Chapter 1

20.6K 334 23
                                    


NAG-UUNAHAN ang Bugatti Veyron ni Lynd, ang Reventon Lamborghini ni Ethan at ang Ferrari Enzo ni Enzo sa kalsada ng subdivision nila.

Lyn and his two older cousins had a bet. Kung sino ang mananalo, he would have Elisa, their latest victim. Normal lang sa kanila ang paglaruan ang babae. For them, girls were just a means of entertainment to pass the time and nothing more.

Kakauwi lang nilang tatlo mula sa US. They studied college there and waited for each other to graduate from their respective courses bago nagdesisyon na umuwi rito. He was the last one to graduate. 

Malapit siya kina Enzo at Ethan. Ever since they were young, lagi na silang magkakasamang tatlo. Magkasama sa parties, dinners, at siyempre, sa pambababae. 

"I win!" sigaw ni Ethan pagkalabas nito ng kotse. Ito ang nanalo sa race.

Ethan was a Business Management graduate. He was twenty-five and was only single when the women are hot. Na-busted ng tatlong taong niligawan na bebot kaya 'eto, napadpad sa Playboy Ville. Ito ang pinaka-play boy sa kanilang magpi-pinsan dahil may time limit kung makipag-halikan at may expiration date ang bawat babaeng dini-date.

"You cheated, you twerp!" reklamo naman ni Enzo nang maabutan na nito si Ethan.

Enzo was a chef. Hindi man halata sa mukha nito ay magaling itong magluto. At twenty-seven, he was the oldest of them three. Relationship status? Always single when you're available. Ito naman ang pinaka-expert sa kanilang magpi-pinsan sa Playing with Women 101. Na-master na nito ang bawat move na kailangang gawin sa pagpapaamo ng babae.

"Enough, you two," wika naman ni Lynd. Binalingan niya si Ethan. "Go have her yourself, Ethan." Sinadya niyang magpahuli sa race. Wala naman kasi talaga siyang interes sa Elisa na iyon. She's too horny for him.

He also studied business management pero ibang university and pinasukan niya sa university na pinasukan ni Ethan. He was twenty-two. Relationship status? Single whenever you want him. He was born into a family of playboys kaya hindi na nakakagulat na na-adapt niya ang ugaling iyon. However, compare to those other two, siya ang pinaka-tame sa pambababae.

Siya ang pinaka lapitin ng babae sa kanilang tatlo. Tumayo lang siya sa isang sulok ng bar ay hindi siya makakauwi nang walang girlfriend. But just like his cousins, women were just his toys.

"He cheated, Lynd! Hindi ako papayag n'on," dagdag pa ni Enzo.

"Hey! I won fair and square. Hindi ko na kasalanan na may tumawid na aso 'no," katwiran naman ni Ethan.

Hindi na lamang niya pinansin ang dalawang pinsan. Pinuntahan niya ang kotse ni Enzo dahil napansin kaagad niya na sumayad ito sa pader kanina. Nakakita siya ng mahabang gasgas sa may gilid ng bumper nito.

"You've got a nasty scratch on your car, 'Zo," aniya kay Enzo.

Agad naman nitong pinuntahan ang Ferari nito para tingnan ang gasgas. "Oh hell! I lost the race and now I've got this nasty scratch on my car! So much for the welcome gift here in the Phil."

"I though you don't like this car? 'Tapos ngayon pinag-iinitan mo ng ulo," ani Ethan na parang gusto pang asarin si Enzo.

Bumuntong-hininga na lamang ito. "I guess I just have to replace it with a more modern one. It's not too expensive anyway."

Kung ikukumpara ang kotse nito sa kotse nila ni Ethan ay mas mura ito. Binili lang naman kasi ni Enzo ang kotseng iyon dahil sa pangalan—Ferrari Enzo.

Race Me to Your Heart (as published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon