Chapter 10 (END)

14.3K 374 47
                                    




One year later...

"'CAUSE if you liked it then you should have put a ring on it. If you like it then you should have put a ring on it. Don't be mad once you see that he won it. If you like then you should have put a ring on it. Hoh oh oh..."

            Sinabayan ni Shenise ang mga estudyante niya sa pagsayaw bilang panghuling rehearsals nila sa umagang iyon. Lalaban muli ang mga ito sa sayawan katulad ng ginawa ng mga ito noong isang taon. Kailangan i-defend ng mga ito ang titulo bilang defending champion.

            "Alis na po kami, Ate Shenise. Magpe-prepare pa po kami para mamayang gabi," ani ni Aliyah habang bitbit nito ang sling bag na lalagyan ng pampalit nito.

            "Sige. Ingat kayo ha? Magpahinga muna kayo para mamaya, babanatan natin sila ng bonggang-bongga!" masayang sabi niya sa mga bata.

            Naging malungkot ang nakaraang taon niya. At plano niyang ibaon ang mga bagay na hindi na dapat alalahanin. Matagal-tagal din bago siya tuluyang nakapag-move on kay Lynd. Isang buong taon siya umasang babalik ito pero hangin lang at oras ang tanging dumaan sa buhay niya.

            Pagkaalis ng mga bata ay tumungo siya sa opisina ni Sugar. Blooming na itong kaibigan niya dahil malapit na itong ikasal sa childhood sweetheart nito na si Mico. Masaya siya para sa kaibigan dahil pagkatapos ng ilang taong paghahanap nito ng tamang lalaki ay sa first love din pala nito ito mapupunta.

            Mahina niyang kinatok ang nakabukas nang pinto ni Sugar. "Soon-to-be-Mrs. Dela Cruz?"

            Tumingin ito sa kanya bago humagihik. "Ano iyon?"

            "Lalabas muna ako para bumili ng makakain. I'm starving."

            Ibinaba nito ang hawak na ballpen at sumadal sa upuan nito. "Alam mo, nag-aalala ako sa'yo. Hindi ka naman buntis pero kung kumain ka, parang pang dalawang tao na. Hindi kaya napag-tripan ka ng diyablo?"

            "Sira! Gutumin lang talaga ako. Para namang ngayon mo lang nalaman na matakaw ako."

            Lumabi ito. "That's why I envy you. Masyadong mabilis ang metabolism mo kaya hindi ka tumataba. You can eat anything you want."

            "Bruha! Tingnan natin kung maging conscious ka pa sa figure mo kapag nabuntis ka na ni Mico-kulot."

            Napatili siya nang may gumulo sa buhok niya. "Sinong kulot ha?"

            "Aray! Ano ba Mico?! Masakit! Leche ka talaga."

            Linubayan na siya nito nang sinitsitan ito ni Sugar. Naging close sila nitong si Mico dahil pareho silang makulit. Ngunit minsan ay napagseselosan siya ni Sugar.

            "How's my bride-to-be?" ani Mico bago dinampian ng halik ang mga labi ni Sugar.

            She rolled her eyes. "Urgh! Mang-inggit pa kayo. Alis na nga ako. Baka mamaya ay maging straight pa ang buhok niyang maggiging asawa mo kapag nanatili ako ritong inaabala ang paglalabing-labing niyo." Tumalikod na siya at nag-umpisang maglakad palayo.

            "Search the word 'date' in the dictionary, lady!" narinig niyang sigaw ni Mico.

            "Whatever. Adios mi amigos!" Kumaway siya nang hindi lumilingon sa mga ito habang naglalakad palayo.

            Nakasanayan na niyang magliwaliw mag-isa simula nang maging si Sugar at Mico. Hatid-sundo na kasi si Sugar nitong si Mico kada uwian nila. So it just left her, and the dusty streets of Manila.

Race Me to Your Heart (as published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon