Tristen's PoV"ikaw na talaga Thala! Grabe hindi pa rin ako maka-move on kanina" sabi ko.
Hindi talaga ako maka-move on. Kaya nagpapasalamat ako kay Thala kasi may pag-asa na ako!
"you need to move on, Tristen"
"hindi pa talaga ako maka-move on, it takes a decade for me to move on!"
"baliw!" sabi niya "ngayong break na sila. Ano ng gagawin mo?"
Napaisip ako "well, mag-ddamoves na ako" nangingiting sabi ko.
"mabuti yan. O sige, uwi na 'ko" paalam niya.
Tumayo na siya sa pagkakaupo sa bench. "ba't ang aga?"
"pinagod mo ko kanina" natatawang sabi niya.
Natawa ako "mamaya ka na umuwi" parang batang sabi ko.
"5 na o! Kailangan ko ng umuwi"
Napabusangot ako "okay, fine. Hatid na kita sa gate"
"hindi kaya ko--" naputol ang sasabihin ni Thala ng dumating na naman yung Sky.
"Hi Thala! Uuwi ka na?" sabi niya habang hingal na hingal sa kakatakbo.
Wow. Paanong naging close si Sky ng ganoon kabilis? Kung maka-Thala kasi.
Nagkatinginan na naman kami at binaling ang tingin kay Sky "oo. Bakit?"
"can I walk you home?"
Napanganga ako ng bahagya ng itanong yun ni Sky kay Thala. Napataas kilay si Thala. "ahm, huwag na. Okay lang ako"
"No. I insist" pangungulit niya.
Ay iba din ang isang 'to. May something eh.
"ha? Nako. Huwag na talaga. Okay lang" sabi ni Thala at isasabit na sana niya ang bag sa kanyang balikat ng hawak 'to ni Sky.
"ako ng magdadala"
Napataas kilay ako. Hmm. Anong nangyayari? Kanina pa ako clueless ha!
"ha? Hindi. Kaya ko naman. Hindi naman mabigat" sabi ni Thala.
"no. Ako na lang" sabi ni Sky.
"sure ka?" tanong naman ni Thala.
Jusme! Parang nanonood ako ng romantic movie!
"yes. Let's go?"
"o sige" sabi ni Thala. "una na kami Tristen" paalam ni Thala sakin.
Tumango na lang ako. Nang makalayo na sila. Inalog ko ng konti ang ulo ko. "totoo ba 'to?" sabi ko sa aking sarili.
"anong meron dun sa lalakeng yun?"
"ano bang nangyayari kay Sky Baraquiel?"
"may something kaya siya kay Thala Thimisha?"
Napatakip ako ng bibig "di kaya..." napatakip na naman ako "this can't be happening.."
-- -- --
To be continued...
BINABASA MO ANG
That Kind Of Girl (KissWard FanFiction)
FanfictionShe's beautiful... She's smart... She can play instruments... She can sing... She can dance... She's weird... She's adorable... She's funny... She's honest... She's friendly... but sometimes, She's weak... She's sad... She's hurt... She's taken for...