Tristen's PoV"Okay. Sabi mo eh, pero kapag sumulpot ulit si Sky lumayo ka agad. Okay? " sabi ko.
Tumango siya "oo. Lalayo talaga ako" sagot niya.
"Okay. O sige na. Magpahinga ka na. Alis na ako" paalam ko.
Ngumiti siya saka tumango "sige, ingat ka"
Napangiti ako sa sinabi niya "oo naman. Bye" sabi ko at nag-flying kiss sa kanya. Ganoon din siya.
Pagkababa ko sa hagdan nakita ko si Yaya at nagpaalam na rin sa kanya. Sinamahan niya ako palabas at pinagbuksan ng gate.
"Mag-iingat ka, Tristen"
"Sige po" sagot ko naman.
Naglakad na ako palayo ng bahay nila Thala. Hindi ko rin maisip kung paano naging ganoon ang pakikitungo ni Sky kay Thala. Sa pagkakaalam ko pangalan lang naman at bansag ang kilala ng lahat kay Thala eh.
Bakit ganoon na lang ka-close ang pakikitungo ni Sky kay Thala? Hindi kaya may intensyon si Sky kay Thala?
Kung may intensyon siya kailangan kausapin ko siya para tigilan na niya ang balak niyang gawin kay Thala.
Tumakbo ako papunta ng campus para sugurin si Sky. Kailangan ko siyang pagsabihan dahil ayoko ng ma-attach pang muli si Thala sa mga lalake.
Nang makarating na ako sa campus sakto namang nakita ko ang lalakeng may balak gawin sa kaibigan ko.
Naglakad ako papunta sa direksyon niya "hoy Sky!" Pasigaw kong sabi.
Napalingon naman siya at nagulat ng makita ako "Ikaw yung kaibigan ni Thala, di ba?"
"Oo at nandito ako para pagbawalan kang lumapit ng kahit isang metro kay Thala"
"Ha? Bakit naman? Hindi ko naman siya sasaktan ah"
Natawa naman ako "eh kasi, hindi ka naman ganoon kakilala ni Thala. So please, don't get near to her or else.." At binigyan ko siya ng isang death glare at umalis na sa harapan nila.
Mas mabuti ng balaan siya kesa magsisi na naman ulit sa huli si Thala.
--
Gian's PoV
"Grabe! Kung hindi siguro yun babae malamang mapapagkamalan ko yung boyfriend ni Thala. Iba kasi ang kinikilos niya eh. Pang-boyfriend material ang asta ng babaeng yun" sabi ko kay Sky.
Natawa siya "yeah. She's acting like a boyfriend of Thala. Tsk tsk" sabay iling niya.
"Baka tomboy yun kaya ganoon ang kinikilos niya" natatawang sabi ko.
Pinalo naman niya ako sa braso "grabe ka. She's too beautiful to be a lesbian"
Napataas kilay ako "hoy, mas gwapong tignan ang mga tomboy na katulad nung babae. Dinaig pa nga yung mga tulad natin eh"
"Well, mas gwapo ako dun kung magiging lalake siya and I promise to myself that I will let Thala fall in love with me" sabay ngiti nito.
"Woah! Yabang ah! O sige, gwapo ka na. Eh, ang tanong ma-in love nga ba siya sayo kung pinagbawalan ka na nung babae na lumapit kay Thala?"
Napakagat labi siya "hm, I'll find a way to get near to her" sabay ngiti nito.
"Hm. Sabi mo eh" tinapik ko ang balikat niya "goodluck Sky" sabi ko at iniwan na lang siya sa kinatatayuan niya.
--
Sky's PoV
Iniwan lang ako dito ni Gian na mag-isa. Iba din kasi yun eh. Palaging nang-iiwan sa ere. Palibhasa magaling siyang magpa-in love ng babae eh. Ako, hindi pa masyado. Minsan nga isang buwan bago ma-in love yung naka-assign sakin, yun yung pinakamatagal talaga at itong kay Thala ang pinaka-maikling araw para mapaibig ko siya.
Mahirap pero kakayanin ko.
I will make the queen of bitterness fall in love with me and believe in love again.
- - - -To be continued...
BINABASA MO ANG
That Kind Of Girl (KissWard FanFiction)
FanfictionShe's beautiful... She's smart... She can play instruments... She can sing... She can dance... She's weird... She's adorable... She's funny... She's honest... She's friendly... but sometimes, She's weak... She's sad... She's hurt... She's taken for...