"Hindi ako papasok, Zia. 'Wag ka na rin kasing pumasok." Yuna pleaded over the phone.
"Please, Zia. Pretty please."
I rolled my eyes before facing my bestfriend on the screen of my phone. Gusto kong pumasok, pero ayaw niya dahil nakakatamad daw at wala namang gagawin. Continuation lang ng foundation week namin ngayon kaya medyo boring dahil opening of the booths lang at battle of the bands ang mangyayari.
Some might be excited about the bands, but I am not. I'm not interested. Mahilig akong makinig sa kanta, pero hindi ako marunong kumanta. Well, singer din naman ako minsan kaso sa banyo nga lang.
"Sige na, Zia. Ngayon lang naman tayo aabsent."
"Yuna, may attendance. Pumasok nalang kasi tayo."
Gusto kong pumasok dahil huling taon ko na doon. I just wanted to enjoy my last event on that school. Kahit alam kong boring ay gusto ko pa ring subukan.
"Wala namang gagawin kasi." She reasoned out which is partly true. All girls school kami at hindi pwede ang outsiders sa school kaya boring talaga.
"Wala rin namang gagawin sa bahay, Yuna."
"Sige na kasi, Zia! If you're thinking about the attendance ako bahala. Hindi malalaman ni ma'am."
Tinaasan ko lamang siya nang kilay dahil unti unti niya na akong nakukumbinsi. Damn this girl. Can someone please remind me why she became my best friend?
"Promise! 'Di talaga malalaman ni ma'am. Cross my heart mamatay man 'yong crush ng crush ko."
"Yuna!" I hissed which makes her laugh.
"Harutin mo nalang 'yong secretary natin. Crush ka niya, diba? For sure ililista niya tayo agad. Baka nga isang 'hi' mo lang 'ron ay mangisay na sa kilig."
"Demonyo ka!"
Tuwang tuwa siya nang mademonyo niya akong 'wag ng pumasok. I ended the call already. Bumalik ako sa kama at ibinagsak muli ang sarili doon. Kinuha ko ang aking unan at niyakap 'yon ng mahigpit.
"Kailan ko kaya mayayakap si Chaos?"
Napailing na lamang ako sa aking naiisip na kapilyuhan. Baka mauna pang pumuti ang uwak bago ko siya mayakap. Iyong pageant ang unang interaksyon naming dalawa, at sana ay masundan pa 'yon. Ilang beses ko nang sinubukan siyang lapitan ngunit hindi ko magawa dahil naduduwag ako, pero ngayon ay iba na. Dahil sa interaksyon na 'yon ay lumakas ang loob ko. I won't waste any chance now.
"Hey, lil sis."
Bumukas ang pinto nang aking kwarto at iniluwa non ang mukha ng aking kapatid. Umirap ako at bumangon upang harapin siya.
"Uso kumatok, kuya. Share ko lang naman."
"I did, but you're not responding. Akala ko tulog ka pa. Get up now. Ako maghahatid sayo ngayon."
"Hindi ako papasok, kuya."
Kuya Art, and I are really close to each other. Kahit malaki ang age gap namin at magkaiba ang interes namin ay nanatili pa rin ang closeness naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Fatal Desires
Novela JuvenilAzhia Yllaneihs Andrada has it all. The beauty, the fame, the title, the money, and the success. What can she wish for more? She has everything, but none of those matter when she can't make herself happy. Azhia didn't know why she wasn't happy and s...