Sad Love Story #13

154 6 0
                                    

~Long Sad Love Story #13~

A/N:Guys ewn ko if na sad toh wala na sa isip ko yung naisip ko!

Title: Messenger
Girl: hi baby
Boy: baby? Who you? tsk.
Girl: who you kasi nga first time nating
mag chachat.
Boy: ah okey pero wala akong oras sa
katulad mo.
Girl: suplado ah
Boy: *seen*
Girl: Wow seen ah.
Boy: *seen*
Girl: wow Talaga ah famous lang
baby?
Boy: *seen*
Girl: baby reply ka naman oh
Boy: *seen*
...[7:40pm] nag chat ulit si girl kay boy
Girl: hi baby Crush!
Boy: baby!? please lang wag ka ng
mag chat bwis*t baka makita pa to ng
girlfriend ko eh.
Girl: ah okey sorry talaga
Boy: *seen*
...Ilang linggo ding hindi nakapag chat
si girl sa crush nyang ubod ng sungit.
[Fb status ni boy ]
Good morning mga baby single na ulit
hintayin nyo ako sa cafeteria ha.
Like 87 Comment 45
(Sa isip ni girl) napaka play boy talaga
nitong lalaking to pasalamat sya crush
ko sya.
(Messenger)
Girl: hi crush na miss kita
Boy: *seen*
Girl: ano bayan di mo man lang ako
na miss sad naman
Boy: *seen*
Girl: puro ka seen eh supot ka naman
tsk!
Boy: Sinong supot?!
Girl: ohh yeah nag reply sya haha!
Boy: wag mo akong ginagalit ah baka
makita mo kung anong hinahanap
mo!
Girl: chilax mahal naman eh haha!
Boy: chilax mo muka mo!
Girl: diba sa main ka nag aaral?
Boy: aba stalker pala kita. Oo bakit
pupuntahan mo ako ganon kaba ka
patay na patay sa kagwapuhan ko
haha!
Girl: ah kasi mag tatransfer ako jan.
Boy: ah talagang mag tatransfer kapa
talaga dito ah haha okey, kahit mag
transfer ka man dito ay hindi parin
kita papansinin.
Girl: maganda ako haha!
Boy: *seen*
Girl: aba seen si supot haha!
Boy: supot ka ng supot baka naman
gusto mo lang makita si junjun ko
ayyyy! Oo nga pala hindi pala to nag
papakita sa mga pangit haha!
Girl: pangit? Pano mo nasabi
Boy: inistalk kita kaya alam kong
pangit ka, lakas mong mag chat eh
ang pangit pangit mo lang naman
haha! wag ka na ngang mag chat
sa gwapong nilalang pasalamat ka nag
ka chat pa tayo.
Girl: *seen*
Makalipas ang mga ilang lingo...
[Main school ]
Boy1: Pre balita ko may bagong
transfer daw jan sa kabilang room at
ang sexy pa pare.
Boy: talaga pare tara samahan mo ako
at sigurado akong mapapasakin yan
lahat ata ng mga babae ay
napapasakin kahit gano payan ka
ganda.
Boy1: Oo na pare ikaw na the best ka
dba haha!
At pumunta si boy sa kabilang room...
Boy: shhhiiittt pare ang ganda nga at
ang puti!
Boy1: sabi ko sayo eh!
Boy: ang ganda talaga kaya pala pinag
kaguluhan sya ng mga lalaki eh!
Boy1: Oo nga eh crush kuna sya pre!
Boy: kung mapapansin ka nya pare
haha! wait tingnan mo pare
tiningnan nya ako shit.
Lumapit ang babae sa kanila ni boy...
Girl: hello boys
Boys: h-hi baby
Girl: haha
*Kriiiinnng kriiiinnng*
At tumalikod na ang babae dahil mag
sisimula na ang klase pero pinigilan
ito ni boy...
Boy: Miss wait
Girl: yes?
Boy: pwede bang yayain ka mamaya
wala kasi akong kasabay Kumain eh.
