First and greatest love (One shot)

64 3 3
                                    

Have you ever fall in love?

Or thought you are in love?

O isa ka sa mga taong takot magmahal? 

Bakit nga ba maraming taong gustong magmahal at mahalin ngunit ayaw masaktan?

Love is not just a feeling. Sabi nga ng ilan "love may either make or break you." Ngunit paano mo nga ba masasabi na ikaw ay nagmamahal?

Masasabi mo bang in love ka na kung sa tuwing makikita mo sya ay nawawala ka sa sarili mo?

O kaya kapag  binabanggit pa lang ang pangalan nya ay napapangiti ka na?

Yun ba yung kapag nagsalita sya ay hindi mo na kailangan lumingon dahil alam mong sya ang nagsalita?

O kaya kapag malungkot sya ay mas nalulungkot ka pa sakanya?

The answer is a big YES. Oo, mahal mo nga sya kung nakikita mo palang sya eh hindi ka na mapakali. Yung kahit na alam mong wala naman syang ginagawang special binibigyan mo na ng meaning. Binabanggit pa lang ng teacher mo yung pangalan nya, halos ikaw na ang sumagot para sa kanya. Yung kapag tinawag nya yung pangalan mo, kunwari titingin ka para malaman kung sino tumatawag sayo, pero sa totoo lang, alam mong sya yun. At kapag malungkot sya, halos ikaw na ang umiyak para sakanya o di kaya gusto mo na nandyan ka sa tabi nya para i-comfort sya.

Pero yan lang ba ang basehan ng pagmamahal? Dapat ba sa love lagi kang masaya?

Kasi kung yan nga ang tunay na nagmamahal, masasabi natin na marami ng tao ang nagmahal. 

Pero hindi. Hindi sa lahat ng pagkakataon, masarap magmahal. Karamihan sa mga taong nagmahal ay nasaktan, nabigo, umiyak at pagkatapos ay natakot ng magmahal. 

Kaya marami ang nagsasabing takot o ayaw na nilang magmahal. It is because of a person's first and greatest love.

But are you going to stop loving someone else just because your first and greatest love is a failure? Are you not going to take a risk of being hurt again just to find the right person for you? Paano kung kaya hindi naging perfect ang first and greatest love mo ay dahil may ibang taong nakalaan para sayo ngunit hindi mo ito nakita dahil masyado kang nagfocus sa isang taong hindi kayang ibalik ang pagmamahal mo? 

Love is an experience and we learn from our experiences. Maaaring nasaktan ka nga pero hindi ibig sabihin nun ay dapat mo ng itigil ang buhay mo. Sa sakit tayo mas natututo. Kung hindi ka masasaktan, paano ka matututong maging matapang upang harapin ang iba pang hamon ng buhay mo?

Alam natin na mahirap kalimutan kung ano ang nakasanayan. Minsan kaya nahihirapan ang taong magmove on dahil nakasanayan na nilang mahalin ang isang tao. Ngunit kailangan natin itong gawin upang makilala pa natin ang sarili natin.

Ngunit, kapag dumating ang oras na nakalimutan natin ang first and greatest love natin, dapat ay magpasalamat tayo sa taong ito dahil kung hindi dahil sakanya ay hindi ka magiging mas matapang at hindi mo makikita ang realidad ng buhay.

Sabi ng iba "First love never dies."

Hindi ako naniniwala dito.

Pero totoo na....

kahit anong gawin mo, kung tunay ang pagmamahal mo sa isang tao, hindi mawawala ang care mo sa kanya dahil mahalaga sya sayo at hindi na magbabago yun.  

Masasabi kong TUNAY na nagmahal ang isang tao

kung natutunan na nya ang salitang.

SAKRIPISYO.

Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao....

Kaya mong ibigay sakanya ang lahat

Kahit ikaw ay masaktan

Maging masaya lang sya.

At dito ko nalaman na...

Ako ay NAGMAHAL. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First and greatest love (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon