Mig
"What..."
Hinintay kong mahuhulugan kami ng puno pero laking gulat ko ay hindi man lang naka abot saamin ang nahuhulog na puno....
Guia
Kinakabahan ako dahil baka mamamatay ako ng maaga. Pero isang minuto na ata ang naka lipas ngunit wala akong naramdaman na sakit. Iminulat ko ang aking mga mata para tingnan ang nangyari. Nakita kong tulala lang si Mig habang nakatingin sa puno na ngayon ay lumulutang na. Hindi ko alam bakit o paano lumulutang ang puno pero napagtanto ko na naka lahad ang aking kaliwang kamay na para bang kinokontrol ko ang puno. Walang imik kong tiningnan si Mig na nakatulala parin sa puno pero bigla syang napatingin saakin at nakita ko sa expression nya na nagtataka.
Hindi ako nag-alinlangan na ibinaba ang aking kaliwang kamay at pabiglang niyakap si Mig at gumulong kami papunta sa kanan.
Narinig ko ang bumagsak na puno sa gilid namin at kumalas agad sa pagkayakap kay Mig. Nang naka-upo ako nakita ko si Mig na nakatingin saakin ng nagtataka. Shit lang. Hindi ko alam ano gagawin ko.
Umupo na rin sya katulad ng ginawa ko, "How did you---I mean What?"
"I swear, I don't know." Ani ko.
"Now, I know something"
Hindi ko pinakita na kinakabahan ako basta hinila nya lang ako palabas ng Park kung saan patuloy parin nag-aaway ang dalawang substance.
Habang naglalakad kami biglang may dumating na mga saksakyan, mga magarang sasakyan, pang agencies, at huminto ng di-kalayuan sa harap namin. Kinabahan agad ako pero sa vision ko si Mig mukhang ayos lang naman.
Hindi kaya ikukulong nila ako? Shit no no hindi naman siguro ako nila kilala. Teka, baka iisumbong ako ni Mig? Wala namang cellphone si Mig ah? Baka may powers rin sya katul-----
"Hey"
"Katulad ko!" Gulat kong sinabi. Agad kong sinampal ang aking bunganga ng mahina at bumaling ng tingin kay Mig.
"Sorry, ano yun?"
"Humanda ka lamang, baka kasi anohin ka ng mga iyan" aniya sabay tingin sa mga taong nagbabaan sa kotse na kakadating lang.
Tumango ako bilang sagot.
"Sino ba sila, Mig?"
"Sila ang----"
"Kami ang SBA or SpeBi Agency."
Napatingin kami ni Mig kung saan nanggaling ang boses. Isang babaeng naka-suot ng suit. Bumaling ule ang tingin ko kay Mig at nakita kong nag bow ito.
Dapat ba akong magbow?
"Tsk tsk. Hindi nya ba napansin kailangang mag bow? Slow talaga"
Patagong umirap ako at nag bow agad kagaya ni Mig.
"Long time no see, Mr. Manansala" ani ng babae.
"Same po Ms. Anne." Ani Mig.
"Miss, nasira po ang cage ng Park dahil sa magkapatid " sabi ng isang lalaki na kakadating lamang. Mukhang isa sya sa mga alagad ni Ms. Anne.
Tumingin ako kay Mig ng nagtataka at umacto kong sino itong babaeng nasa harap namin. Nagkibit-balikat lamang sya at umactong mamaya na lang nya sasabihin. Ngumuso ako sakanya.
"Well, sabihin mo I'm calling them and we'll talk to my office later."
Tumango yung lalaki at nagbow bago umalis. Bumaling ulit ang tingin nya saamin.
"So sino ba itong kasama mo?" Tanong nya kay Mig at tumingin saakin.
Akmang magsasalita na sana si Mig nang inunahan ko sya.
BINABASA MO ANG
Debt Of Sins And Loyalty
Fantasy"Paying the debt was your choice, " bulong ko. Umiling sya habang hinahawakan ang kamay ko. "DON'T YOU EVEN FCKING CARE, GUIA!" I smiled and wiped his tears, "But protecting you was my mission."