Girl: sure
Boy: wow bilis ah (pabulong) sige
sunduin kita mamaya ah
At tumalikod na ng tuluyan si girl at
umupo na samantala si boy ay naka
tayo parin at tulala pa...
Boy1: pare tara na nag uumpisa na
ang klase!
At doon palang nagising ang
nanaginip na diwa ni boy, kaya
pumasok narin sa classroom nila si
boy at umupo pero sa pag upo ni boy
ay tumunog ang messenger apps nya
kaya agad agad nya nitong binuksan...
(Messenger)
Girl: hi baby Crush!
Boy: baby mo muka! mo wag ka na
ngang nag memessage panira ka ng
araw ko eh. ang ganda ganda na sana
eh.
Girl: ayy. ganon ba sorry nag chat lang
naman ako kasi ipapa alam ko lang
sayo na parehas na tayo ng school na
pinapasukan.
Boy: wala nga akong paki sayo bwes*t
ka!
Girl: *seen*
Makalipas ang ilang oras...
*Kriiinnnggg Kriiinnnggg*
Boy: yeeeessss!! Pre una na ako ha
may date pa ako
Boy 1: bilib talaga ako sayo pare, sige
ayusin mo haha!
Nag punta si boy sa classroom ni girl
at nag hintay sa labas at ilang minuto
ang paghihintay ni boy ay hindi parin
lumalabas si girl kaya pinasok nya na
ito...
Boy: excuse me girls asan yung
babaeng kakatransfer lang
Girl 1: ah nasa cafeteria na kanina pa
Boy: ah okey thanks!
Dali daling pumunta si boy sa cafeteria
at nakita nya doon si girl...
Boy: hi miss beautiful
Girl: ohhh ikaw pala sorry ah kung di
na kita nahintay na gutom na kasi ako.
Boy: okey lang wait ah. bibili lang ako
Girl: ah, sige
Pumila si boy sa mahabang pila kaya
natagalan ito at sa pag balik nya...
Boy: sorry sa paghihintay
Girl: okey lang nasanay na ako
Boy: huh?
Girl: ah wala sabi ko nasanay na
akong umupo habang nag hihintay
Boy: ah sorry ulit, oh ito kain kana ulit
Girl: thanks
Boy: miss pwede bang mag tanong?
Girl: ano yon?
Boy: may boyfriend kana ba?
Girl: meron
Boy: ah ganon sayang naman gusto
pa naman kita
Girl: sorry huh. Wait!
May kinalkal si girl sa cp nya at may
pinakita kay boy...
Girl: yan ang boyfriend ko!
Nang makita ni boy kinusot kusot pa
nya ang mga mata nya...
Girl: haha! alam kong
napapangitan ka sa kanya pero pag
nagawa mong mahalin ang isang tao
na palaging nag papapansin sayo sa
anong paraan. walang pangit pangit
sa mata dahil ang puso naman ang
nag mamahal at hindi ang mata.
Napa tingin nalang si boy kay girl ng
marinig nya ang sinabi nito pero ang
totoo ay wala naman talagang
boyfriend itong si girl at ang pinakita
nya kay boy ay kaibigan nya iyon sa
pinang galingan nyang school...
[Fast forward ]
(Messenger)
Boy: hi po!
Girl: *seen*
Boy: uhhm. alam kong galit ka.
Girl: *seen*
Boy: maiintindihan kita kung ayaw
mong mag reply sa chat ko dahil galit
ka.
Girl: *seen*
Boy: tama na ang seen oh SORRY na.
reply kana baka masanay ako nyan.
Girl: Sorry huh out na ako eh bye!
Boy: sorry na please wag kanang
magalit
Girl: active 1 minute ago
Boy: nag out na!
[Kinabukasan sa school ]
Boy1: Oh pre aga mo naman ata.
Boy: Oo pre eh may hahanapin kasi
ako.
Boy 1: bat mag hahanap kapa ng iba
ee anjan lang naman sya sa kabilang
classroom
Boy: may ibang transfer pa dito ito oh
- at pinakita ni boy ang nasa cp nya...
Boy 1: shhhittt! pare bat may pulubi sa
cellphone mo haha!
Boy: tarantado! wag ka nga, bala ka
nga jan!
