Chapter 2

10 2 0
                                    

Chapter 2

"How's your exam, honey?" paunang tanong ko sa kanya pagkatapos kong umorder.

"Okay naman, may ilan ilan akong nakalimotan. Pero okay na, natanong ko na naman kay David, nalinawan na ako. Ang talino talaga ni David no?"

Seriously? Siya talaga bukambibig mo?

"Ah, naman, kaya nga magkaibigan kami. Walang bobo sa mga kaibigan ko. Alam nila kung ano ang tama at kung ano ang hindi tama." Seryoso kong saad.

"Hahahaha! Kaya nga sa kanya ako nagpapaturo eh. Mas naiintindihan ko pag siya ang magturo sakin, kesa sa professors namin."

Ang tatamis ng mga ngiti nya habang ako, naggagalaiti na sa galit. May hindi yata ako nabantayan, nakaligtaan ko yata. Masyado yata akong nagtiwala.

Hindi ko siya inimik at nanatiling tahimik na nakatingin sa kape ko. Napansin niya ata dahil bigla niyang hinawakan ang kamay kong mahigpit na nakakapit sa mug.

"Honey, nagseselos ka na naman ba? Sabi ko naman nagpapaturo lang ako sa kanya diba? Ikaw na nga din nagsabi na kaibigan mo siya."

"So you're saying na bobo ako kaya sa kanya ka nagpatulong? Is that it?"

"Luke!"

"What? Ano? Sagotin mo ako!"

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw? Ano bang problema mo? Bakit di ka nalang sakin magpatulong? Bakit kay David pa?"

Frustration is written all over her face. Napasandal siya sa upuan niya at pinikit ang mga mata niya while heaving a sigh.

"Honey, look. Kaya kay David ako nagpatulong kasi pareha kami ng pinag aaralan. Ayoko naman na sayo ako magpatulong kase hindi magkapareho ang pinag aaralan natin. Hindi ko naman gusto na pag aralan mo pa yung sa akin para lang matulongan mo ako. Luke, trust me. That's all!" malumanay niya paliwanag.

"Okay, I'm sorry. It's just that- I love you. Sorry, mahal lang naman kita kaya nagdududa ako."

"I understand. Trust me honey, I love you too." and she gave me her sweetest smile, the smile who took my heart away.




After we've talked about random things. Inaya ko na siyang umuwi at hinatid ko siya sa bahay nila.

"Malapit na tayong grumaduate honey, malapit na kitang pakasalan." sabi ko pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto nga sasakyan.

"Hahahaha. Naku! Ikaw Luke ha, napaghahalataan ka masyado."

"What? Masama bang magpakasal sa babaeng mahal ko?"

"Hindi naman. Pero may mga pangarap pa tayo diba? Tsaka na muna ang kasal."

"Whatever, basta ikaw na talaga. Sige na, goodnight Mrs. Vera Buenaventura Salvador." and I gave her a peck in her lips.

"Goodnight din, Mister ko!"

At pumasok na siya sa gate nila. Hinintay kong makapasok siya sa bahay nila at bumalik na sa kotse ko para umuwi na din.




Pagkapasok ko sa kwarto ko ay napagpasyahan kong makipag usap kina Mom at Dad. Kinuha ko ang laptop ko sa may study table at saktong naka online sila.

"Hi dear! Diba kanina yung finals niyo? How was it? Confident ba?" bungad sakin ni Mommy.

"Naman! Ako pa ba Mom? Future namin ni Vera ang nakasalalay sa studies ko!"

"Anak, kahit wala si Vera. Babagsak ka din naman sa Law firm ng Daddy mo."

"Kahit na! Gusto ko na nga magpakasal sa kanya eh."

"Hijo, sigurado ka na ba sa kanya? Hindi basta basta ang pagpapakasal, mahaba haba nga ang pinag daanan namin ng Mommy mo bago nauwi sa kasalan."

"Dad, sigurado na ako. Kung di nga pinaalala ni Vera na may mga pangarap pa siya gustong abutin, baka bukas magpapakasal na kami."

"Hay nako bata ka, magtino ka nga! Mana ka sa Daddy mo!"

Mahaba haba ang pag uusap naming tatlo. Kung hindi nga lang ako pinaaalahanan ni Mom na matulog na ay hindi ko mamamalayan ang oras.

Nakangiti akong pumunta sa kama ko and I started to sleep. Hindi pa umabot ng sampung minuto akong nakapikit nang magring ang phone ko.

Tanginang Drake to, iisturbohin na naman ang pagtulog ko.

"Ano na naman ang problema mong gag-"

Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang hikbi niya.

Umiiyak na naman si tanga!

I heaved a deep sigh at kinalma ang sarili ko.

"Drake, nasaan ka?"

"Pre, ano kaya kung makipag suntokan ako sa mga tao dito at ipabagok ang ulo ko? Mawawala na ba ang alaala ko?"

"Drake, where are you? Pupuntahan kita."

Sinabi niya ang bar na pinaglulugaran niya at agad agad akong nagbihis ng white t shirt at black pants. Dali dali akong nagdrive papunta doon bago pa maghanap ng gulo ang kaibigan kong sawi sa pag ibig.

Bakit kasi hindi pa mag move on? Mas gusto pang mamatay kesa mabuhay, mga dakilang tanga.

The ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon