Chapter 6
Zyra's POV
Habang lumilipas ang mga araw at buwan,gumagaan na ang bawat araw ko dahil hindi na ako nababadtrip sa kanya.. Hanggang sa dumating ang buwan ng January ilang buwan na lang graduation day na namin at napag-uusapan na namin to ni Fatima,isang araw..
Sa school canteen
"Hay,salamat!!break time na..tara order na tayo ng kakainin natin" gutom na sabi ni Fatima sabay himas sa kanyang tiyan
"Sige,gutom na ako"agad kong sagot sa kanya
"Grabe ano?parang kailan lang nung first day natin dito sa paaralan bilang high school student.. ngayon ilang buwan na lang ang aantayin natin gagraduate na tayo.. Hashtag excited na ako maexperience ang college life..ahhhaay!!" Matuwang sambit ni Fatima habang patungo kami sa vacant table sa canteen
"True,kakaexcite nga!!" Masaya ko ding sabi
"Sana..parehong unibersidad ang papasukan natin kahit magkaiba ang kurso na kukunin natin basta iisang paaralan pa rin para nagkikita pa rin tayo" biglang lungkot na sabi ni Fatima
"Oo nga,at sana hindi natin magiging school mate si Marco baka kasi maulit yung nangyari sa first day of classes natin bilang estudyante sa paaralang ito... ayaw ko na talagang maulit yun" sabi ko tsaka ako huminga ng malalim
"Hmmp,oo nga!!speaking of...tignan mo!!tignan mo!!oh,si Marco!" Tinuro ni Fatima sa akin
Lumingon ako sa kinaroroonan ni Marco may kasamang babae,magkatabi silang kumakain.
"In fairness maganda yung gf niya.." bulong ni Fatima sa akin
"Ha? Gf??" Gulat kong sabi at humarap ako ulit kay Fatima,kailan pa yun nagkagf!?? Tssk..who cares!? Duhh
"Oo" sagot ni Fatima
"Pero.. teka mukhang ang bata!! Anong section sya?kabatch ba natin sya bilang 4th year student?" Taka kong tanong
"Hindi natin sya kabatch.. 3rd year student yan" diinang sagot ni Fatima
" Ha,3rd year student??" gulat kong tanong
"Oo" sagot ulit ni Fatima
"Kaya pala ang bata ng mukha..tssk,magjojowa na nga lang sa bata pa.. daming kaedad niya sa batch natin mula sa section 1 to 3 para ligawan niya.. bata pa pinatulan" inis kong sabi
"So,anong paki natin doon??isa pa dyan, that's what they called love.. age doesn 't matter,kahit hindi kayo magkaedad kung tatamaan ka sa kanya hindi mo to mapipigilan.. mamahalin mo pa rin siya" sagot ni Fatima
"Tssk,kalokohan"tugon ko
"Oh,baka naman gusto mong ikaw ang gf niya.'ahehe"biglang biro ni Fatima na ikinalaki ng mata ko
"Fatima!!wag ka nga dyan. Ni minsan hindi ko naiisip yan..uhhrgg" inis kong sabi
"I know right!!nagbibiro lang naman ako Zyra,we both know naman na sa dami ng atraso niya sayo imposible naman na maiinlove o magkakagusto ka sa kanya" yan ang gusto ko sa iyo Fatima, marunong kang mag-isip
"Ah basta next time wag mo na akong bibiruin ng ganun ha?busog na ako,tara na sa classroom.." wika ko sabay tayo na sa kinauupuan ko
BINABASA MO ANG
My High School Crush
Teen FictionKahit pala taong kinaiinisan mo na ay pwede ring mahulog ang loob mo sa kanya. 'Yan ang takbo ng kwento nina Zyra at Marco. HIGHEST RANK #1 in teencrush as of June 15,2020 #13 in highschoolcrush as of June 18,2020