At umalis na si boy at pinag isa isa ang
bawat classroom at kada classroom ay
nag tatanong sya kong may bago
bang transfer pero bigo sya dahil wala
naman na isip nya na baka nag jojoke
lang ang girl na ka chat nya wala
naman talaga sya dito...
Nakita ni boy ang kakatransfer lang na
girl kahapon kaya pinuntahan nya
ito...
Boy: hi miss good morning!
Girl: ow. ikaw pala bat ang aga mo
naman ata
Boy: uhm.. kasi may hinahanap ako
kakatransfer nya lang din dito.
Girl: (napangiti) ah talaga? bakit mo
naman sya hinahanap siguro may
nagawa kang kasalanan ano?
Boy: ganon na nga (nalungkot)
Kasi palagi ko syang pinapalayo pag
mag ka chat kami minsan nga
pinagbabato ko sya ng masasakit na
mga salita (napayuko)
Girl: hahaha
Napataas nang kilay si boy na
tiningnan si girl ...
Boy: Anong nakakatawa don?
Girl: eh kasi ganyang kagwapong
nilalang ay nakokonsinsya din pala
haha!
Boy: eh kasi kahit ganito ako kagwapo
ay may puso pa ako no!
Girl: sus hangin. san ba banda (sabay
tiningnan si boy nang taas baba)
Boy: sus kakasabi mo lang na gwapo
akong nilalang eh, crush mo na nga
ata ako eh.l sabagay lahat naman ng
babae nagagawa kong akitin (sabay
kindat kay girl)
Girl: nako! nako! maka alis na nga
sobrang hangin na haha bye!
Boy: cge bye!
At nagsimula na ulit si boy mag hanap
sa ka chat ng si girl pero bigo talaga
sya sa paghanap hangang sa na
abutan na ito ng first period nila kaya
minabuti nya nalang na pumasok...
sa pag upo ni boy sa upuan nya ay
sabay dukot ng cellphone nya...
(Messenger)
Boy: hmm,hindi ko alam kong bakit
na mimiss kita ang alam ko lang
naman kasi noon na isa kalang
basura sa messenger ko, hindi ko
akalain na ang akala kong basura ay
sya pang maglilinis ng magulo kong
mundo sorry kong na pagsasalitaan
kita ng hindi maganda sorry din kong
masyado akong confidence sa ka
gwapuhan ko kaya sorry mag chat
kana. (Message sent 8:32am)
Boy 1: pre bakit ang lungkot mo
naman ata first time to ah.
Boy: sorry pare pero wala ako sa
mood.
Natapos ang klase ng hindi umiimik si
boy kahit tinatawag na ito ng guro
nila...
Sa cafeteria mag kasama si boy at si
transfer girl...
Girl: hoy tinatanong kita di ka
sumasagot napapano ka may
problema ba sa mga babae mo
nanaman ba yan?
Boy: sorry wala lang talaga ako sa
sarili ko at maka pagdikdikan ng
katagang mga babae mo parang kilala
mo ako ah.
Girl: Kilala naman talaga (sabay takip
ng bunganga nya dahil sa pagkabigla)
Boy: kilala?
Girl: oo diba nga kahapon pa tayo
magkakilala ano kaba wala ka nga
talaga sa sarili mo sino ba yang
gumagabagabag sa isipan mo?
Boy: yung ka chat ko kasing girl hindi
na sya nag paparamdam sa chat.
Girl: ayiiiee! na miss nya maganda ba
yan? kasing ganda ko ba yan?
Boy: hindi.. pero ikaw na nga ang
nagsabi diba, na hindi naman
kailangan puro mata ang
maghahanap ng taong mamahalin
kundi ang puso natin. Hindi man sya
maganda sa paningin ng iba kung
mararamdaman mo ang pag
mamahal nya doon mo makikita ang
kagandahan nya, puso kasi ang
magdidikta nito kaya pag nawala sya
ay doon lang makikita ng ating mga
mata kong gaano sya kahalaga at
kong gaano sya ka kawalan pag
nawala sya.
Nang marinig ni girl si boy ay napa
isip ito kong totoo ba ang niririg nya
dahil bilang girl na palaging ka chat ni
boy ay kabaliktaran ang ugali nito ng
last na mag ka chat sila...
Girl: may pinag huhugutan ah swerte
naman ng babaeng yan!
Boy: kaso nga lang di na sya nag
rereply eh na mimiss ko na sya.
Girl: alam mo pag mahal mo ang
isang tao magagawa mo ang posible
sa imposible kaya pag mahal mo sya
gawin mo ang lahat para maitama mo
ang minsang pagkakamali mo. O sya
pasok na ako bye!
At hindi na tumugon si boy bagkos ay
pumasok narin ito sa classroom nila...
[Bahay]
(MESSENGER)
Girl: *seen*
Boy: hindi mo ba Talaga ako
mapapatawad? please sorry na.
Girl: diba busy ka at diba gwapo kang
nilalang kaya bawal kang nakikipag
chat sa mga pangit na kagaya ko!
Boy: sorry na hindi ko yon sinasadya
ikaw lang naman na pangit ang
nagpalambot sa puso kong bakal eh
kaya sorry na please.
Girl: akala ko ba mag sosorry ka eh
bakit nang iinis kapa ata pinag
dikdikan mo pa ang salitang pangit
tsk.
Boy: sorry na maganda kana kaya bati
na tayo.
Girl: Eh kaso gwapo kang nilalang
tapos ako nilalang lang.
Boy: haha! patawa ka, eh ano naman
hindi naman basehan ang labas na ka
anyuan pag puso ang nag mahal.
Girl: Lalim, marunong ka pala non.
Boy: oo dahil sayo natuto akong
magmahal na hindi ginagamit ang
mata kundi ang puso.
Girl: OA mo.
Boy: OA? Hindi ba pwedeng nagmahal
lang?
Girl: drama, haha!
Boy: yun oh, napatawa ko sya!
Girl: kailangan ko bang umiyak?
Boy: oo kasi manliligaw sana ako
ayoko kase na maunahan pa ako ng
iba kaya sana payagan mo akong
manligaw.
Girl: hmmm. Sige pagiisipan ko, hindi
porket crush kita sasagutin na agad
kita. Hindi ako napapaligaw sa chat o
sa text lang no!
Boy: talaga? Ibig sabihin makikita na
kita. Staka kala ko ba sa main ka
nagaaral? Hinanap kaya kita.
Girl: sa main nga. Staka kung gusto
mong manligaw sa magandang
paraan hindi sa kagaguhan,tss.
Boy: yes ma'am masusunod!
Girl: okey, antok na ko kita nalang tayo
bukas.
Boy: huh? Pano kita makikilala?
Girl: magchachat nalang ako, sige na
bye!
Boy: sige sige, bye! Sweetdreams
...kinabukasan maagang pumasok si
boy dahil excited na nyang makita ang
babaeng minsan na nyang
pinagtabuyan at ngayon ay
minamahal nya sa hindi malamang
dahilan, sabe nga sa kanta.. "walang
sagot sa tanong kung bakit ka
mahalaga"
(MESSENGER)
boy: asan kana? Naghihintay na ako
dito sa cafeteria.
Girl: *seen*
Boy: aray ha! porket mahal kita seen
nalang.
...lumipas ang ilang minuto hindi na
nagseen si girl at nagout na ito. Maya
maya ay may narinig si boy na
nagsalita..
"Kung gusto mong manligaw dapat
handa kang maghintay para sa
kinakamit mong pagmamahal"
...kaya nang marinig ito ni boy ay hindi
sya lumingon, natulala sya dahil alam
nya ang boses ng nagsalita.
Girl: oh bat namutla ka jan? Tumingin
ka nga, akala ko ba manliligaw ka?
...nang marinig ni boy si girl ay dahan
dahan itong humarap.
Boy: ikaw?! ...
Girl:OO ako nga,sa isang kondisyon...dahil sa mga sinabi mo saakin pahihirapan kita!.

A/N:Guys wait niyo ang Part 2 doon na kayo maiiyak!!

Sad Love Story (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon