II

47 4 1
                                    

Isang araw ay nag group study kami sa bahay nila Ara, nalalapit na kasi ang mga exams at tambak na din ang projects namin. Graduating na kasi kaya sobrang hirap ng mga pinapagawa ng mga prof. Pinahihirapan talaga kaming mga estudyante.

Kakapasok ko lang sa receiving area nila ng madatnan ko si kuya na nakaupong mag-isa, nanunuod ng tv at naka-topless pa. Nag-alburuto agad ang mga paru-paro sa tiyan ko. Ilang beses ko ng nakita ang abs niya, pero ngayon lang ako naapektuhan ng ganito.

Tumalikod agad ako kahit pa nakita na niya ako. Lumapit siya sa akin at ginulo gulo ang buhok ko.

“Kuya naman eh!” reklamo ko sabay hampas sa braso niya. Nakagawian ko na yun. Hindi chansing or anything, reflex na lang yun ng katawan ko.

“Kuya na naman? E dalawang taon lang tanda ko sayo a! Ikaw talaga!” Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko, na syang dahilan nang pamumula nito. Hindi dahil sa masakit, kundi dahil nagblush na naman ako.

“A-aw! Kuuuyaaa…. San ba sila Ara at Alyssa?”

“Wala. Lumabas, may binili lang.”

“Ah. Sige, kuya. Sunod na lang ako sa kanila.”

“H’wag na. Mabilis lang naman daw sila. Upo ka muna.” Anyaya niya.

Sumunod na lang ako at umupo sa tabi niya. Hindi malapit, hindi rin malayo. Sakto lang na espasyo para sa’ming dalawa.

Ilang minuto rin akong tumunganga sa harap ng tv. Walang kibo at hindi makakilos.

 Ba’t kasi ang tagal nila? Ni hindi pa nagtetext. Kainis!

Sa sobrang inip ko ay naisipan kong i-text na sila.

San ba kayo? Tagal nyo naman!

Wait lang girl, malapit na.

Reply ni Ara, ilang minuto ang nakalipas. Hindi ko na napansin na nakatulog na pala si kuya. Mukhang malalim ang tulog niya kaya’t sinamantala ko na.

Alam kong mali na nakawan siya ng halik habang tulog siya, pero mas mali naman yata kung gising siya, di ba? It was just a peck on the lips, after all. Wala pa nga yatang 5 seconds yun, but it was the longest 5 seconds in my life.

Kabadong kabado ko dahil baka magising siya at mahuli niya akong ninanakawan siya ng halik, mabuti na lang talaga at hindi.

It was actually my first kiss. Kahit hindi romantic ay masaya ako. Masaya akong siya ang first kiss ko.

“I love you, kuya,” bulong ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman niya maririnig. Kung pwede lang sana, kaso meron na siyang iba.

After that day, I tried my best to avoid him. Successful naman ako pero yung puso ko ay tila natalo. Ironic. Kahit anong gawin ko, iba yung iniisip ko.

“Shane, iniiwasan mo ba si kuya?” tanong ni Ara, isang araw ng hatakin ko siya palayo sa daan kung nasaan si kuya Rus.

“No!” sagot ko agad.

“Weh!”

“Di nga!”

“Then, what? Seriously, Shane, pansin ko na e.. the way you act, and the way you talked in front of kuya, kakaiba. May gusto ka sa kanya!” akusa niya.

“Uy, wala a!” sagot kong di makatingin ng diretso sa mata niya.

“I knew it! Oh. My. God! My bestfriend and my kuya!” Umiling-iling ako, kahit pa siguradong alam na niya.

“Don’t worry sis, I’ll be your bridge!”

“No!” protesta ko pa, ngumiti na lang siya bilang sagot. No, scratch that, ngumisi pala.

“Hey! Kuya Rus! Over here!” sigaw ni Ara ng makita niya ang kuya niyang pagala-gala sa mall. This girl is really an attention seeker. Nakakahiya tong bestfriend ko!

“Hi! Alyssa! Hi! Shane!” bati niya sa amin. “Oh? Anong problema mo, Ara?” pagsusungit naman niya sa kapatid niya. Ang cute niyang magsungit. Pwede bang ako na lang ang sungitan niya?

“Wala naman.. pero si Shane, meron.” Madrama niyang sinabi. Napatingin sa akin si kuya, napakunot noo naman ako sa deklarsayon niya.

“She needs a date in our grad ball. You see… she doesn’t have a boyfriend.” I rolled my eyes heavenward.

“Ara! It’s not necessary to have a date, for Pete’s sake!” She just winked at me and showed her devilish grin.

“Then, I’ll be his date.” Sagot ni kuya Rus na ikinalaki ng mata ko.

Kuya Rusty will be my date. OMG!

“No, kuya-“

“I said, I’ll be your date, okay?” He smiled. That same smile that makes my heart beats so fast. Hindi ko na namalayang napatango tango na pala ako sa kanya. 

JUST A PART OF HIS LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon