Agad kong sinalubong si nanay. Mukhang good mood siya ngayon. Baka pwede akong lumabas ngayon.
"Nay! You're here"
Sabi ko sabay halik at mano kay nanay.
Oh diba, english yun. Nag tataka siguro kayo ba't ako marunong mag english at may alam ako sa mundo. Haha.
Since hindi ako lumalabas ay nag ho-home study ako at may hinire si nanay na tutor ko.
For the past 10 years siya lang ang naging kaibigan kong taga labas.
"Mukhang maganda ang gising ng anak ko ah" Sabi ni nanay sabay yakap sa akin.
"Pano niyo naman nalaman na kakagising ko lang nay?"
"Eh pano, tingnan mo iyong buhok mo, parang isang taong hindi nag suklay at may muta ka pa oh"
Agad ko namang chineck kong meron nga ba. Wala naman ahh. Inaasar na naman ako ng nanay ko. Ma ipasok ko nga na pwede ba akong lumabas. Hihi.
"Wala naman ah" Sabi ko at tumawa lang si nanay.
" Nag snacks ka na ba Ellie? May dala akong fries at turon. Your favorite!"
Biglang nag ningning ang aking mga mata at sabay kuha ng pagkain.
"Ihahanda ko na po para makakain na tayo nay"
Agad takbo papuntang kusina.
Pagdating ni nanay sa kusina, agad ko naman siyang pina upo at nagsimula na kaming kumain.Kumakain kami habang nag kw-kwentuhan at nang maka tiyempo.
"Nay pwede po ba akong lumabas bukas?"
Huminto sa pagkain si nanay at ibinaba ang torong hawak niya.
"Hindi."
Sabi niya at akmang tatayo na."Eh nay, bagot na bagot na po ako sa bahay. Wala nga po akong kausap na kasing edad ko. Boring na boring na po ako dito."
"Ellie, how many times do I have to tell you, you can't go out. Hindi pwede. At pag sinabi kong hindi. Hindi. Walang pero pero"
Syete, ito naman tong luha ko. Sa labing pitong taon ko sa mundong to ni hindi ako nakakita ng ibang tao maliban sa mga katulong at driver ni mama. Hindi ko maintindihan kong bakit ayaw niya akong palabasin. Palagi niyang sinasabi sa akin na mapanganib ang nasa labas ng gate.
"Okay nay"
Inunahan ko siya sa pag tayo."Sa kwarto lang po ako".
Dali akong umakyat sa kwarto ko at dun bumuhos ang luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.
Siguro may mas malalim pa na dahilan kong bakit hindi niya ko pinapayagan. I just need to find out what that is.
Tumayo ako at kinuha aking drawing pad. Mahilig ako mag drawing Madalas ko tong ginagawa lalo na kapag pinapagalitan ako ni nanay. Puro mga bagay na makikita mu sa loob ng malaking gate ang nasa drawing pad ko.
Mag dadrawing na sana ako pero bigla kong naalala yung bracelet.
Teka kung panaginip yun, ba't may bracelet? It's the same bracelet na nakita ko na sa tingin ko ay kay Mr. sungit.
Bigla kong naalala ang gwapo niyang mukha at napagpasyahang siya nalang ang i d-draw ko. Yiy.
Hindi ko nalang inintindi ang bracelet. Mamaya ko nalang to iisipin.
Teka, baka makita ni nanay.
Agad kong kinuha ang isa ko pang drawing pad at dun nag simulang iguhit yung gwapo kanina. Tandang tanda ko pa lahat ng details ng mukha niyaaaa.
"Ang gwapoooo mo talaga"
Sabi ko ng matapos ang drawing ko. , signed by Ellie, pinusuan with the date.Yay!
Niligpit ko na ang drawing pad at saka humiga. makatulog nalang nga.
Nang papapikit na ako, may kumatok at bumukas ng pinto. Si nanay pala."Ellie, anak. Are you mad?"
Hindi ako sumagot at nagkunwaring tulog.
Hindi ako galit sa kanya, pero medyo nag tatampo kasi hindi niya ko pinapalabas. Kahit isama ako sa trabaho hindi niya magawa.Nakikinig lang ako kay nanay habang ginagalaw ang buhok ko.
"Sana maintindihan mo na para sa'yo lahat ng to. Ayokong may masamang mangyari sayo"
Saka niya ko hinalikan sa pisngi.
"Balang araw maiintindihan mo rin si nanay"
Sabi niya sabay labas ng kwarto ko. Napabuntong hininga nalang ako at nakatulog.