Part 4

13.3K 237 18
                                    

Mahigit isang taon ang lumipas, tuluyan na nya kaming iniwan at sumama sa kapatid ko. Muli akong nagpakatatag at lumayo sa kabila ng lahat. Tuluyan na kaming naghiwalay. I filed an annulment before i went back here in Canada. Naging mabilis ang proseso at agad na pinawalang bisa ang kasal namin. Hindi sya tumutol doon. Mahirap man pero kailangan kong tatagan ang sarili ko katulad ng dati.

It's Liam's 1st birthday and i prepared a simple party for him. Simula ng bumalik kami dito ay nagfocus ako sa mga anak ko. They're both adorable. Xander is smart and thoughtful. Madaling lumipas ang panahon. Kasabay nun ang paglipas ng sakit na nararamdaman ko. Madali akong nakamove on, marahil dahil na rin sa suporta na ibinibigay ng mga tao sa paligid ko. My dad always visits me here whenever he's not busy with his business. Naghiwalay na rin sila ni Mommy Graciela dahil na rin sa hindi na makaya pa ni daddy na makasama ang babaeng sumira sa kanila ni Mommy Cristina. Wala na ring balita sa kapatid ko at kay Tyrone.

Sumama sya kay Eyra, at hindi ko sya napigilan sa desisyon nyang iyon. Nawalang parang bula ang mga pangako nya sa akin nung huling gabing nagkasama kami. Binalewala nya ako, at ang anak namin noon na si Xander. He didn't even bother to explain. He just walked away. Nagising na lang ako isang umaga, pagkatapos ng mga pinagsaluhan namin nung gabing iyon iniwan nya pa rin ako. I know that this is going to happen, but i didn't expect this so early. Akala ko, sa isang araw pa o isang buwan pa. Pero sobrang bilis, ni hindi ako nakapag handa o nakapag isip man lang kung anung dapat kong gawin para pigilan sya. Umiyak ako ng umiyak sa sobrang sakit wala na akong maramdaman. Ano pa bang kulang? Ibinigay kong muli sa kanya ang lahat at naniwala sa mga pangakong kanyang binitawan. Pero anung mali at iniwan nya pa rin ako?? Hindi pa ba ako sapat sa kanya?

Isang araw, isang linggo, isang buwan. Hanggang naging dalawa, tatlo, apat, lima, at anim na buwan ang lumipas. Umasa ako at nagbaka sakali na babalikan nya ako, pero hindi. Nagkamali ako. Walang Tyrone ang nagabalang balikan ako at ang mga anak ko. Ang masakit pa noon, kamuntikan ko na namang mawala ang isang anghel sa sinapupunan ko dahil sa depresyon na dulot ng pag-alis ni Tyrone.

Isang buwan noon, naghintat ako. Ni hindi ko magawang kumain o uminom ng tubig man lang. Kung hindi pa ako pupuntahan ni Daddy hindi pa ako makakakain ng maayos. Kadalasan akong nakakulong sa kwarto at umiiyak hanggang sa makatulog at magising kinabukasan. Ni hindi ko na din maalagaan si Xander. Para bang nawalan ako ng lakas para mabuhay. Hanggang dumating ang isang araw..

Flash back...

"Anak, kumain ka na. Ilang araw ka ng hindi na naman kumakain. Your Mommy Martina told me that your not eating again. Come on Honey, hindi makakabuti sayo yan." Ani ni daddy habang inaayos ang mga pagkain sa tray. " Get up, Honey. Here, i'll feed you." Inalalayan nya akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at sinandal sa head board ng kama.

"You don't have to do this, dad. I can handle myself." Sagot ko at kinuha ang spoon mula sa kanya. Ngunit hahawkan ko pa lang iyon at nanginginig na ang kamay ko at kamuntikan ko ng mabagsak ang pagkaing naroon kung hindi pa nasalo ni daddy. Nung mga oras na yun gusto kong ibato ang tray na yun. Naiinis ako kasi kahit anung gawin ko hindi ko pa rin kayang magawa yun on my own! I hate myself! Unti-unting tumulo ang mga butil ng luha sa mga mata ko. I feel so weak, and worthless!

