Sinubukan ko naman. Sinubukan ko naman ulit na makipag chat or makipag interact sa iba like what Yel's said. Pero, bakit pakiramdam ko na hindi talaga ako yung tipo ng tao na "Di type" ng iba. Lalo na kapag hinihingi na yung social media accounts ko. Ewan ko, kung napapangitan ba sila sa picture ko o ano e. Kasi after nilang ma check , hindi na sila nagpaparamdam. Nakakabawas din self-esteem sa totoo lang.
"Iska." Tawag sa labas ni Mama.
"Bakit po Ma?" Sagot ko.
"Wala kabang balak lumabas sa kwarto mo? Di kana nasisikatan ng araw ah. Ano ganyan kana lang buong bakasyon? Umayos ka! Bumaba kana dito." Sermon nanaman ni Mama. Sanay nako jan.
No choice. At bumaba na ko kesa magalit pa sakin si Mama. Pag baba ko, handa na pala ang pag kain. Kumpleto na din sila sa mesa ako nalang kulang, ang unica hija nalang ang kulang.
Napangiti nalang ako, kahit nakakabored dito sa bahay kahit bakasyon. Wala pa din tatalo sa magandang view ang nakikita ko ngayon, ang aking pamilya. Ang sarap pag masdan na si Mama kalapit si Papa habang sinasandukan sya ng kanin tas si Kuya Harvey na nakikipag agawan kay Kuya Enzo ng ulam. Bumalik ako sa realidad ng nagsalita si Kuya Harvey.
"Bumaba na pala ang mahal na prinsesa." Sabi ni Kuya Harvey, sabay sabay silang napalingon sakin.
"Grabe. Bunso, namumutla kana ah. Bakit? Di kaba kumakain o nagpupuyat ka noh?" Tanong naman ni Kuya Enzo. Hays. Aasarin lang ako nito.
"Hindi kasi nasisinagan ng araw, kaya namumutla yan. Di ba naman lumalabas ng bahay eh. Gusto na ata nyan tumira sa kwarto nya kasama mga gadgets nya." Pag susungit ni Mama. Here we go again. Tsk.
"Oh, tama na yan mahal, kain na muna tayo. Kesa pag tripan at sermunan nyo bunso natin." Singit naman ni Papa. My savior!
After kumain, ako na tumulong kay Mama para maglinis at mag hugas ng pinggan.
"Tatambay ka nanaman ba sa kwarto mo?" Tanong ni Mama.
"Mama naman eh. Buti nga nandito lang ako sa bahay eh, kesa mag gala, makipag date, mag drugs at iba pa eh."
Nagulat ata si Mama sa sagot ko kasi biglang nag sungit yung mukha nya sabay hawak sa bewang nya. "Aba! Kailan kapa natutong sumagot? Scarlette Klaine Yujuico? Hindi yan ang pinupunto ko kaya wag mo kong sagutin ng pabalang jan." Inis na sagot ni Mama. Galit na yan pag tinawag nako sa buo kong pangalan nyan.
"Sorry na Ma. Wag kana mainis sakin, tinatamad lang po talaga ko maglalabas kasi mainit tska wala naman po akong pupuntahan eh. Dinadalaw naman po pati ko ni Yel dito." Sabay yakap ko sakanya. Isa to sa weakness ni Mama ang paglalambing namin.
"Osya sige! Kung yan gusto mo. Sige na at ako na magliligpit dito. Tapos nanaman ako sa mga gagawin ko, alam ko naman magbabasa kapa at manunuod nanaman ng Korean Drama eh." Yes! Gotcha!
"Iloveyou Mama." Sabi ko sabay halik sa pisngi nya.
Paakyat na sana ko sa kwarto ko, ng makita kong nagbabatukan at nag aasaran ang dalawa kong kuya. Ito nanaman tong dalawang ito. Lalagpasan ko nalang sana nila pero bigla nalang silang nagtinginan tapos ...
"1,2,3 go." Sabay nilang sabi. Hanggang sa ..
"AHHHH! Kuyaaaa." Napatili nalang ako sa gulat. Pano ba naman kasi bigla nalang akong sinampa ni Kuya Enzo sa balikt nya na parang sako ng bigas tas bigla akong sinalampak sa sofa namin. At ito naman si Kuya Harvey kiniliti ko sa tagiliran. Tae, ang lakas pa naman ng kiliti ko dun.
"K-kuya... Ha-ha. A-no baa. Tae, A-yoko naaa... A-awat na p-please. Ha-ha-ha." Halong tawa at inis na nararamdaman ko. Mamamatay na ata ako kasi di nako makahinga eh.
"Namimiss ka lang namin bunso. Di ka na nalalambing ni Kuya eh." Sabi ni Kuya Harvey. Patuloy pa din sila sa pagkiliti sakin, hanggang sa binatukan na sya ni Kuya Enzo.
"Vey, tama na. Baka di na makahinga ang prinsesa." At tumigil na nga ang dalawang makulit. Hinawakan ko dibdib ko para kasing kinakapos pa din ako ng pag hinga. Naramdaman ko nalang na hiniga ni Kuya Harvey yung ulo ko sa hita nya habang yung mga hita ko naman ay nasa hita ni Kuya Enzo. Damn. ginawa nila kong parang bata.
Hinaplos ni Kuya Harvey buhok ko. "Napagod kaba bunso? Sorry na. Namiss ka lang namin eh.'' Pag lalambing ni Kuya, hanggang sa naging okay na pakiramdam ko pumikit nalang ako kasi para kong inantok eh. Ang komportable pag nasa paligid ko ang dalawang to. Kahit na minsan nakakainis na sila. No choice eh.
"Ano ba yan bunso, kung di ka nasa kwarto, ngayon naman tutulugan mo kami. Yung totoo? Ayaw mo bang makabonding ang dalawa mong poging Kuya?" Sabi ni Kuya Enzo. Hambog talaga to eh.
"Ginagawa nyo kasi kong parang bata eh. Duh! 19 nako noh, 3rd year college student, future teacher tas ganyan pa kayo." I rolled my eyes.
"Aba! Ayaw mo ba? Porket future teacher kana ayaw mong sinasanggol ka ng mga kuya mo? Kesa naman ibang babae sanggulin namin." Sabay hagalpak ng tawa ni Kuya Enzo.
Humagikhik naman ako. "Ikaw kuya ah, may jowa na kayo noh?." Tanong ko sabay sundot ko sa mga tagiliran nila.
"Bumalik kana nga sa kwarto mo. Weird mo nanaman eh." Sabay tayo ni Kuya Harvey. Halatang halata.
"CR muna ako Vey." Sabi naman ni Kuya Enzo
"Mga indenial ang mga to!" Sabi ko nalang.
Bumalik nalang ulit ako sa kwarto ko at nag online. I miss Yel, bukas na yung sinasabi nyang lakad namin eh. Nasan na kaya yun?
Binuksan ko muna yung wifi bago ko tinawagan si Yel, pero hindi sumasagot. Hays! I'm so bored.
Ibabalik ko na sana yung cellphone ko sa mesa kong biglang mag vibrate. May mga notification ata.
Ismael James sent you a friend request
Miguel Cuizon wants to add you as a friend
Congratulations you have a new match /John Jay/
Juanfer Oslem Velarde liked your post
"Teka. Bakit bigla dumami notif ko." Pagtataka ko. Kasi ba naman, puro notification ang Facebook, We Chat, Tinder at pati na Instagram ko. Habang nag iisip ako, bigla nanaman nag vibrate phone ko. This time, may nag message na.
Juanfer Oslem Velarde: Miss?
Sino naman to?
YOU ARE READING
It Started In a Chat
Short StoryJust because of this stranger, what will happen to her? ..