Chapter 12
Zyra's POV
Two years later, 18 years old na ako.
Nagkaboy friend na rin ako kahit papano..Nauso na din Facebook kaya gumawa na rin ako ng account ko.. halos nga batchmate namin sa high school ay in-add ko as a friend sa Facebook,pati nga si Marco eh.. Sa kabila ng ginawa niya sa akin noon sa text ay nagawa ko pa rin syang kaibiganin through fb... in-accept naman niya friend request ko pero nang macheck ko laman ng status niya in a relationship naman din sya.
Pero kahit pa pareho na kaming may jowa ngayon, hindi ko pa ring maiwasang tinitingnan mga pinopost niya sa Facebook.. Oo nasasaktan ako sa tuwing may nakikita akong picture nila ng gf niya na nakapost kahit pa may bf naman na ako aaminin ko may nararamdaman pa rin ako sa kanya,minsan pa nga napapanaginipan ko sya.
Makalipas pa ang dalawang taon,20 anyos na ako.. graduate na ako sa college,break na rin kami ng first bf ko dahil sa may iba sya.. Nakahanap agad ako ng trabaho at doon nakilala ko ang 2nd bf ko ngunit hindi nagtagal nagbreak din kami dahil sa long distance relationship..
Isang taon pa nakaraan,21 taon na ako nakahanap ulit ako ng bagong jowa ipinakilala sa akin ni Fatima ngunit hindi nagtagal nagbreak din kami dahil sa masyado kaming busy sa mga trabaho namin..
Samantalang ang gf ni Marco noon ay sya pa rin hanggang ngayon.. kaya naisip kong wag na lang icheck ang Facebook status niya.
Makalipas ang apat na buwan kaming magkakabatch sa high school ay nagkaroon ng reunion,ngunit hindi ako pumunta...
Dumaan pa ang tatlong taon 24 na ako.. muling nagkaroon ng high school reunion day.. at doon pumunta ako..
Gaganapin daw ito sa resto bar ng isa naming kamag-aral na hrm ang tinapos at nakapagpatayo ng resto bar kaya exclusive sa amin ang paggamit sa araw na ito
Habang nagkakatuwaan ang iba umupo ako sa isang tabi at nag-open ng Facebook..matapos akong iwan ni Fatima,biglang may lalaking lumapit sa akin.
"Hey,drinks?" Alok sa akin nung lalaki
Tiningnan ko sya "Ha!!ahmm.. Marco!?"nagulat ako nang malamang si Marco pala iyon.. Actually sabi kasi nung valedictorian namin nung 4th year high school kami ay hindi daw dadalo si Marco kaya nga ako dumalo dahil wala sya pero nagulat talaga akong narito sya.
"Salamat" sagot ko sabay kuha sa alak na iniabot niya tsaka ako umiwas ng tingin
Umupo sa tabi ko si Marco sabay tanong"kumusta ka na?hindi kita nakita noong unang reunion natin ah"saad niya sabay tingin sa basong hawak niya na may lamang alak
"Ah,ok lang.. busy kasi ako kaya hindi ako pumunta"paliwanag ko tsaka ako uminom ng konti sa alak na binigay sa akin
"Hmm,so kumusta naman love life niyo?"tanong ulit sa akin ni Marco hindi pa rin sya nakatingin sa akin,habang ako hindi rin nakatingin sa kanya pero sa peripheral vision ko kitang kita ko ang kagwapuhan niya kahit nakaside sya.
"Hmm,tatlong taon na akong single mula nang nagbreak kami ng bf ko" kwento ko sabay inom ulit sa alak
"Pareho lang pala tayo,1 year na rin akong single" kwento rin ni Marco at rinig ko ang pagbuntong hinga niya sabay inom din ng alak.
"Single!?" Medyo natuwa ako sa sinabi niya simpre di ko yun ipinahalata nu!?
"Oo,nalaman naming magkaaway pala ang pamilya namin at ang pamilya nila"malungkot na sabi ni Marco
Lumapit sa amin si Fatima
"Hey,tila namiss niyo ang isa't isa ah!? Why don't you try to join to us?? Tara let's party party!!" ano ba naman yan, ang ganda ng moment namin ehhh...hinila niya kami ni Marco....
Grabe ang saya ng gabing iyon...
After 1 week,chinat ako ni Marco sa Facebook
"Hi" -Marco
"Hi din" -ako
"Pwede ba tayong magkita bukas?malapit lang kasi dyan sa pinagtatrabahuhan mo yung meeting place ng manager namin,eh kasama ako.Pwede ba?" - Tanong ni Marco sa akin
"Ahmmm... sige!!see you!!" ayiehh kinikilig ako..
BINABASA MO ANG
My High School Crush
Teen FictionKahit pala taong kinaiinisan mo na ay pwede ring mahulog ang loob mo sa kanya. 'Yan ang takbo ng kwento nina Zyra at Marco. HIGHEST RANK #1 in teencrush as of June 15,2020 #13 in highschoolcrush as of June 18,2020