CLAY's POV
I fell in love with the most unexpected person at the most unexpected time..
At first, I don't know how? when? and where? Basta ang alam ko, pag gising ko nalang ng umaga mukha niya agad ang na-iimagine ko. And I always want to see her smile everyday. Gusto ko lagi ko siyang napapasaya, kahit sa mga korny na jokes ko. Okay na yun, ang mahalaga napapatawa ko siya. Ang sarap sa pakiramdam.. nakaka-bakla pre!
"Bro, ang sweet talaga ng girlfriend ko. Napaka effort haha." he said.
He's Justine Smith, my bestfriend's boyfriend. Yes, may boyfriend siya and worst kaibigan ko pa.
"Tss, I don't care. Meron din akong ganyan.". Sagot ko.
"Sus, sino? si Sarah? or may iba pa? haha.". Sinamaan ko siya ng tingin.
Sarah Santos, she's my girlfriend. She's also my bestfriend's cousin. See? It's so conplicated.
"What do you think of me? babaero kagaya mo?". He chuckled.
"Lul! loyal ako kay Sadie." Nagpoker face nalang ako.
"Sabi mo e. Ano palang ginagawa mo dito?". I asked.
"Nothing, gusto lang kita inggitin haha! Bye bro!". sinuntok niya ng mahina yung balikat ko at tumakbo na papaalis habang tumatawa.
Psh, As if maiinggit ako. Aish! oo na nakakainggit na! Badtrip yung pandak na yon. Kung di niya ko inunahan kay Sadie edi sana ako yung nang iinggit sa kanya ngayon. Tsk.
Pumasok nalang ako sa kwarto at nagbabalak sana matulog nang biglang tumunog ang phone ko..
Kuya calling..
Nireject ko yung call. Isa pa 'to! Sigurado namang mangbibwisit lang yan. Wala namang matinong sasabihin, para si Justine lang. Dapat sila nalang magkapatid tutal mahilig silang mangbwisit. Tsk.
Ipipikit ko na sana yung mata ko nang mag ring na naman ito.. di ko na tiningnan kung sino tumatawag alam ko naman si kuya lang 'to.
"Ano ba kuya napaka aba---". Naputol yung sasabihin ko nang may marinig akong umiiyak sa kabilang phone.
"K-kid.. I..I need you h-here..". Napakunot ang noo sa narinig ko. Sh*t! Si Kid pala 'to. And wait..
"Kid! I'm sorry, akala ko si kuya. Wait! Are you crying?". Kunot noo kong tanong. Narinig ko ang pagsinghot niya.
"Hey! Where are you? pupuntahan kita.". I asked.
"Sa tree h-house kid.".
"Okay, wait me there. I'll hang up bye.".
Dali dali akong nagbihis ng shirt at lumabas ng bahay. Walking distance lang naman kung nasaan siya kaya madali akong nakarating. Tree house, tinayo naming dalawa yun nung wala kaming magawang dalawa. Para na din may tinatamabayan kaming dalawa.
Pagdating ko, umakyat agad ako sa taas. Nakita kong naka-upo siya, nakadukdok sa dalawang tuhod niya. I hate seeing her like this. Nasasaktan ako.
"Kid, why?". Inangat niya ang mukha niya na basang basa na ng luha. Namumula na din ang ilong at mukha niya. Siguro kanina pa 'to dito.
Nagulat ako sa biglang pagyakap niya sakin. Naramdaman kong lumakas ang kabig ng dibdib ko. Iyak lang siya ng iyak at hindi nag sasalita.
"I knew it. Si Justine na naman ba?". Hindi siya sumagot. Inalis ko ang pagyakap niya sakin at pinunasan ang luha niya.
Pinaka iingat-ingatan ko 'tong babaeng nasa harapan ko, tapos papaiyakin lang niya? Hindi ba niya alam na nahihirapan ang kid ko sakanya? Kung hindi ko lang siya kaibigan, nabasag ko na mukha non.
"Wag ka ng umiyak, alam mong ayokong nakikitang umiiyak ka. Ano bang problema? Nag away na naman kayo?". Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.
"Sorry..ang moody niya kasi. sinusungitan na naman niya ko. Wala naman akong ginagawang masama.". Parang batang sumbong niya.
That bastard! Kung ipagmalaki niya kanina sakin yung girlfriend niya wagas. Tapos malaman laman ko inaway na naman niya? Ilang minuto palang yun ha!
"Alam mo, hiwalayan no na 'yang pandak na yan. Lagi kang pinapaiyak!". Bigla naman niya kong sinamaan ng tingin.
"Kid naman, alam mo namang hindi pwede.". Umiwas siya ng tingin.
"At bakit hindi pwede?".Tumingin na ulit siya ng diretso sakin.
"Mahal ko yung kaibigan mo kahit ganon yun. Tsaka alam mong hindi ko kaya kapag nawala siya.". Seryoso niyang sabi. Bigla naman akong nakaramdan ng kirot sa dibdib ko.
Kailangan bang ipamukha na mahal na mahal niya yung pandak na yon? Hindi ba niya alam na nasasaktan ako..
"Wala namang kwenta yon! Hindi ka dapat niya pinapaiyak. Sige nga, ilang beses ka na ba niya pinaiyak?". Natahimik naman siya sa sinabi ko.
"See? hindi mo mabilang sa dami na.". Napangiwi siya.
"Makapag-salita ka naman kid! Kaibigan mo yon!".
"Kahit pa kaibigan ko yon, hindi ko itotolerate 'yang kagaguhan niya. Nagpapakatanga ka na naman Sadie.". Napakunot ang noo niya.
"Ang sakit mo naman magsalita..". bigla naman akong nakonsensya.
Natahimik kami parehas, kapag pinagsasabihan ko siya. Hindi naman siya nakikinig, kaya para non sense lang din yung advice ko. Pinamumukha niya masyado sakin na si Justine talaga.
Tch, di ko kaya na mag kaaway kaming dalawa dahil lang sa pandak na yon!
"Sorry kid, alam ko na para di ka na magalit sakin. Ititreat kita ng streetfoods, okay ba?". Kinindatan ko siya, bigla naman siyang napangiti. See? the magic word 'TREAT'.
"Kay fine! Let's go, sisiguraduhin kong mauubos ang pera mo sakin!". Tumawa naman ako.
Lumakas na naman ang kabig ng dibdib ko nang hawakan niya ko sa kamay. Sana, palagi ko nalang hawak ang kamay mo. At hinding hindi ko na 'to bibitawan..
-
Author's note: sorry kung maikli hehe!
_BlackShadii
BINABASA MO ANG
Lucky, I'm in love with YOU
Teen FictionYOU are MY dearest FRIEND, MY deepest LOVE, YOU are the BEST of ME.. 💕