Two

8 0 0
                                    

SARAH's POV



Kanina ko pa hinahanap ang magaling kong boyfriend, pinuntahan ko na sa kanila wala din. Saan naman kaya nagsu-suot yon? Pinapahirapan na naman ako maghanap, kapag talaga nakita kita Clay humanda ka sakin! Ang sakit na kaya ng paa ko huhu.


Habang nagma-mind talk ako hindi ko namalayan na may nabunggo ako.



"Shaks! Sorry kuy-- Justine?!". Napakunot naman noo niya. Aish, napaka sungit talaga nitong isang 'to.


"Sorry din.". tipid na sagot niya, kaiyak. Haha!


"Saan ka pala pupunta? Ay wait, nakita mo ba si Clay?". tinitigan naman niya na parang sinasabing 'mukha ba kong hanapan ng taong nawawala?'.


"Nope, si Sadie nakita mo?". Tanong niya.


"Hindi din, bakit? nag away na naman kayo 'no?". Inirapan niya lang ako. Aba! bakla na 'to iirapan pa ko.


"Nevermind. I have to go.".Paalis na sana siya ng pigilan ko.


"Wait!". Huminto siya sa paglalakad at tumingin sakin. Bored look? K.fine!


"Baka magkasama yung dalawa. Bestfriends sila remember?". Nakangiti kong sabi.


Biglang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Kelan ko kaya makikitang nakangiti ang isang 'to? Napaka suplado. Paano kaya nataagalan ng pinsan ko yung pagkasuplado niya?


"Sarah? Hindi ka ba nagseselos kapag magkasama yung dalawa na yon?". Napakunot noo ako.



"Why? I mean bakit ako magseselos? Magkaibigan sila, at wala naman dapat ikaselos don. Tsaka may tiwala naman ako sa kanila. Bakit, ikaw ba?". I asked him.



Wala naman talaga kong dapat na ikaselos diba? Oo nga close sila, pero kaya sila close kasi may friendship sila. At hindi ko naman pwedeng hadlangan yon. And besides, pinsan ko naman si Sadie. Parehas na may tiwala ako sa kanila.



"Nothing. Natanong ko lang, I really need to go. Thank you.". Sabi niya at tumalikod na.



"Weird.". bulong ko.



Naglakad na ko pauwi dahil napapagod na ko. Mamaya ko nalang ulit hahanapin si Clay, sigurado naman pupunta dito yun mamaya. Bakit nga ba kasi masyado akong excited? Sorry na. Namimiss ko na kasi e.


Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa room ko at matutulog muna. Hay.. I'm so tired.





-
CLAY's POV


Nandito kami ngayon sa park kumakain ng streetfoods. Talagang balak niya ubusin yung pera ko, lahat kasi ng tinda nung Ale na iba iba binili niya. Napakatakaw talaga ng kid ko!


"Kid, di kaya ma-impatcho ka niyan? Ang dami mong binili, sure ka bang mauubos mo yan?". Manghang tanong ko. Bigla siyang tumawa.


"Asa ka namang ako lang kakain nito! Syempre tutulungan mo ko 'no. Haha!". Bigla akong napangiwi sa sinabi niya.


"Pero hindi ako kumakain nung iba mong binili. Ikaw nalang, kaya mo na yan kapag hindi mo naubos i-take out nalang natin.". Sinamaan niya ko ng tingin.


"Eeeh! basta kakain ka nito sa ayaw at sa gusto mo!". Parang batang sabi niya. Napa-smile nalang ako.



"Kid, try mo 'tong kwek kwek masrap promiseee!". Sabi niya habang inilalapit sakin yung kwek kwek na nakatusok sa stick. Napatayo naman ako sa upuan ko.


"K-kid, ano wag naman yan please.". Pagmamakaawa ko. Pano naman! Hindi ako kumakain ng kwek kwek!


"Dali na kiiid! Try mo lang kapag di mo tinry hindi kita papansinin ng 1week.". Ngisi niyang sabi. Aba't tinakot pa ko!


"Iba nalang kid kasi, wag ka ng makulit dali na.". Sabi ko habang nakatitig sa kwek kwek. Bigla siyang lumapit sakin, yung malapit na malapit.



"Ayaw mo ha.".



"OUCH! Asdfhjkl!". Nanlaki yung mata ko sa ginawa niya. Damn! naisahan niya ko dun. Ang sakit.



"Hahahahaahaaha! pfft, ang pangit mo kid hahahaha. Ilunok mo yan!". Sabi niya habang tumatawa.



Napapaiyak na ko habang nilulunok yung kwek kwek na nasa bibig ko. Nasasamid pa ko nung una pero binigyan naman niya ko ng tubig at tawa pa din ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin oagkalunok ko sa kwek kwek.



"Napaka bully mo! Gusto mo pala ng ganyanan ha.". Nag smirk ako at unti unting lumapit sa kanya. Halatang kinakabahan na siya at napansin kong namumula din siya. Hahaha!



"A-ano,.. k-kid so..sorry na..". Pagmamakaawa niya. Ngumisi ako sa sinabi niya, hahakbang pa sana ko nang biglang may sumigaw..



"Sadie!". Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng sigaw.



"J-justine..". Dinig kong sabi niya. Bigla akong nawala sa mood nang marinig ang pangalan niya.



Papalapit na siya samin at unti unting napabitaw sa braso ko si Sadie.

Ganon ba lagi? Kapag nandyan na yung mahal niya, bibitawan nalang niya agad yung taong nag comfort sa kanya?


"Kanina pa kita hinahanap, nandyan ka lang pala.". Sabi niya habang papalapit kay kid.


"S-sorry.. di ko naman alam na hinahanap mo ko.".



"Let's go, we need to talk. Bro una na kami.". Tumango nalang ako bilang sagot.



Bago sila tuluyang umalis, tumungin muna sakin si Sadie. Tumango nalang din ako sa kanya, at tumalikod na sila. Tunalikod na din ako dahil di ko na matiis na tingnan silang mag kasama. Hanggang kailan kaya ako ganito? Hanggang kailan ko itatago yung feelings ko sayo? Hanggang kailan mo ko sasaktan?



One of the hardest things to deal with is being secretly in love with your bestfriend..








_BlackShadii

Lucky, I'm in love with YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon