Chapter 9
Zyra's POV
Araw na ng Js Prom
Sabay kaming dumating ng kapatid ko sa venue at doon makakasalubong namin si Marco.
Imagination Ko
Palapit sya sa akin,at parang kaming dalawa lang ang nasa venue.. at yayain niya akong sumayaw pumayag naman ako..
A/N: oo,I admit!! Umasa akong mangyari ito pero hindi nangyari... Awtsu!! -__-
Back to reality scene sa kwento
"HI BABE!!I love you... Ganda mo naman ngayon"bati sa akin ni Marco at sabay alis
At nahimasmasan ako sa sinabi niya
"Babe??" Tanong ni Anika,tiningnan niya ako
"Teka ,ikaw ba tinawagan niya ng babe ate?e sa pagkakaalam ko gf yan ng kaklase ko" takang sabi ni Anika
"Ha,ahmm Hindi!!babe ba sinabi niya?? HI MAE,ANG GANDA MO NGAYON,yan yung narinig kong sabi niya ah.. diba ba nga" Zyra Mae" ang pangalan ko,tara na.." pagkunwari kong sabi
Natapos ang gabing hindi man lang nangyari ang imagination ko kanina.. So sad!!
"Hmm kung ano ano na lang naiisip ko"
------
Dumaan pa mga araw sinabi ng teacher namin kung kailan ang graduation day namin. Bale may isang buwan ko pa makikita o makakasalubong sa paaralan si Marco kaya naman naiisip kong dapat bawat araw na dadaan may moment kami ni Marco,kumbaga pagtritripan niya ako basta wag lang niyang sirain ang araw ko.. At makita o matitigan ko mukha niya ng hindi niya malalaman.
At nangyari nga yon,dahil nasa harapan ako bilang seating arrangement namin at sya nasa bandang likuran sa gilid kaya madalas akong napapalingon sa kanya,hindi naman niya napapansin kasi nagsusulat sya,ewan ko lang kung napapansin na ako ng mga kamag-aral namin..
Minsan din isang araw,may umaway sa akin dahil sa tamad sa paglilinis ang isa naming kamag aral kaya inutusan ko sya ngunit inaway ako,nakarating ito kay Marco sa pamamagitan ni Dave.. ipinagtanggol ako ni Marco... grabe,kinilig ako dun..
A/N: yes!! Ginawa ko nga iyon yung inaraw araw ko syang tinitingnan ng hindi niya nalalaman ..at yes may umaway sa akin noon at ipinagtanggol nga niya ako.. Pero hindi dahil sa tamad namang kamag aral nakalimutan ko kung anong reason nun..
Ano ba yan todo explain si author haha 😂
Isang linggo ang nakalipas
Break time namin katatapos namin ni Fatima mag meryenda sa school canteen.. bumalik na kami sa classroom ngunit wala pa teacher namin..nakaupo ako sa isang tabi,pumasok na rin sa classroom si Marco at umupo sa isang upuan na nasa gilid ko na may dalawang upuan ang nasa gitna namin...
"Alam mo ba,break na daw sila ng gf niya sa kadahilanang pumasok sa isang fraternity si Marco" bulong ni Fatima sa akin
Pinagmasdan ko sya,nakatingala at nakapikit mga mata niya. At halatang malungkot sya..
"Lapitan mo kaya" utos ni Fatima sa akin
"Ha?ayaw ko nga,baka ano pa isipin ng iba nating kamag aral.. baka sabihin nila na susunggaban ko na sya agad ngayong alam ko nang break na sila ng gf niya! In short, lalandiin ko na sya..ayaw ko ng ganun" angal na sabi ko
"Kung sabagay tama ka" Fatima
A/N: mag-eexplain na naman ba ako hah!?? Hahaha oo na may moment nga na ganyan noon ang lungkot nga ni crush noon pero..ewan ko kung anong reason ng hiwalayan nila ng gf niya. Haha papunta na ba tayo sa mmk 😂
BINABASA MO ANG
My High School Crush
Novela JuvenilKahit pala taong kinaiinisan mo na ay pwede ring mahulog ang loob mo sa kanya. 'Yan ang takbo ng kwento nina Zyra at Marco. HIGHEST RANK #1 in teencrush as of June 15,2020 #13 in highschoolcrush as of June 18,2020