part 6

14.8K 280 29
                                    

Narinig ni Yohan ang malakas na pagdabog ng isang bagay sa loob ng tahanan ng kanyang nobya. Alam niya ang mga nangyayari, dahil marahan niyang pinapakinggan ang mga salita ng bawat isa. Umiiyak ang kanyang nobya and it kills him. Kahit kelan ay hindi nya gustong naririnig ang mga haguhol nito dahil nasasaktan din sya. Alam nya ang bawat pinagdaanan ng babaeng mahal nya. Alam nya dahil sya ang kasama nito sa bawat saya at luha nito sa mga nagdaang mga taon. They started as Friends, bestfriend pa nga. Si Xander pa lang noon ang anak nito ay magkakilala na sila. Kaya naman ay nawalan sya ng pag asa noon na ligawan ang dalaga ng nalaman niyang babalik ito ng Pilipinas upang doon ay magbukas ng panibagong branch ng kumpanya nito. Alam nyang sa pagbabalik nito sa bansa ay darating sa point na magkakaayos din sila ng asawa nito. They're married after all kaya anong laban nya doon? Hanggang sa dumating nga ang kinakatakot nya nang malaman na nagkabalikan na sila ng asawa nito. Ginawa nya ang lahat para kalimutan ito. Pero wala, sya pa rin talaga ang mahal nito. At nagulat sya isang araw, bumalik ito dala si Xander at si Liam na noo'y nasa sinapupunan nito. Alam nya sa asawa nito ang dinadala ng nobya. May unting selos syang nararamdaman noon pero binura nya ito sa kanyang isipan. Dahil ang tanging nasa isip nya noon ay kung mahal nya talaga ang dalaga ay lahat ng kanya ang mamahalin nya rin na parang sa kanya. Nagtapat sya ng nararamdaman dito at alam naman nya na hihingi ito ng oras at panahon upang makamove on muna at ibinigay naman nya ito.

Dumating ang araw na natupad din ang ninanais nya. Minahal sya ng dalaga. Yun na siguro ang pinaka masayang araw ng buhay nya. She loves him back. Bawat araw ay pinapasaya nya ang nobya pati na rin ang dalawang anghel nito. He just wish na sa kanya na lang ang dalawang anak nito. Marahil kung nangyari yun ay sya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Mahal na mahal nya ito.

"Tito Yohan? Is there something wrong?" Tinig ng anghel na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"A-ah, no baby. Ok lang si Tito. Where's Liam?" Sagot naman nito.

"He's in the kitchen. He's looking for Mama. Tito, who's that Man kanina?" Tanung nito. Matalino si Xander, alam nitong madami ng tumatakbo sa isip ng bata.

"I-i don't know baby. Maybe he's just looking for something. Bakit?" Takang anung nito. Kinakabahan sya. Baka sooner or later mapagtanto nito na iyon ang ama niya.

"Nothing. I thought kilala sya ni Mama. I saw him looking intently to my Mama. And i don't like it. Maybe he likes my Mama too. But i don't like him for her. I only want you for Mama." He smiled sweetly to him, and it touches his heart. At some point nawala ang kaba at takot niya. Napatawa ito ng bahagya. At ginulo ang buhok ng bata.

"Ikaw talaga. You know , you're the reason why I love your Mama so much. Ikaw yung naglapit sa amin ng Mama mo. That's why I love you and Liam just like my own." Batid nito na alam ni Xander ang posisyon nya sa buhay ng Mama nito. Pero kahit ganun, pinapakita pa rin ng bata ang pagiging parte nya ng pamilya nito. At dahil dun mas lalo nyang minamahal ang mga batang ito.

"We love you, Tito Yohan. I hope na maikasal na rin kayo ni Mama soon. And promise me that i'll be your best man." He giggled pagkasabi nito. Parang matanda na ito kung makapag salita.

"Sure, baby. But first, promise me you take care of your Mama and baby Liam. Ok?"

"Yes, Tito. I will."

Inaya na nya itong pumasok sa loob upang mag ayos na ng mga gagamitin sa party ni Liam. Hinanap nya si Claire sa loob pero wala ito sa Kitchen at living room. Wala na rin doon ang dating asawa nito. Nasaan na kaya iyon? Nagpaalam muna itong lalabas muna ar doon nga ay nakita niya ang lalaki. Gusto nyang magkausap muna sila bago ito umalis.

"What do you want?" Tanung nito pagkakita pa lang sa kanya.

"Ikaw ang gusto kong tanungin nyan. What do you want? Bakit bumalik ka pa?"

Napangiti ito ng mapait sa tanung niya. Bago nagsalita at sinindihan muna nito ang sigarilyong hawak, humithit at sabay nagbuga ng usok. "I want her back." Matalim na sagot nito.

Napatiim bagang naman sya sa narinig nya. 'Ang kapal ng mukha' sabi ng isip nya.

"Hindi mo na sya makukuha pa. She's mine. At kahit kelan wala akong balak na ibalik sya sa taong sumira sa buhay nya. Naghirap ako para maibalik ulit ang mga ngiti sa labi nya. Pero heto ka ngayon at ibinabalik lahat ng sakit. Anung karapatan mong kunin sya ulit?" Sagot nya sa lalaking akala mo ay humihingi lang ng laruan.

"I'm still part of her life. And you can't deny it. I have her twice. Nagbunga pa nga e. She and my sons, just give them back to me. Wala namang problema kung makikihati ka e. Basta ibalik mo lang sila sa akin." Tumaas ang isang sulok ng labi nito at tumawa ng tipid. Desperado ito.

Napatawa sya ng malakas. Wari'y nakarinig ng isang malaking kalokohan. The hell? Hinding hindi sya papayag.

"I have her. She's pregnant." malayang pagsasaad nito ng katotohanan. Ayaw nya pa sanang ibunyag yun pero napilitan sya. Pero para matigil na ang lalaking ito ay sinabi na nya ang sana'y sa engagement party nila ibubunyag. Nakita nyang pumait ang mukha ni Tyrone.

"F*ck you! Gago ka! Nawala lang ako inahas mo na ang asawa ko. Ang kapal ng mukha mo!" Susuntukin na sya sana nito pero nakailag sya.

"Mas makapal ang mukha mo. Wala na kayo ni Claire. Matagal na kayong tapos. Ikaw na lang ang umaasa na magkakabalikan pa kayo kahit wala na naman talaga! Tanggapin mo na lang, Pare. Masaya na kami." Pagkasabi nun ay nakatanggap sya ng malakas na suntok galing kay Tyrone. 'Tang ina lang' sabi ng isip nito.

Hindi na sya gumanti dahil wala din namang mangyayari.

"Don't you dare to touch or even talk to her. Dahil baka hindi na ako makapagtimpi." Pagkasabi nya nun ay tinalikuran na nya ang lalaki. Pero bago sya makapasok sa loob ay narinig pa nyang magsalita ito na sya namang nagpatindig ng balahibo nya.

"I'll make her mine AGAIN. At hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nakukuha sayo!"

--------------

Sorry for the looooong wait!

Saka ko na lang eedit yung mga grammars at typo. Medyo busy po sa intership e.

Thanks po sa mga natatanggap kong positive comments. Sobrang natatouch ako. Thank you! :D

Be a fan. Comment. Like.

xoxo,

Serioustype ;)

My Husband's Mistress is My SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon