Chapter 1
Loud music and wild people dancing in the dance floor welcomed me pagkapasok ko sa bar na pinaglalasingan ni Drake. Pati nadin ang usok ng sigarilyo. A place where you can really be wasted.
"Luke my man, you came!" saad ni Drake pagkadating ko sa table niya at niyakap ako.
"Gago ka, bitiw! Para kang bakla."
Tinulak ko siya pabalik sa upuan niya. I ordered a drink for my self para madamayan ang tanga sa pag ibig. Dadamayan ko siya sa pagkakasawi niya, hindi sa paglalasing, baka ako na naman ang maging sawi dahil baka hiwalayan ako ng girlfriend ko kapag nalaman niyang pumunta ako dito.
Ilang minuto 'din namuno ang katahimikan sa table namin. Tumutungga lang ng tumutungga ng alak si Drake galing sa bote. I just waited for him to burst out, ayoko siyang pilitin baka magkakasuntukan kami.
"Tangina pre! Ang sakit makita ang babaeng mahal mo na may mahal ng iba. Bakit ang dali dali niya makalimotan ako habang ako, siya parin? Alam mo yung mas masakit? Nakita ko silang pumunta sa paborito naming lugar kapag nagdedate!" tumungga uli ito. "Saan ba talaga ako nag kulang? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko? May hindi ba ako nagawa? Ako naman lage ang nagso sorry kapag nag aaway kami kahit hindi ako ang may kasalanan ah! If she'll be in her red days, binibili ko naman gusto niya! Fuck!"
Nakita kong nanunubig na ang kanyang mga mata. Hays, sisikapin ko talagang hindi kami maghihiwalay ng girlfriend ko, baka ganito 'din ang magiging itsura ko. Sobrang wasted.
Nag iisip ako ng mga salitang sasabihin sa kanya pero wala talaga akong ma isip kundi ang mga salitang masasakit pero totoo. I guess it's better that I'll comfort him with harsh words that's true than lying that everything's okay.
"Pre, ang gago mo lang! It's been a year since you two broke up! Hindi mo ba gets na pinagpalit ka niya? Kakahiwalay niyo nga lang, may bago na siya. Tigilan mo na nga yang katangahan mo! Susunod sunod ka tapos iiyak iyak 'din naman. Itigil mo na yan! Sa tingin mo ba hindi nasisiyahan ang bagong boyfriend ng ex mo sa kalagayan mo? Look at your self, so wasted. Kung ayaw mo ng mabuhay, think about the people who loves you. Don't be too worthless, hindi pa tapos ang buhay mo dahil hiniwalayan ka."
"Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo pa naranasang ipagpalit ng girlfriend mo!"
"Gago, kung magiging katulad mo 'din naman ako kawasted, pipilitin ko 'wag makipaghiwalay sakin ang girlfriend ko no!"
"Watch your words. Ibabalik ko sayo lahat ng mga sinasabi mo!"
Umiiling iling nalang ako dahil baka magkakasuntukan talaga kami.
We stayed there for half an hour dahil ayaw pang umuwi ni Drake. And when he can't take it anymore, nagyaya na siyang umuwi. Ang gago! Ginawa akong alalay! Kung 'di ko lang talaga ito bestfriend.
Pagkalabas ko sa classroom namin ay tinawagan ko na si Vera. I'm confident sa mga answers ko dahil nag aral ako ng mabuti. As much as possible, ayoko bumagsak dahil kinabukasan namin ni Vera ang nakasalalay dito. Sigurdo na talaga akong siya na.
Kakatapos ko lang mag take ng exam, she said tapos na din daw siya at tawagan ko nalang kapag natapos ako. As I was walking, nakita ko siya sa may bench na katabi si David, her phone is vibrating beside her pero parang ang saya saya niya dahil hindi niya napapansin ito.
Kahit masakit ang nakita ko, sinasabi ko nalang sa sarili ko na baka tungkol lang sa accounting ang pinag uusapan nila. Baka may nakakatawa sa questions ng exam nila.
I walk fast towards them and maintain a calm face. Kahit gustong gusto ko ng bigyan ng suntok si David, iniiwasan ko. Baka maudlot ang kinabukasan ko kasama si Vera.
"Honey, tapos nako. Tara na?" i gave her a kiss in her cheek. Pampa alala lang na sakin siya. Baka nakalimotan ni David. Naturingan pa namang kaibigan ko.
"Ah eh, okay. David, una na kami ha?" nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya.
Oh god! 'Wag naman sana.
"Sige, ingat kayo ha? Baka mabagok ang ulo mo at di mo na maalala si Luke." tatawa tawang sabi niya.
"Tang ina mo pare! Gusto na kitang sutokin kahit isa lang! Pasalamat ka kaibigan kita."

BINABASA MO ANG
The Choice
Roman d'amourLuke Salvador was once vulnerable because of his ex girlfriend. The 3 years of fighting was all gone. Sa loob ng tatlong taon, siya lang ang lumalaban para mapanatili ang relasyon nila. Up until harap harapan niyang nakita ito na nakikipaghalikan sa...