3.

7 2 0
                                    

Guia

"Hi po tita." Sabi ko sabay bless.

"Oh, Guia mabuti at pumunta ka akala nga ni Kyle na baka nawawala ka na raw." Tawa nya.

"Ma! Aish." Ani Kyle.

Nakitawa ako kay Tita at tumingin kay Kyle. Umiwas lang sya ng tingin saakin.

"Ah sige po tita."

Umalis na ako at bumalik na sa table at umupo. Tiningnan ko yung katabi ko na malalim ang iniisip.

"Geya? Giya? Leah? Greyah? Fck this."

Napatawa ako bigla, napatingin naman sya saakin ng gulat. Kinamot nya ang kilay nya at tumingin saakin. "Name mo nga ule?"

Nagpipigil ako ng tawa, "L-leah."

"Sabi ko na nga ba Leah!"

"Ah! Okay." Tuwang tuwa sya ng sinabi ko iyon. Uminom sya ng tubig at umiling ng naka ngiti. Hindi ko na napigilan ang tuwa ko kaya tumawa ako ng medyo malakas. Tumingin sya saakin ng nagtataka, napahinto ako para hindi klarong sya ang tinatawanan ko.

"Wala."

"Guia!"

"Yelp?" Nag angat ako ng tingin kay Kyle bago sakanya.

"Creya pangalan nya?" Tanong nya kay Kyle.

Tiningnan ako ni Kyle, na nagpipigil rin ng tawa.

"Guia, hindi creya." Aniya.

Napa-ah lang sya at napayuko.

"Fuck."

"Ito na pala iyong ice cream." Inilapag nya ang ice cream sa harap ko at sa harap nya at umupo sa harap naming dalawa.

"Hoy Guia, sino pala to? Suitor mo?"

Sabay kaming nabulunan dalawa.

"Hindi ah! Gaga ka ba?"

"No way!"

"Eh ano?"

Pinunasan ko ang aking labi gamit ang aking kamay, "hindi pa ako nakaka sigurado pero..." Tumango ako kay Kyle.

"Omg." Aniya. Nag-shhh ako sabay lagay ng hintuturo sa labi ko. Tumingin sya sa lalaki at, "Ano pala pangalan mo?"

Umangat sya ng tingin kay Kyle, "Mig."

Tumango si Kyle saakin at ngumisi.

"Gaga." Simangot ko.

Ilang oras ang nakalipas napag pasya ko ng umalis, "Kyle asan sila Tita? Mauna na ako. Nagabihan na ako e."

Tumango saakin si Kyle at hinanap sila tita. "Ayon, Guia oh." Turo nya sa ikatlong table malapit saamin. Pumunta kami doon ni Kyle, "Tita, tito alis na po kami. Thank you po."

"Ah okay sige. Ingat ka. Kyle ihatid mo na sila."

"Ma, kaya na yan ni Guia." Irap nya. Bintukan ko naman siya.

"Eish," aniya at tinulak na ako palabas. Bigla na lang siya napahinto at, "si Mig mo pala."

Napa-isip rin ako dahil hindi ko masyado naririnig ang thoughts niya. Humarap ako kay Kyle at nagkibit-balikat. Nilibot nya ang room at umiling dahil hindi nya rin nakita.

"H.... "

"Kyle!" Tumingin rin siya saakin. "Hindi ko alam pero may something."

"Ha? Bakit? Guia huwag kang ganyan." Aniya sabay lagay ng kamay sa bewang. Tumingin ako sa aking relo at 5:59 pm na.

Debt Of Sins And LoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon