Chapter 6

10.2K 236 13
                                    

"MAINTAIN the poise ladies!" paalala ni Shenise sa mga juniors na tinuturuan niya ng cotillion. Iba ito sa tinuruan niya ilang linggo na ang nakakalipas. Tatlong araw pa lamang niyang tinuturuan ang mga ito kaya may mga steps pa siyang kailangang ituro.

            "Straighten your back, Leslie," aniya sa isang babae na nagsilbing leader.

"Pa'no naman matuto ng tamang steppings iyang mga estudyante mo kung hindi mo ipinapakita sa kanila 'yong tamang galaw nang may partner," sabat ni Lynd na biglang sumulpot. Naksandal ito sa pinto.

"Wala po kasi siyang partner, sir," ani ng isang lalaki mula sa mga sumasayaw.

"Puwede niyo po ba siyang partneran? Nahihirapan po kasi kaming sundin iyong steps eh," dagdag pa ng isa sa mga ito.

"By popular demand, susundin ko kayo," mayabang nitong wika. Naglakad ito patungo sa kanya.

Mukhang wala na siyang magagawa kundi ang makipag-sayaw sa walang-hiyang iyon. Dahil kung mag-inarte pa siya at pumalpak ang JS ng mga batang iyon, bye-bye trabaho!

Nang makarating ito sa harap niya ay yumuko ito at inilahad ang kamay sa kanya. "Can I have this dance?"

Sabay-sabay namang nag-"uuuyy!" ang mga estudyante niya.

Tinanggap niya ang kamay nito. "Follow our lead, okay?" aniya sa mga estudyante. At sabay-sabay namang nag-"Yes Ma'am" ang mga ito.

Inilagay nito ang kamay nito sa bewang niya at hinila siya. Saka nito hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Marunong ka bang mag-waltz?" bulong niya rito.

Ngumisi lang ito. "Kaya nga nandito ka 'di ba? Tuturuan mo ako?"

Napasinghap siya. "Hindi ka marunong magsayaw?"

"The music is on, wala nang atrasan," anito tsaka nagsimula nang isayaw siya.

            He was a graceful dancer. Hindi totoo ang pagpapakipot nito na hindi ito marunong magsayaw. Mukha ngang praktisado ito. Ni minsan ay hindi nito natapakan ang mga paa niya.

            Infairness, may talent sumayaw 'tong mokong na ito.

            She felt her body stiffening as he dance her with so much care. Para siyang nasa cloud nine habang kasayaw ito.

            Weird.

            Kahit kailan ay hindi pa siya na-tense sa gitna ng dance floor. The dance floor is her property. Pero bakit sa sitwasyon ngayon ay parang hindi na niya ito pag-aari kundi kay Lynd na? Parang nakikisabay lang siya sa agos ng katawan nito.

            She is the dancing queen. Ngunit alam niyang hindi tamang kinakabahan siya sa pakikipag-sayaw sa lalaking ito. Why is there the sudden thumping inside her heart? Hindi man nito maramdaman ang malakas ng pagtibok ng puso niya, siya naman ang nangangatog sa sobrang kaba dahil sa magkadikit nilang katawan.

            His clothing might be thick but she could feel the warmth of his body. Kahit kailan ay hindi sumagi sa kanyang balintataw ang pakiramdam ng mahagkan ng isang lalaki. She felt guilty because it felt damn good!

            Nang matapos niyang ituro ang mga steps sa mga estudyante ay nagpaalam ang mga ito. Baka daw kasi makaistorbo ang mga ito sa kanila ni Lynd. Hindi na lamang niyang pinansin ang mga asar ng mga ito.

            Nagpaalam muna siya kay Lynd dahil kailangan niya kunin ang sweldo niya kay Sugar. Monthly siyang nakakatanggap ng sweldo mula rito. Minsan pa nga ay may bonus pa siya dahil mas naggiging sikat na ang dance studio nila. Nagpa-advertise din kasi si Sugar sa T.V tungkol sa summer classes sa pagsasayaw.

Race Me to Your Heart (as published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon