"Ughh! Naiinis nako. Bakit ba kasi hindi ako kasing ganda gaya ng iba, bakit ba di ako kasing sexy gaya ng gusto nila. Nakaka frustrate na!." Sabi ko sa sarili ko, habang nag momoment ako dito sa harap ng salamin.
"Nako, nag e-emote nanaman itong si Inday. Jusko! Scarlette Klaine Yujuico umayos ka jan! Uuntog na kita sa pader eh." Sabi ni Yel, ang bessy ko.
"Bessy, umamin ka nga sakin? Pangit ba ko? Ganun naba talaga ko kataba? Please. Maawa ka, magsabi ka ng totoo." Teary eye na talaga ko habang binibigkas ko ang mga tanong na yon.
"Alam mo.." Panimula nya, tas lumapit sakin. Letche to' ah. Pabitin effect pa. "Di ka naman talaga pangit o mataba e. Oo, chubby ka, Oo di man ganun ka ideal fes mo. Pero--"
Putol ko. "Ay! Wow bessy! Thankyou ah. San dineretsyo mo nalang na di talaga ko maganda. Kung ano ano pang segway mo, dun din naman ang punto nun. Nakakahiya naman sayo." I glared. Kung ano ano pang ka ek-ekan ang sinasabi eh ganun din naman sasabihin. Jusmiyo!
Kulang nalang mag lupasay nya kakatawa sa mga sinabi ko. Nababaliw na yata to. "Hoy! Bakit kaba natatawa? Nagtatanong ako ng maayos dito, tapos gaganyanin mo lng ako? Lumayas kana lang dito. Bwisit." Pag tataray ko. Aba! Frustrated na nga dito. Tapos tatawanan lang ako?
"Teka lang. Di ako makahinga e." Sabi nya. Habang nagpupunas ng kaunting luha sa gilid ng mata nya dahil sa pag tawa. Letche! Pag ito, nautot dito! Kakaladkarin ko talaga palabas to. "Oh, sige na shut up na me. Pero, kasi bessy! Totoo naman eh. Kaya ka lang nagiging ganyan sa sarili mo, kasi pilit kang nakikinig sa iba. Just be yourself. Okay lang naman na maging self-conscious, pero wag naman yung to the point na ico-compare mo na sarili mo. Duh! Magka iba si Juan at si Pedro." Sabi nya. Para naman akong natauhan sa sinabi nya.
Bakit ba kasi nagiging ganito thinking ko? Ugh! Mukang kailangan ko ng mag unwind. Nakaka stress pag nandito lang sa bahay eh. "Fine. Kasalanan ko na, Thanks bessy." Sabay yakap ko sakanya. Kahit ganito to' Love na love ko pa din to eh. Kung wala to sa buhay ko? Matagal na sigurong bored ang buhay ko.
"Psh. Wala yon, ikaw paba? Kaya ikaw? Lagi mong iisipin na. Di porket single, pangit kana. Kumbaga, naka reserved lang yang sarili mo at puso mo sa Mr Right mo. Di naman tayo nag mamadaling mag ka lovelife diba? Atat lang?." Sabay hagalpak nanaman nya ng tawa. May point naman sya. Kaya lang, nakakbwisit talaga pag pinag tatawanan ako ng lokang to eh.
"Hoy, Marielita San Tiago. Tigil tigilan mo na ko jan sa kakatawa mo ah. Nakakairita na." Sabay seryoso bigla ng mukha nya. Ako naman itong napangisi. Ang dali nya talagang mapikon pag binubuo ko pangalan nya. Ang baho daw kasi.
"Bessy naman eh. Yel na lang sabi eh. Papabinyag ako ulit sige ka, tas gagawin kitang ninang." Napaka lakas bigla tawa ko kasi ang cute nya pag naka simangot. Di ko tuloy mapigilan di makurot ang chubby cheeks nya. "Aray naman Iska, masakit eh." Sabay haplos sa pisnge nya. Cute e'
"Sorry na. Taba kasi ng pisnge mo eh." Sabay tawa ko, bigla naman tumunog phone nya. "Teka lang bessy, sagutin ko lang." Sabay labas nya. Sino kaya kausap non?
Habang inaantay ko si Yel na bumalik binuksan ko muna laptop ko, para mag palipas oras.
Nag online ako sa facebook, IG , twitter at we chat. Etong mga to' ang tumutulong sakin para di ako mabored araw araw bukod sa pag babasa at panonood ng Korean Drama.
"Hayy! Wala man lang nagcha-chat sakin." Sabi ko, habang nag iiscroll sa social media account ko.
"BESSY!" Sigaw ni Yel. Tae, nagulat ako. Parang nalulunod kung maka sigaw eh.
"Anong problema mo?" Sabi ko. "Ito naman, sungit agad! Samahan mo naman ako. Makikipag meet." Puppy eyes pa ang peg ng babaeng to. "Ano? Makikipag meet ka nanaman? Nako! Marielita, tigil tigilan mo yan. Pag ikaw napahamak. Ewan ko nalang sayo." Sabi ko. Ang hilig kasing makipag meet nito sa di naman nya kakilala.
"Kaya nga, ikaw ang isasama ko eh. Para safe ako." Pang uuto nya pa. "Alam ko naman di ako matitiis ng bessy ko eh." Dagdag nya sabay yakap at kiss sakin sa cheeks. Dito to' magaling eh. Sa pang uuto.
"Oo na. Sige na, kelan ba yan?" Sabi ko. Sabay talon at palakpak. Grabe talaga ka hyperan ng babaeng to' Kala mo teenager pa eh.
"Yehey! Bukas pa naman bessy. Pag papaalam nalang kita kay Tita." Sabi nya. "Okay." Sagot ko nalang.
"Psst. Bessy? Bakit kaya di ka mag boys hunting ulit sa social media. Para naman di lang ako ang nakikipag meet. Enjoy kaya. Bessy goals pa." Aba! At idadamay pako nito sa gawain nya. "No, thanks! Ikaw nalang. Mapahamak pako jan." Sagot ko.
"Are you sure? Iska? Baka pag dumating yung time. Ikaw na mamimilit sakin na samahan kita at makikipag meet ka. Yieee! Si bessy talaga pakipot." Sabay sundot sa tigiliran ko. Abnormal talaga.
"Tigilan moko." Sabi ko.
***
Hanggang sa makauwi si Yel. Naiisip ko pa din yung mga pinag usapan namin. What if? I-try ko? Wala naman sigurong masama. Sabi nga "Just Be Yourself" Well. We'll see.
YOU ARE READING
It Started In a Chat
ContoJust because of this stranger, what will happen to her? ..