Ang saya-saya ko ngayon. Nandito kasi ako sa park at naglilibot.
Kaso wala akong kasama pero masaya parin ako na tumitingin sa mga naglalaro at sa nagliliparang mga paro-paro.
Ako si Ellie, labing pitong taong gulang. And I'll tell you a secret, ngayon lang ako nakalabas ng bahay sa tanang buhay ko.
Hindi kasi ako pinapayagan ng nanay kong lumabas. Sabi niya masama daw ang mga tao, mapanghusga at higit sa lahat kaya nilang manakit ng kapwa nila tao.
Kaya nasa bahay lang ako. Lumalabas lang ako tuwing hapon upang maglibot sa bakuran, pero hindi ako nakakalabas ng gate.
Napahinto ako sa paglilibot ng may nakita akong lalaki na umiiyak.
Siya lang mag isa sa may mapunung bahagi ng park. Parang ka edad ko lang rin siya.
Nagtago ako sa may puno malapit sa kanya at tiningnan siyang mabuti.
May hawak hawak siyang parang papel at sige sa pag iyak. Dahan dahan akong lumapit at tumabi sa kanya.
Pero parang hindi niya ako nakikita at bigla nalang siyang nagsalita.
"Ba't mo ko iniwan nay, malapit na akong mag graduate sa highschool" Sabi niya habang iyak pa rin ng iyak.
Siguro namatay ang nanay niya. Kawawa naman siya. Hindi ko alam ang pumasok sa ulo ko't niyakap ko siya. Tumigil siya sa pag iyak at parang gulat na gulat.
"Nay? ikaw ba yan?" Tanong niya
Hindi niya ba ako nakikita?
"Hello?" - Bati ko sa kanya.
Tumayo yung lalaki at naglakad pabalik sa mataong lugar sa park.
Weirdo..
Siguro nahiya dahil nakita ko siyang umiiyak.
Hindi ako mapakali kaya pumunta ako sa mga batang naglalaro.
Parang hindi nila ako napapansin. Kaya mas lumapit ako sa batang may dalang tsinelas.
"Hoy bata?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko
"Hoy?" wala akong narinig na sagot galing sa bata kaya tinanong ko ulit
"Naririnig mo ba ako?"
Wala akong nakuhang sagot sa kanya.
Nanlaki ang mata ko at nagtaka, bakit di nila ako pinapansin?
Patay na ba ako?
Baka kaluluwa nalang ako. ano bang nangyayari?
Lumapit ako sa ibang taong nasa park at di rin nila ako pinapansin.
Tumigil ako't umupo sa may swing na wala gaanong tao.
Naramdamam kong may nagmamasid sa akin, nilibot ko ang aking mata at nakita ang isang lalaki sa tapat ng puno katapat ng mga upuan sa kabilang dulo ng park.
Nang mag abot ang aming mga mata ay agad akong nag iwas ng tingin
Nakikita niya ako?
Para malaman ang totoo ay lumapit ako sa kanya. Akmang tatayo na ang lalaki at aalis na ng pigilan ko siya
"Teka! Wag ka munang umalis" pigil ko sa kanya
Huminto ang lalaki at nanatiling nakatayo. Naka hood siya at nakatalikod na sa akin.kaya di ko maaninag ng maayos ang mukha niya.
"Anong kailangan mo?" tanong ni kuya
"Waaah, naririnig mo ba ako?"
"Malamang, sasagutin ba kita kong hindi kita naririnig?"
Psh ang sungit nito.
"Sungit." Mahina kong sabi na mukhang narinig niya at humarap sa akin.
Natulala ako ng makita ko ang isang gwapong nilalang na sa harap ko.
Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata at kulay bughaw ang mata.
"Alam kong gwapo ako, pwede mo ng itikum ang iyong bibig".
"....."
speechless, eh ngayon lang ako nakakita at naka usap ng ganito ka gwapong nilalang sa buong buhay ko.
"Ano tutunganga ka lang ba diyan?" inis na tanong niya sa kin.
"So-sorry" Teka ba't nauutal ako.
Wooooh, compose yourself Ellie. Wag mung ipahalatang na gagwapohan ka sa kanya.
"Totoo nga, naririnig mo talaga ako? Kasi yung iba hindi ako naririnig at nakikita" Sabi ko na ikinabigla naman niya
"Mauna na ko, mabuti pa bumalik ka na kong saan ka man nanggaling baka mapano ka pa"
Sabi niya at saka siya naglakad paalis.
Nakita kong may bracelet na may itim na beeds sa kanina ay inupuan ng lalaki. agad ko itong kinuha at hahabulin sana siya pero agad akong napatingin sa aking relo.
Hala! Quarter to 5 na. Pauwi na si nanay. Patay ako pag naabutan niya kong wala sa bahay.
Naramdaman ko nalang bigla na may tumatawag sa akin.
"Ellie, ellie? Gising na at nandiyan na ang sasakyan ng nanay mo" -
Agad kong minulat ang aking mata.Teka, nasa bahay na ko? Panaginip ba yun ? Pero parang totoo.
"Nana? Kanina pa ba ako tulog?"- tanong ko kay Nana.
Si Nana ang yaya ko. Siya ang nag aalaga sa akin simula bata pa ako hanggang ngayon.
"Oo, mag limang oras ka ng tulog"
"Po?" Kung ganon, panaginip pala talaga lahat. Pero ang weird nun. Parang totoo talaga.
Nakatingin ako sa kamay ko. Yung bracelet. Nanlaki ang mata ko at ibinulsa agad ito.
This is really weird.