Sad Love Story #18

20 1 0
                                    

Grade 1

👦: "Pakikuha nga Yana"

👧: "Inuutosan mo ko?"

👦: "Shhh, kunin mo nalang"

Grade 2

👦: "Yana, pakopya assignment mo."

👧: "Yoko nga, ano ka? Sineswerte?"

👦: "Shhh, sundin mo nalang

Grade 3

👦: "Psst, pakikuha nga nung tuwalya ko nasa bag."

👧: "Ayo-"

👦: "Shhhh, sumunod ka nalang."

Grade 5

👦: "Bigay mo sakin notebook mo."

👧: "Absent ako kahapon, wala akong notes, wala kang makokopya."

👦: "Share mo lang? Bigay mo na, bilis."

👧: "Uggghhh!"

Grade 8

👦: "Tapos ka na sa project?"

👧: "Bahala ka jan! Bat ko naman sasabihin sayo."

👦: "Sagot."

👧: "Argh! Wala pa!"

Grade 10

👦: "Patingin Thesis mo."

👧: "wag ka ngang copy cat! Gumawa ka ng sayo!"

👦: "sumunod ka nalang."

👧: "Ugghh! Ayan oh!"

Grade 11

👧: "Oh ano na naman? Wala na akong maiibibigay sayo! Ubos na lahat!"

👦: "Yana, naaalala mo pa nung grade one?"

👧: "Ano? Yung palagi mo kong inuutosan kunin ang mga nahulog mo everytime na may test?"

👦: "Alam mo ba kung bakit ko ginawa yon?"

👧: "Aba, malay ko sayo."

👦: "palagi kong hinuhulog ang ballpen ko para sa twing kinukuha mo yon, mapapalitan ko ang mali mong answers."

👧: "A-ano?"

👦: "Nung grade two yung palagi akong nangongopya sa assignment mo. Pinapalitan ko answers mo para malaki scores mo kasi alam kong malalagot ka sa mama mo."

👧: "P-paano mo nalaman?"

👦: "Nung grade three nung inuutusan kitang kunin ang towel ko, para yon malagyan ko ng pagkain ang bag mo kasi alam kong wala kang baon nun."

👧: "r-rane."

👦: " Nung grade 5, na halos palagi kang absent dahil sa sakit mo. Palagi kong kinukuha ang notebook mo para macopy ko yung notes namin nung absent ka. Para may aralan ka."

👧: "kaya pala biglang dumami notes ko nun."

👦: "nung grade 8, hahaha, yung project mong puro mali, agad ko yung binarter at iniba ang pangalan. Ang resulta, ang baba ng score ko, sayo best work."

👧: "sabi na eh."

👦: "yung thesis mo, laki ng score mo diba. Hahaha, pinakialam ko kasi laptop mo bago mo yun ipasa. Galing ng grammar ko no."

👧: "kaya pala may di familiar sakin na words dun. Ikaw lang pala. Uy salamat ah!"

👦: "pero walang pinatunguhan ang mga ginawa ko nang sinagot mo yung bestfriend ko. Hahaha."

Sad Love Story (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon