katahimikan. Yun ang bumalot sa kabuuan ng kabahayan. Walang umiimik, marahil ay hinihintay ang sa sabihin ng dalaga. Ang buong atensyon ay nasa kanya lamang. Hinihintay ang pagbuka ng kanyang bibig, mahalaga ang bibitawan nitong mga salita. Hindi lang para sa dating asawa kundi pati na kanyang nobyo na ngayon ay lubos ang kabang nararamdaman. Dahil baka iyon na ang huling masasabi niya na minsang naging kanya si Claire.

My Husband's Mistress is My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon