Hindi ko na matandaan kung kailan yung huling beses tumibok ng ganito kabilis ang puso ko.. Para akong nakipagkarera sa kabayo sa bilis nito. Epekto ba talaga to ng simpleng pag ngiti niya sa’kin? Baliw na yata ako kung ganun.
Hindi naman na bago sa’kin na makita ang mga ngiting yun, pero tila iba ang epekto nito sa akin sa ngayon. Parang.. parang may kakaiba sa kanya ngayon… O baka ako pala ang kakaiba ngayon?
“Huy! Shane! Tulala ka dyan?”
“Huh?” tanong ko kay Ara.
“Malala na ‘to, girl!” wika ni Yssa, na kanina pa busy’ng busy sa paglamon ng chips na binili ko kanina.
“You’re daydreaming, aren’t you?” tanong ni kuya Rusty sa’kin.
Umiling –iling ako habang nakikipagtalo pa rin ako sa isip ko, na mali itong nararamdaman ko. I can’t like him. I can’t like kuya Rusty. Hindi kami talo. Kapatid siya ni Ara, at kapatid lang din ang turing niya sa akin.
“Then, what?” tanong ulit niya.
“I’m just..” ni hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil titig na titig siya sa’kin. Nakakailang. Ngayon lang ako nailang sa kanya ng ganito. Parang gusto kong itago ang mukha ko. Conscious ako sa itsura ko, conscious ako kung panget ba ang rehistro ng mukha ko sa paningin niya.
“Just what?”
“Just… hungry.” Sagot ko sabay hablot ng chips na nilalantakan ni Yssa.
Grabe, Shane! Ang galing mong magpalusot! Such a genius! Sigaw ng alter ego ko with full of sarcasm.
“Hey! Kitang kumakain yung tao!” reklamo nyang hindi ko na pinansin. Natawa na lang si kuya Rusty at ginulo ang buhok ko.
Paborito niyang guluhin ang buhok ko, pati ang pisilin ang magkabilang pisngi ko. Ngayon lang yata ako hindi nakapag reklamo sa panggugulo niya ng buhok ko. Kinilig pa nga ako. And I think, I blushed because of what he did. I tried my best to hide my face for him not to noticed it. Mabuti at hindi niya napansin.
Bakit kasi si kuya pa? Bakit sa kanya pa?
Hindi naman malaki ang agwat naming dalawa ni kuya. He’s 22 while I’m 20.
“K-kuya.. Rusty!” tawag ko sa kanya ng makita ko siya sa mall isang araw.
“Shane, ilang beses ko bang sasabihing h’wag mo na akong tawaging kuya? Parang ang tanda ko na ah.” Kunot noo niyang pagrereklamo sa akin.
“Hehe.. But you’re older than me anyway.” Awkward akong ngumiti habang sinisilip ang babaeng nasa likuran niya.
Yes, he’s with a girl. She’s very pretty and looks so matured. Bagay sila ni kuya. Napangiwi agad ako sa aking naisip. Hindi ko kayang makita siyang may kasamang iba.
“Hehe.. Before I forgot.. Shane, this is Cindy, Cindy this is Shane, Ara’s bestfriend.”
Yeah! Ara’s bestfriend. Just that.
Ngumiti sa’kin si ate Cindy. A smile that can caught every guy’s attention. No wonder why kuya Rusty got an eye at her.
“Hello, ate!” I greeted her with a lop-sided smile.
“Hello! May kasama ka?” she asked.
“Ummm.. wala po.”
“Great! Join us, then.” She said happily.
“Hindi na po, ate.” Baka makaistorbo pa ako, bulong kong narinig pala ni kuya.
“No, Shane. Sasamahan ka namin.” He declared then started walking.
In the end, wala na akong nagawa kundi ang bumuntot sa kanila. I’m the third wheel, isang sabit sa date nila. Nakakahiya. Nakaka-OP pa.
I sighed heavily.
“Ang lalim naman nun.” Kumento niya. Awkward na ngiti na lang ang naisagot ko kay kuya.
“Wait lang ha, punta lang ako sa powder room.” Saad ni ate Cindy.
“Ikaw, Shane?” dagdag pa niya.
“Hindi na po, ate.” Sagot ko naman.
Naiwan kaming dalawa ni kuya sa table. Kung iisipin, para kaming nagd-date na dalawa. Gosh! Kung pwede lang sana!
“Kanina ka pa tahimik diyan ah?” Agad akong napatingin kay kuya Rus. Ngiting-ngiti siya, ewan ko lang kung bakit ba.
“Nakakahiya kasi kuya.. sabit pa ko sa date niyong dalawa.”
“Hindi, ok lang na nandito ka.”
Imbes na matuwa ay lalo akong nakaramdam ng hiya. Confirmed nga. Nagd-date silang dalawa. Ngumiti lang ako ng pilit kahit na nalulungkot ako ng sobra sobra.
![](https://img.wattpad.com/cover/13240712-288-k727305.jpg)
BINABASA MO ANG
JUST A PART OF HIS LIFE
Teen FictionWould you break something forbidden? Or would you choose to break someone else's heart?