Prologue
"Luke, sigurado ka na ba talagang magpapa iwan ka dito?"
"Mom, for the last time, yes I am. Ako na bahala sa sarili ko. I'm old enough to take good care of my self kahit wala kayo."
"Tantanan mo na nga yang anak mo Belinda, baka mahuli tayo sa flight natin."
"Okay, fine. Yung promise mo samin ha? A week after your graduation, sumunod ka na samin ng Daddy mo."
"Yeah, I promise. Have a safe trip!"
I gave my Mom a kiss on her cheek and a manly hug to my Dad. When I couldn't see them anymore, I started to walk back to my car.
My parents decided to migrate in London. Kahit na gusto ko sumama sa kanila ngayon ay nagpa iwan muna ako. Hindi ko pa gusto iwan ang Pilipinas dahil halos dito na ako lumaki, specifically sa Cebu.
Aside sa ayoko pang iwan ang girlfriend at mga kaibigan ko, there's no place like home so I decided to continue my law prep here. Graduating na din kasi ako.
Napag usapan na din namin ng girlfriend ko ang tungkol dito and gladly, she agreed about it. I'm so lucky to have a girlfriend like her, sa loob ng tatlong taon naming magkarelasyon, she never failed to understand me.
She's my motivation. Pinapanatili kong maayos ang pag aaral ko for us to have better future. Nangangako ako sa sarili ko na siya na talaga ang babaeng magiging ina ng mga anak ko. She'll be my bride and I'll be her groom.
I started to start my car's engine when my phone rang. I answered it without looking the caller's name.
"Hello?"
"Honey, nasan ka na? Nandito na ako sa favorite restaurant natin."
"I'm on my way, kanina ka pa ba dyan?"
"Kadadating ko lang. Nakalipad na ba sila tita?"
"Yeah. Wait for me, I love you."
"Okay, I love you too."
I ended the call and started to drive.
"Finals na natin next week. Nakapag aral ka na ba? Kung may mga subjects na nahihirapan kang intindihin, I can help you." saad ko ng matapos na ako sa kinakain ko.
"Ah wala naman, natulungan na ako ni David. Ang galing nga niya magturo, no doubt kaya naging magkaibigan kayo." ngingiti niyang sabi.
"Vera, di ba sabi ko sayo sakin ka lang magpatulong?"
"Here we go again. Look, ayoko kasing istorbuhin ka sa pag rereview mo kaya sa kanya ako nagpapatulong. And could you stop your jealousy with David nga, he's your friend."
"Honey, alam mo namang hindi ka istorbo sakin kahit kailan. Kaya nga girlfriend kita diba kasi you're one of my priorities."
"Oo na. Di ko na uulitin. Sorry na, okay?" I can hear her sarcasm.
Binalewala ko nalang iyon at niyaya ko siyang mag mall para mawala yung tampo niya.
"Honey, thank you so much for these!" and she gave me a peck on my lips.
"No problem, honey. Alam ko naman na yan ang nagpapasaya sayo kaya masaya na din ako."
Sa loob ng halos tatlong taon naming magkasama, I've learned that her anger o ano mang sama ng loob ay mawawala kapag may bibilhin akong bagay na gusto niya. Kahit mahal, binabalewala ko para lang magka ayos kami at hindi na siya nagtatampo.
"Sige na, pasok ka na. Malalim na ang gabi baka hinahanap ka na nina tita. I love you."
"I love you too, honey."
Hinintay ko muna syang makapasok bago bumalik sa kotse ko at umuwi na.
In the middle of the night, my phone rang. Nakita kong si Drake ang tumatawag.
"Siguraduhin mong mahalaga pa 'to kaysa sa pagtulog ko, gago ka!"
"Bro, i need you. Please be here for me."
Naglalasing na naman ang gago. Sabi ng 'wag sumunod ng sumunod sa ex girlfriend kung ayaw masaktan, muntanga lang.
"Puta ka, kaya mo na sarili mo. Baka magalit sakin ang girlfriend ko kapag nalaman niyang pumunta na naman ako ng bar. Matutulog nalang ako."
"Pre naman. Pag 'di mo ko pupuntahan makikipagsuntokan ako dito. Di ko na kaya ang sakit, kahit nakailang tungga na ako ng kung ano anung bote bullshit 'di parin nawawala" and I can hear sobs.
Umiiyak na naman ang tanga.
"Oo na. Pupunta na. Kung 'di lang kita bestfriend gago ka!" and I ended the call bago pa magdrama ulit ang tanga.
Susunod sunod, iiyak naman pag nakikita ang kasweetang ginagawa ng ex girlfriend nya sa lalaking pinagpalit sa kanya. Magkano kaya ang pa sweldo sa mga tanga ano?
BINABASA MO ANG
The Choice
RomanceLuke Salvador was once vulnerable because of his ex girlfriend. The 3 years of fighting was all gone. Sa loob ng tatlong taon, siya lang ang lumalaban para mapanatili ang relasyon nila. Up until harap harapan niyang nakita ito na nakikipaghalikan sa...