IA: LoM (TROAG) 5

8K 227 14
                                    

IA: LoM (TROAG) 5: Invisible Potion

Cassia Jade Alvarez PoV~

/Wednesday @ 8:00 a.m 🕗/

"Good morning class" Bati ni Professor Ivy ang Potion Teacher namin

"Good morning Professor Ivy" Bati namin sa kanya

"As I said on Monday, ngayon ko na ibibigay ang ingredients para sa Potion na gagawin niyo. Next week niyo na ito isa-submit. Here" May mga papel na lumulutang at dahan-dahan lumapag sa table namin. Namamangha talaga ako tuwing ginagamit nila ang kanilang magic

Napatingin naman ako sa papel na nasa table ko

"And by the way, pwedeng-pwede kayong lumabas ng Illus Academy. Dahil ang ibang ingredient ay sa labas niyo ito makikita. Pero kailangan may mga kasama kayo. Mas mabuti ng may kasama, kaysa mag-isa" Paliwanag ni Professor Ivy

Sa labas? Napa-pout na lang ako. Sino naman ang makakasama ko? Hindi naman kasi ako dito nakatira. Ano nang gagawin ko? At isa pa wala naman akong kilala dito. Wahhhhh!!! Bakit ba ang malas ko. Kung magpapasama kaya ako nila Sienna at Asha? Pero nakakahiya naman. Baka may importante silang dapat gawin. Napabuntong hininga na lang ako

"Hi" Napatingin naman ako sa gilid ko

Then I saw a girl. Maganda siya. Her hair color is black and her eyes is color green. Ang ganda naman niya. Napabaling naman ako sa harapan at tinignan si Professor Ivy. At nakatalikod ito sa amin at may sinusulat sa pisara, kaya binaling ko ulit ang tingin sa babaeng nasa gilid ko

"Hi" Bati ko rin sa kanya

"I'm Irene Montemayor isa akong plant manipulator" Pakilala niya sa akin

"I'm Cassia, hindi ko pa kasi alam ang Illus ko. Kaya hindi ko pa masabi" Pakilala ko naman habang nakangiti

Umupo naman siya sa tabi ko. Wala kasi akong katabi

"Nga pala hindi mo pa kabisado ang Illus Land diba?" Tanong nito sa akin

Tumango naman ako

"Wag kang mag-aalala, sasamahan kita sa paghahanap ng ingredients mo sa potion" Nakangiti nitong sabi sa akin

Wahhhh!!! May makakasama narin ako sa wakas. Nagniningning naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya

"Wahhhh!!! Ang cute mo!!~~" Nanggigigil niyang sabi sa akin sabay pisil sa kanan kung pisngi, pero mahina lang yung boses para hindi marinig ni Professor Ivy na busy parin sa pagsusulat

Napa-pout naman ako sa ginagawa niya sa pisngi ko

"Machakit" Naka-pout kung sabi sa kanya

"Hehehehe, sorry nanggigigil lang kasi ako sayo" Sabi nito sa akin at binitawan na niya ang pisngi ko

Kaya hinihimas ko ang kanan kung pisngi. Huhuhuhuhu alam ko na namumula na ito

"Alam mo ba, nung una kitang makita ay gusto ko talaga na lapitan ka. Pero nahihiya ako. Kaya ngayon naglakas loob na ako na lapitan ka. Gusto kitang maging kaibigan" Sabi sa akin ni Irene

Niyakap ko naman siya. Pero mabilis lang dahil nasa harapan pa si Professor Ivy

"Friend" Nakangiti kung sabi sa kanya

Ngumiti naman siya kaya sabay kaming humarap sa harapan. Baka mapagalitan pa kami ni Professor Ivy kapag nakita niyang nag-uusap kaming dalawa at hindi nakikinig sa kanya

"Kapag gumawa kayo ng potion ay kailangan sundin niyo ang formula para hindi palpak ang gawa niyo. At wag magmadali sa pag-gawa nito dahil sasabog ang ginawa niyong potion. Naintindihan niyo ba ako?" Sabi ni Professor Ivy

Illus Academy: Land of Magic (The Rebirth Of A Goddess)✔(Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon