1.

27 2 2
                                    

Guia

Hoy Guia, mag-aral ka nga ng maayos." sabi ng nanay kong palagi na lang sinasabi iyan.

"Ma, huwag ka ngang makulit naglalaro ako e." Si mama kasi galaw ng galaw sa kama eh nakaka hilo tumingin sa screen. Nagulat na lang ako dahil bigla nya nalang akong pinalo sa braso.

"Ma! Eh? Game over na." Tiningnan ko sya ng masama.

"Kasalanan ko ba? Eh alam mo namang nagliligpit ako ng mga damit mo. Huwag ka ngang magreklamo diyan." Aniya sabay tayo at umalis.

Napanguso ako, "Problema ni mama?"

Tanong ko sa sarili ko. Naalala kong may pre-exam pala kami sa Math bukas. Kaso. Nakakatamad mag-aral. Humiga na lang ako na para bang wala ng pag-asa sa mundo. Bukas na nga lang ako mag-aaral hindi naman siguro mahirap iyon. Pinikit ko na lang ang aking mata dahil gusto ko nang matulog.


"HOY GUIA! GISING NA. AY LINTEK NA BATA ITO, TANGHALI NA OH!"

Ampota naman, ang aga aga sumisigaw naman si mama. "Ma, five more minutes please? " sabi ko habang nakapikit parin. Bigla ko na lang naramdaman na masakit ang pwet ko.

Biglang akong napatayo,  "Maaaaaa ansaket naman ng palo mo." Sabi ko habang pinapahid ang pwet ko.

"Ano oras na po ba?" Tanong ko.

Tinuro nya alarm clock sa gilid ng kama ko gamit ang ulo nya at umalis. Halos hindi ako maka isip ng deretso. Wala sa sarili, tumakbo akong papuntang banyo para makapag ayos na. Ilang minuto nagbihis na ako at bumaba na, second floor kasi ang bahay.

"Nak, kain ka muna! Hoy! Saan ka?" Sigaw ni mama.

"Kalke! Ay hindi na po ako kakain ma! " sambit ko pabalik. Nasa highway na ako at naghintay ng bus papunta sa iskwelahan. Hindi ko mapigilan ang pagyugyog ng mga paa ko dahil hindi ako mapakali, 8:30 kasi ang simula na pre-test sa Mathematics eh 7:56 na medyo malayo pa naman dito ang pinapsukan ko.

Habang naghihintay ako ng bus ay nag-aral ako kadali dahil wala ako nakapag-aral kagabi. Kahit papano naman eh may pumapasok naman sa kukute ko.

"Soo, x..... at si y.... ay.... Ay ampota naman mamaya ka na nga lang. Okay next question..... When... " nakanga-nga na lang ako dito dahil hindi ko talaga naintindihan ang equations.  Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis at pinapalo ang librong nakapatong sa aking hita. "Sheet nakaka-inis naman! Alam ba nilang hate na hate ko ang math?" Sabi ko habang naka nguso. "Antagal naman ng bus! Yung totoo! Late na ako." Pagrereklamo ko.

Ang saya ko, dahil sa malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang bus na sinasakyan ko. Pagdating ng bus ay agad akong umakyat at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa tabi ng lalaki na natutulog at mukhang estudyante rin katulad ko.

Tahimik lang akong nagbabasa, pero hindi ako comfortable kaya hindi na lang ako nagbasa.

Nagulat ako dahil sa pabiglang paggalaw ng lalaki. Tumingin agad ako sa bintana ng kabilang upuan.

"Saan na ba ito?"

Tumingin ako sakanya dahil mukhang nagtatanong.

"Ah kaka-alis lang natin sa  Bus stop ng Isabelle." Sagot ko. Bigla namang kumunot ang kanyang noo at tumingin saakin.

"Umm, okay?" Aniya sabay tss. Isinandig nya ang kanyang ulo sa bintana at mukhang matutulog ulit dahil hindi na sya gumalaw pa.

"Tss, sinasagot lang naman eh," sabi ko.

Pagbaba ko sa bus ay tumakbo agad ako sa school dahil sobrang late na talaga ako kaso bigla akong napahinto dahil nakita ko iyong katabi kong lalaki kanina na matamlay na naglalakad at mukhang papasok sa paaralan na pinapasukan ko. Nagkibit-balikat ako at tumakbo na ulit dahil yari talaga ako sa prof namin mamaya.

Debt Of Sins And LoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon