Juanfer Oslem Velarde: Miss?
I sighed to myself. "Rereplyan ko ba?" Tanong ko sa sarili ko. Baka kasi trip lang din ako nito. Yung magaling sa una pero at the end, wala din naman. Pero? Wala naman mawawala kung rereplyan ko diba? Psh. Bahala na nga.
Scarlette Klaine Yujuico: Oh?
Juanfer Oslem: Taray! May tatanong lang ako.
Scarlette Klaine Yujuico: Go.
Juanfer Oslem: Bakit ang taray at ang sungit mo? Cute ka sana eh. Tsk.
Aba! At ininsulto pa ko! Bwiset to. Bahala ka nga jan. Seen ko nalang bwisit sya.
Pero nag vibrate ulit phone ko, this time hindi na message. Tumatawag na sya for video call. Duh! I'm not fond of video call. Mamaya manyak pala to eh.
Decline
Juanfer is typing ...
Juanfer Oslem: Ay famous naman po pala. Pa hard to get ba. Nakaka challenge ;)
Scarlette Klaine Yujuico: Oh. C'mon. Just shut up.
Juanfer: Hahahaha! Just kidding. Sungit mo kasi. I'm just bored here. I need someone who talk to.
Seen.
Juanfer: Hey. Galit kaba?
Juanfer: Sige na. Di nako mangungulit ms. sungit. Just don't forget to smile. :)
After that. Di na sya nag chat. Kakaiba sya sa lahat ng naka chat ko before. Though, ngayon ko lang sya nakausap. Parang ang cool nya kahit ngayon ko lang naman sya nakausap. Hays! Baka katulad pa rin sya ng iba, di ko pa din masasabi talaga. Yung iba kasi talaga, nag aaya lang for video call kasi gusto lang makita katawan, or makipag *toot* You know. Yung iba naman fling and hook up lang hanap. Hay! Mga tao talaga nowadays.
Kaya parang nawalan na din ako ng gana sa mga dating app na yan. Siguro nga di ko naman talaga dapat madaliin ang mga bagay bagay. I'm willing to wait for God's will.
"Iska!". Boses ni Papa yon' panigurado.
"Bakit po?" Sagot ko naman. Nakakatamad na sa bahay. Sakit na ng pwet at likod ko kakahiga at kakaupo.
"Nandito si Yel. Hinahanap ka." Sabi ni Papa. Pero bago pa man ako makatayo, bumungad na sa harap ko si Yel na bihis na bihis.
"Bessy! Maligo kana, now na. Dalian mo." Sabi nya, habang hinahatak nya ko sa kamay patayo. "Teka nga. Ano nanaman bang pakulo mo? At bakit bihis na bihis ka?" Tanong ko naman. Hanggang sa makabangon nako ng tuluyan.
"Bilisan mo nalang." Sagot nya, habang hinahalughog ang mga damitan ko pati na towel ko. "Oh, ayan handa na damit mo. Ligo na. Dalian mo!" Sabi nya. Natawa nalang ako, kasi pinalaki pa nya mata nya para takutin ako e, singkit sya kasi di nya magawang palakihin. "Hoy! Iska! Pumasok kana sa banyo. Dali na aba!" Sabay tulak nya papasok sa banyo, hay! I have no choice.
After kong maligo. Pinasuot nya sakin yung napili nyang damit sa drawer ko. Pakeelamera talaga. "Yel, san ba talaga tayo pupunta? Bukas kapa makikipag meet diba?" Tanong ko habang sinusuklay ko yung mahaba kong buhok.
"Ayun na nga, nag insist kasi sya na ngayon na sya makikipag meet eh. Di kita ma contact kasi wala akong load." Sabi nya. Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Ngayon na? Eh, di pa ko nakakapag paaalam kilala Mama at Papa pati kila kuya." Sabi ko. Ayaw kasi nila Mama at Papa na kung kelan ako aalis tska lang ako mag papaalam. World war talaga magaganap.
YOU ARE READING
It Started In a Chat
Kısa HikayeJust because of this stranger, what will happen to her? ..