Tadhana

39 1 0
                                    

Tadhana,

Bakit nga ba sadyang mapaglaro ka?

Alam mo bang marami kang nasasaktan

Sa mga tactics mong kapani-paniwala?

Bakit mo nga ba pinagtatagpo ang

dalawang taong

Kailanma'y 'di naman pwedeng magsama?

Ang mga taong umpisa palang naman

'Di mo na talaga inilaan para isa't isa?

Bakit hinahayaan mong may mga pusong umasa

Sa imahinasyong merong "sila"

Ngunit bigla mong gigisingin sa katotohanang

Sila'y mananatiling "ako" at "siya".

Minsan naman ang mga taong pinaghiwalay mo na,

Pagtatagpuin mo na namang bigla.

Tadhana, nananadya ka bang talaga?

Ganunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa 'yo

Sa mga sakit at luhang idinulot mo

Dahil sa bawat maling taong ipinapakilala mo, mas naging matibay ako

Sa bawat sakit at pagpapaasa mo, mas natuto ako

Ito nga siguro ang papel mo sa mundo

Manakit, magpaasa, at turuan ang pusong

Bitawan ang mga taong 'di mo naman talaga kailangan

At tanggapin ang katotohanang 'di sila sa 'yo nakalaan

Kaya, tadhana, oo nga't mapaglaro ka

Pero naiintindihan na kita

Mula ngayon 'di na kita kakalabanin pa at ipipilit ang gusto ko

Magtitiwala nalang ako sa mga desisyon mo.


Love QuotesWhere stories live. Discover now