Chapter 2

0 0 0
                                    

Riley's POV

    Nagising ako sa ingay ng mga tao sa baba. 9am na naman at umalis na sila mommy probably. I tried to sleep again, pero ang lakas talaga ng tawanan sa baba. Antok pa ako pero parang ang saya kaya bumagon na ako tsaka ko narealize bumangon na din pala si Lara at bumaba na.

    Bumaba na din ako ng hindi pa nagsusuklay at nagbrabra dahil hindi naman halata (hindi ako flat, makapal lang talaga tshirt ko dahil malamig sa kwarto!). Bahala sila, hahanapin ko lang naman si Lara.

"Good morning, sleeping beauty!" Sigaw ng isang lalaki. Pagkalingon ko. . .

"Shet! Pota!" Dalian ako umakyat at pumasok sa kwarto. MGA KAIBIGAN NI KUYA JAN NANDITO! KAYA NANDITO SI PAOLO, KASAMA NIYA SI PAOLO!!

Si Paolo lang naman ang magaling kong ex MU! Well actually hindi naman naging kami talaga, hindi nagkaaminan basta dati palagi kami magkasama hanggang sa hindi ba ako pumupunta sakanila at hindi na siya gaano lumalabas. Baka assuming lang ako oo pero KAHIT NA ITS PAOLO AND HE IS MY OLD CRUSH!

"HAHAHAHAHA ang epic mo kanina!" Biglang pasok ni Lara na ngayon naka higa na sa sahig sa kakatawa.

"Bat' ang aga aga naman kasi ng mga tao pumunta dito?! Loko, nakakahiya!" Sabay pasok sa cr at naligo nalang.

After taking a bath and preparing, bumaba na ako hoping na wala na sila lalo na yang Paolo na yan!

   YES!!! Pagkababa ko wala na nga sila. Pumunta ako sa dining room para tulungan sila Lara at mga katulong magprepare for breakfast. Ako nagtimpla ng milo and milk, hindi kasi ako marunong magluto.

Habang nagtitimpla ako isa-isa nilabas ang pagkain. Ba't parang ang dami?

"Teh May, 'bat ang daming ulam?" Tanong ko

"Madami kakain eh." sabay lakad palayo. Weh may bisita pa? Eh wala na naman sila. Nag cr muna ako dahil natatae ako.

Potek. Pagkalabas ko ng cr ANG DAMING TAE SA DINING ROOM!

Humay. Nandito pa barkada ni kuya Jan. Buti nalang fresh na ako.. pero still SI PAOLO NANDITO EH! And there's only one freaking vacant seat and ITS A SEAT NEAR HIM! Pang 10 na tao kasi table namin, kaya kasya lahat. Umupo ako sa only vacant seat and Pao is on the left in front of me. Pagkatingin ko sa pinsan kong kupal, nakangisi sakin na pinipigilan ang tawa. Sinadya niya at a toh badtrepzz.

Ang tahimik. Halos lahat naka tingin sa akin. Ano Ba Yan.

"Ri, Lara, gusto niyo ba sumama sa amin mamaya?" Tanong ni kuya Jan sa amin.

"Sure gora kami!"
"No thanks." we said in unison, and of course, ako ang nag no.

"KJ mo Riles, buti pa si Lara, noh Lara?" sabay nag offer ng high five si Justin pero like always tinatanggihan ni Lara.

"Teka, saan ba muna?" tanong ni Lara

"Food Park." matipid na sagot ni Paolo. Tas nagkaawkward silence. Paminsan minsan lang kasi si Paolo nagsasalita 'pag magkakasama kami, pati din ako.

"Ano sama na kayo? Uyyy sasama na yan si Riley!" sabi ni Nathan sakin in the tone ng nangtutukso.

"Ayoko. Tataba lang ako. Geh excuse me." tumayo ako at umalis dun. Lumabas ako ng bahay. Aalis nalang ako sa bahay kesa sa pilitin pa nila ako sumama sa lakad na kasama si Paul. ANG AWKARD KASI! At tataba lang ako!

Lara's POV

"Ang KJ naman talaga ng pinsan mo! Nakaka loka siya!" sabi ni Isaiah

"Dissapointed ka lang dahil hindi mo makakasama si Riley!" tukso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon