"Girl, why do you look..."
"Look what?" I asked Ara.
"Devastated?" she said.
"I'm not."
"Girl, you should be happy! Mamaya na ang grad ball! And kuya will be your date, right?"
"I don't know." Bored kong sagot
"Bakit naman? He said it in front of us, kaya go na yan girl."
Hindi ko na lang siya kinibo. Hindi ko na alam kung matutuloy ba ko sa grad ball na yan. Ok naman kung ako lang ang aattend mag-isa, hindi naman required na magkadate ang bawat isa, it's just a privilege for the couples. And I'm not one of them.
I was devastated, and it's all because of kuya Rusty, I don't know what exactly happened last night, all I can remember is that.. I blurted out my feelings for him, I confessed and I got nothing in return.
"Shane, are you drunk?" Nagrehistro ang gwapong mukha ni kuya Rusty sa harap ko. Kanina lang ay iyak ako ng iyak dahil nakita ko siyang hinahalikan ng isang babae. Di ko lang kilala kung sino yun, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Masakit kaya tumakbo na lang ako at nagpakalango sa alak.
"No, kuya." I answered smiling. Ibang lakas ng loob ang nararamdaman ko ngayon. I have the urged to kiss him right now. Kahit pa alam kong may kahalikan siya kanina ay wala na akong pakialam. Basta gusto ko lang siyang halikan.
I immediately grabbed his neck and kissed him on the lips. Di ako marunong humalik kaya't dinampi ko lang ang labi ko sa labi niya, his eyes widened. Parang nanood lang ng horror.
Ganun ba ko kapangit sa paningin niya?
Kumalas na lang ako at tinalikuran siya.
"You're crazy! Shane, halika nga dito! Baka kung mapano ka diyan!" Sumunod siya pero hindi ko siya nilingon.
"May problema ba?"
"Nothing." Sagot ko.
"Then, why are you acting strange? And.. why did you .. kissed me ?"
"kasi kuya... mahal kita.. I love you... okay?" I confessed still, not looking at him.
I got no answer kaya pumara na ako ng taxi.
I was dumped by the guy I love and it sucks. Wala siyang kasalanan kaya hindi ko siya dapat pagtaniman ng sama ng loob. Minahal ko lang naman siya at nagmahal lang din siya ng iba.
"Girl, come on! Cheer up! Bakit parang hindi ka excited sa grad ball natin?" tanong ni Alyssa.
"Hindi naman talaga, kayo na lang kaya pumunta?"
"What?! Hindi pwede!" sigaw ni Ara.
"At bakit hindi pwede? Wala naman akong gagawin dun eh!"
"KJ nito ! Para sa batch man lang natin?
"No."
"Please?"
Ngayon ko lang napatunayang effective pala ang puppy eye look kasi hindi ko natanggihan si Ara dahil sa hitsura niya kanina.
Ugh! Naisahan niya ko dun!
"So? How'd you find your look?" tanong sakin ni Alyssa pagkatapos niya akong ayusan.
Talent talaga ni Alyssa ang pagme-make-up. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon sa salamin. Hindi ko inakalang may igaganda pala ang isang tulad ko.
"Speechless lang?" pangbubuska ni ara.
I smirked at them.
"Tumigil nga kayo!"
Panay ang puri nila sakin at walang tigil din ang panunukso nila sakin kay kuya Rusty.
If only they knew what happened yesterday, but they don't.
Sa school grounds lang ginanap ang grad ball. Party lights at mayroon pang mga light drinks na nakahanda. Ewan ko kung panong napapayag ng mga estudyanteng to na magpasok ng alak sa loob ng school.
"Hi Shane!" bati sakin ng classmate kong si Nate. He's one of the cutest guys in our batch kaya abot tainga ang ngiti ko ng pansinin niya ako.
"Hi Nate!"
"You're so beautiful." he said. I blushed.
"Thanks." nahihiya kong sagot.
"Drinks?"
"Yes, please."
Inabot niya sakin ang isang shot glass na may lamang alak. Diretso ko itong ininom. Mapait, pero okay lang. I need this tonight.
Nakailang shot din ako at napapahaba na din ang usapan naming dalawa.
"So, where's your date?" tanong niyang bigla.
"I'm here." Mariing deklarasyon ng pamilyar na boses sa likuran ko.
Nanginig ang kalamnan ko ng maramdaman ko ang paghapit niya sa baywang ko.
Kuya Rusty is here. Am I hallucinating?
Kumurap kurap pa ako para makasigurado. Totoo ngang nandito siya, pero bakit?
"Why are you here, kuya?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"I'm your date, remember?"
"Excuse lang, pre."saad niya at inilayo na ako kay Nate.
"Kuya naman! Stop dragging me! I'm still talking to Nate!" reklamo ko.
"But you're with me now. You can't just talk to any guy here while you're drunk."
"I'm not drunk!" I rolled my eyes at him.
"You are."
"Oh come on, kuya! You're overreacting! I can handle myself, okay?"
"Basta. You. Stay. Here. With. Me." he said through gritted teeth.
"Ugh! Why can't you just look after Ara? She's your sister, not me."
"She's not drunk."
"Yeah, she is not drunk and so do I."
"Drunk or not, you'll stay here with me, whether you like it or not." he whisphered on my ears.
Hindi naman siya over protective kay Ara, pero bakit nagkakaganto siya? At sa'kin pa?
"Ano bang problema mo, kuya?"
"Ikaw."
"Ako?!" I yelled at him.
"Yes, you are. You're too careless and act like a kid, when in fact you're not."
Umiling iling ako. Act like a kid? Is he serious?
"You're just overreacting."
"Hindi mo ko naiintindihan, Shane."
"Then why are you acting like this?" I asked sternly.
"Because.." he trailed off.
"Because what?" tumaas ang kilay ko.
"Because.. I think, I like you. No, I think I love you."
My eyes went wide. Lahat ng bad trip ko ay naglaho. Kakaibang saya ang naramdaman ko. Finally! The long wait is over!
"Pero mali.. dahil hindi pwede."
Kumunot ang noo ko at agad bumagsak ang mundo ko dahil sa sumunod niyang deklarasyon.
"Dahil magiging kapatid na kita, Shane.Ikakasal si papa kay tita Sheila."
No, no, no! Imposible!
Lumandas ang mga luha sa mata ko.
"I'm sorry, Shane. I can't love you, the way you wanted me to."
Basag ang boses niya at naaninag ko ang luhang kumawala sa mata niya. Niyakap na lang niya ako at pinilig ang ulo niya sa may balikat ko.
Masakit? No, it's beyond pain.. it's beyond sufferring, I guess
BINABASA MO ANG
JUST A PART OF HIS LIFE
Teen FictionWould you break something forbidden? Or would you choose to break someone else's heart?