"It's ok Honey." Nakita kong lumambot ang mukha ni Daddy. May isang butil din ng luha ang pumatak sa kanang mata niya. Marahil ay hindi na rin nya mapigilan ang pagkahabag sa sitwasyon ko.

Humugot siya ng isang malalim na hininga. Alam kong pinipigilan nya pa rin ang emosyong gusto nyang ipakita sa akin. My dad loves me so much. Sa ngayon sya lang ang masasandalan ko pati ang mga magulang ni Tyrone.

"Just be strong, anak. For you, for Xander and for the baby you carrying right now." Sabi ng Daddy na may pilit na ngiti sa ma labi. "I love you, anak." Hinalikan nya ako sa tuktok ng ulo ko at niyakap. Doon ako umiyak hanggang sa ang mga hikbi ay naging malakas na iyak. Ayoko ng pigilan ang nararamdaman ko dahil simula noon ipinangako ko sa sarili ko na iyon na ang huli.

"Why dad? Why? Why i have to suffer like this?? Bakit nya ako sinaktan ng ganito? Minahal ko sya, pinatawad sa lahat ng ginawa nyang pagtalikod sa akin noon. Bakit ngayon hindi naman ako ang pinili nya?? Bakit?? Am i not good enough?" Naghihisteryang sabat ko sa kabila ng mga iyak at hikbi ko. Hindi ko na kaya, sobrang skit na ng dibdib ko. Gusto ko ng kumawala sa damdaming ito. Pagod na pagod na ako.

"Calm down, honey" pagaalo ni daddy pero mas kumakawala ako sa mga yakap nya. Gusto ko ng mamatay!

"Tama na, Hija. Hindi toh makakabuti sayo sa anak mo."

"I want to die Dad. Ayoko ng mabuhay! Pagod na pagod na ako!" Wala na akong marinig kundi ang mga hiyaw ko na nangingibabaw sa loob ng silid. Hanggang sa makaramdam ako ng mainit na likido. Agad kong nasapo ang sinapupunan ko at napaupo sa kama.

"Ang baby ko! Dad, ang baby ko!" Umiiyak na daing ko. Sobrang sakit. Dinaluhan ako ng daddy at agad na nagpatawag ng ambulansya sa ma katulong. Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid. Ang alam ko lang, maaaring mawala ang baby ko. Ang kawawa kong anghel. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa anak ko. Hindi ko rin mapapatawad ang mag taong sumira sa buhay ko.

End of flash back..

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, pinili kong ayusin ang buhay ko. Nagpakatatag ako para sa mga anak ko. Nagpatulong ako kay daddy pati kila Mommy Martina. Nagpaconsult ako sa psychologist hanggang sa malabanan ko ang matinding depresyon. Anim na buwan ang lumipas pagkatapos ng gamutan ko, napagdesisyonan kong bumalik sa Canada upang doon magbagong buhay at upang makamove-on na ng tuluyan.

Kasalukuyan akong nagaayos ng mga ihahanda sa birthday party ni Liam, nang may magdoorbell. Agad ko namang inutusan si Manang Nelly na buksan ang pintuan at pinatignan kung sino ang nasa labas. Baka kasi si Yohan na iyon o kaya si Mrs. Mcbride kasama ang mga empleyado ko at mga anak nila.

"Ma'am may bisita ho kayo." Ani ni manang.

"Let them in Manang."

At sinunod naman nya ako. Hindi na ako nagabala pang tanungin kung sino ang bisita dahil iilan lang naman silang inaasahan ko. Agad kong binilisan ang pagpeprepare ng binake kong cake. Base sa pagkakaestema ko, lalaki ang dumating at marahil si Yohan na iyon. Hindi ko na sya inabalang harapin dahil alam ko naman at home na sya dito.

"Where have you been,babe? I've been calling you hindi ka manlang sumasagot. Xander asks me if your attending the party. I just said, Maybe." Hindi sya umimik. "Saan--" natigilan ako sa ginagawa ko. At nagulat sa taong nakatayo malapit sa akin. Anung ginagawa nya dito? Paano nya kami nahanap?

**AN:

Sorry for the loooooong wait. Sana po pagpasensyahan nyo na ang update ko ngayon. Heheh salamat sa patuloy na naglalike. God bless!

Xoxo

-author

My Husband's Mistress is My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon